CHAPTER 15

3.1K 255 17
                                    

One Month is now available again! Yay. You can read the short story again, mga timawa. Also, if you have Twitter, you can check my account TheAshtoneWP. I'm not really into Twitter, but I'm planning to use that account for sharing in-depth trivia and facts about my stories. Teaser hub na rin siya for future stories in Weirdoverse.

'Yun lang. Thank you.

theashtone

●●●

Elio's POV

Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin kami nagkakausap ni Skyler mula nang malaman ko ang ginawa niya. Kelly also apologized to me, at as expected ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang patawarin siya dahil hindi talaga kayang talunin ng trashy attitude ko ang kabaitan niya. Si Skyler naman ay mukhang sineryoso ang sinabi kong hindi ako hihingi ng apology.

Call me overreacting or whatever, but I'm sensitive about my personal life. As much as possible ay ayaw kong napag-uusapan ang nakaraan ko, lalo kung hindi ko naman ka-close ang kausap ko. Nakaka-insulto naman kasi sa part ko na basta-basta na lang silang naghalungkat ng impormasyon at nakaraan ko nang hindi man lang sa 'kin nagpapaalam. It's not the right thing to do.

Dahil sa nangyari, balik kami sa usual na walang pansinan sa bahay. Madalas din akong mag-take out ng pagkain mula sa restaurant ni Sir Mico kaya bibihira na lang akong bumababa para magluto. Parati na lang akong nagkukulong sa kwarto ko. Malakas naman ang wi-fi at AC kaya wala naman talaga akong rason para bumangon mula sa malambot kong kama. Papatapos na rin ang Abril at nagpapabida ang araw kaya mas lalong wala akong rason na lumabas.

Unfortunately, wala akong trabaho today. Balak ko sanang gumala kasama si Adrian o si Zoe, pero overseas ang una at may trabaho naman ang huli. Mukhang hindi rin lumabas si Skyler dahil hindi ko narinig ang kotse niyang umalis. Ayaw ko pa namang makita siya today, as usual.

Magtatanghali na nang magising ako kaya nagpa-deliver na lang ako ng pagkain. Buti na lang at tanaw ko ang gate mula sa kwarto ko kaya nabantayan ko ang nag-deliver. Unfortunately, tumunog pa rin ang door bell habang tumatakbo ako papunta sa gate.

Binilisan ko na lang ang galaw ko habang nagsasalin ng mga pagkain sa mga plato at bowl.

"Was that for you?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Skyler. Lumingon ako at agad na nag-init ang pisngi ko nang makita kong boxer shorts lang ang suot niya. Mukhang galing din siya sa workroom niya. Minamasahe niya rin ang kamay niya.

Natigilan naman ako.

He's almost naked. . . He's massaging his hand. . .

"No! Don't come near me!" I shouted, taking a step backwards.

May stool pala sa naatrasan ko, kaya natumba tuloy ako sa sahig. Habang sinusumpa ko ang lahat ng tao sa buong mundo ay lumitaw naman si Skyler sa harap ko.

"Hey, that was dangerous," he said. "Are you okay? Nasaktan ka ba?"

"Don't touch me!"

"I know I have paint all over my body, but let me help you. 'Wag ka munang gumalaw," sabi niya.

"What?"

"I was painting," Skyler replied. "I usually don't wear clothes dahil hassle ang pag-laundry. Kaninang umaga pa ako nagtatrabaho kaya nangangalay na ang kamay ko."

"Oh. . . I see. . ."

Silly me.

Still, tumama bigla ang paningin ko sa katawan niya habang nakaluhod siya sa tabi ko. Agad naman akong lumingon sa kabilang direksyon.

The Paintbrush DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon