🔱05🔱

125 3 0
                                    

Venus

"Grabeng eyebags yan sis!" Puna ni Mei

Pagkaalis ni Calvin papuntang ibang bansa dumiretso na ako dito sa university

Naka-private plane sila ni Kuya Carter, para daw mas mabilis.

Sinama kasi niya ako sa paghatid sa airport kasi gusto niya daw ako makita bago siya umalis

Lagi naman siyang ganiyan, halos ayaw na umalis pero kailangan daw

"Hello girl? Earth to venus?" Ria

"Ay bakit?"

"Anong meron bakit mukhang puyat ka?" tanong ni Jam

"Wala, gumawa ako ng mga kailangan ko for internship" pagsisinungaling ko

"Sabagay kami din kahit sa amin yung company kailangan daw namin sumunod sa right way of applying for internship" Jam.

"same girl" sabay na sabi ni Ria at Mei at nag apir pa

"Tara na" yaya ni Ria at umakyat na kami sa room namin

Ilang oras lang na discussion at halos tungkol na lang sa mga requirements namin for internship, mga kailangan namin ma-achieve na oras at we also need to get a commendation from the company.

Isa sa requirements yun para maka-graduate kami

"so lahat dito may company na na-pag ojt-han?" tanong ni Prof. Reyes

"Yes sir"

"Okay, early dismissal tayo kasi I want you guys to prepare everything that you need for your internship"

"Thank you sir"

Lumabas na si prof kaya inayos na namin ang gamit at lumabas na din

"Hi babe!" nagitla ako ng biglang may lumitaw sa harap namin

"Hi ares!" bati ni Jam, magkakilala sila pero di ko alam kung paano or kung magka-mag anak ba or what

Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad

"Grabe ka naman babe, may utang ka pa nga sa akin muntik pa akong mamatay dahil parang sasagasaan ata ako ng sundo mo" Ares

"Hala totoo ba?" tanong ni Jam

"What happened?" tanong naman ni Ria

"until now mystery samin kung sino yung nagsusundo kay venus at di namin alam kung saan siya nakatira" singit ni mei

"ooh mysterious i love it" saad ni Ares sabay ngisi

hindi ako sumagot at dumiretso na sa cafeteria kumuha lang ako ng hamburger at juice

Nagkekwentuhan pa din sila sa likod ko at tinatanong si Ares sa nangyari

Kumuha din sila ng snacks nila at umupo na kami sa table malapit sa pinto

"sinusundan ko lang naman si venus non tapos nung niyakap ko siya may humaharurot na sasakyan papalapit samin muntik nakong sagasaan, nakakahurt nga yan si babe eh, di na nga nag sorry umalis pa bigla"

"siguro papa ni venus yon? tapos nagalit!" Mei

"Hindi ko kasalanan yun ares, kung una palang di ka sunod nang sunod edi hindi sana mangyayari yon" Matabang na sagot ko kay Ares

"Savage" Ria said and laugh

"pero okay lang babe napatawad na kita, but in return can you at least give me your number?" Ares

"No--"

"I know her number save mo 09*********" Mei

"Mei no!" me. Nag peace sign naman si mei at tumawa sila

"This is for you naman, ares is a good guy i swear he's my cousin so kung lolokohin ka niyan ako una niyang makakalaban" Jam.

You don't understand, magagalit ang asawa ko!!

"Kaya nga babe" sagot ni Ares

bumuntong hininga lang ako at hindi na sumagot

Napalingon ako kay Ria ng makitang nakangiti siya habang nakatitig sa cellphone niya

"ano meron?" tanong ko sakaniya

"you know naman guys diba na we are in  the technology industry! Inupdate ako ng father ko na bukas daw ay contract signing ng company namin with graye's corp kasi magcocollab sila for a special project!! Kaso mamaya pa dating ni Mr. Calvin Graye kasi nasa biyahe pa daw. Pero papadalhan niya daw ako ng picture since this is once in a lifetime"

Lahat sila ay tumango na parang excited sa picture ng asawa ko. Ako madami gusto ba nila? Hahaha

"Pero sabi nila parang hulog ng langit si Mr. Graye, kasi sobrang yaman, famous at sobrang gwapo! Pero mailap sa camera" comento ni Jam

"Kaya nga, sabi nga ni dad wag ko daw ipost sa social media pag sinend niya sakin yung picture kasi baka di pa matuloy ang contract signing" Ria

"Siguro ang ibabalita nila picture ng dad mo at yung president ng company" Mei

For sure.

"Gwapo, pero mas gwapo pa din ako" Ares. I snorted

"As if" sagot ko

"What? you like Mr Graye??" takang tanong ni Ria

"Yeah, why not?" Sagot ko naman

"I thought wala kang interest sa mga lalaki?" Jam

"Sabagay sobrang gwapo niya" Ria

"Kaso mahirap naman abutin yung gusto mong boylet girl" Mei

"Who knows, baka makilala ko siya pag pumasok ako sa company nila diba?" I replied

"Pwede!!! Maganda ka naman eh" Mei

"Hello!! naguusap kayo tungkol sa iba nandito kaya ako, ako lang ang para kay Venus babe ko" Ares

"Whatever" Ria

"But hindi natin alam kung meron bang lovelife si Mr. Graye, so ayoko namang masaktan ang ating friendship so dito ka na sa pinsan ko" Jam

"tama tama, tsaka for sure madaming babae yan. Mayaman eh" segunda ni ares

"Huwag kayong mag-judge di niyo naman kilala personally eh" sagot ko

"Uy si Venus may crush yiee nagdadalaga" asar ni Mei

At sabay sabay naman silang nagtawanan, keri lang crush ko naman talaga asawa ko.

Pagkatapos namin mag usap at konting kain nagsi-uwi na din kami.

Habang naghihintay ako sa sundo ko na driver namin, ay nakita ko nanaman si ares na mukhang papalapit sakin

Naku po, hindi talaga madala dala.

"Hi babe!"

"Ares, eto ha totoong usapan. Can you please leave me alone, sa totoo lang ayoko talaga eh. Ayoko sayo" diretsang sabi ko

"I know, but that doesn't mean na susukuan na kita. Sorry din vanilla pero wala naman akong nakikitang dahilan para tumigil. I like you"

"Paano kung may asawa ako?"

"Meron ba?"

Hindi ako sumagot at tumingin nalang sa kalsada, hindi ko pa kayang ibunyag. Not today

"See, wala"

May sasabihin pa sana siya ngunit saktong dumating naman ang driver namin kaya pumasok na kaagad ako sasakyan di ko na hinintay na pagbuksan ako ng driver

"Tara na"

"Yes po, madam"

Gusto kong layuan ako ni Ares pero di ko pwedeng sabihin ang totoo.

Nakakairita talaga yung lalaking yun.
---------
Vote and Comment!

Mr. Graye's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon