Venus
"Sorry talaga venus" Lumapit si jam at sumandal sa balikat ko
"Umuwi ka tuloy nung nakaraang araw na walang dalang kahit ano" lumapit din si Ria at yumakap sa akin
Kakatapos lang ng first class namin at ngayon kinausap nila ako kasi kanina akala nila galit daw ako kaya di nila ako kinausap
Nakuha ko na din yung bag ko sakanila kanina, inabot ni Jam pero hindi nagsalita
"Okay lang"
"Hindi, hindi okay yun pinilit ka namin sa bagay na ayaw mo. Gusto lang kasi namin na mag enjoy ka, pero hindi namin na isip na hindi naman lahat ng tao iisa ang ikaeenjoy" Mei.
"Okay lang talaga, promise" sagot ko
"Hindi na mauulit" Ria
"Paano ka pala nakauwi nong nakaraan?" tanong ni Jam
at bago pa ako makasagot ay may umupo sa tabi ko at umakbay
"Hi babe" napatingin ako sakaniya at napataas ang kilay ng makitang si Ares pala yon
"Omg, ares" Jam.
"Hi, Djamila"
Kinuha ko sa bag ko ang wallet at kumuha ng isang libo tsaka inabot sakaniya
"Oh bayad ko sa pamasahe"
"Grabe babe, nakakahurt ka naman bilang lalaki hindi na ako magpapabayad ng ganiyan" Oh okay
Nilagay kong muli sa wallet ang pera at nilagay sa bag
"Ibang kabayaran ang gusto ko" dugtong niya
"Ares, ilang ulit ko bang sasabihin na wala akong interes sayo please lang layuan mo ako" naiiritang saad ko
"Ouchhie" Mei
"So si ares ang nagbigay ng pamasahe mo?" tanong ni Ria
"Oo" sagot ko
"Yieee! baka may something na sa inyo ha" Jam
"Wala pa, pero soon" sagot ni ares
Tumayo na ako at lalabas na ng cafeteria ng hinabol nila ako
"Venus" Ria
Naabutan nila ako at kumapit sa braso ko
"Sorry sa pang aasar, you guys look cute together kasi" Jam.
Napabuntong hininga ako at tumingin sakanila
"I know iniisip niyo lang ako pero ayoko talaga sa mga ganyan, ayoko sa mga boys boys na yan, hindi yan ang priority ko. Ang priority ko ay makapagtapos"
Tumango naman sila at nag puppy look at yumakap.
Ganyan yan sila kapag may ginagawang ikinaguguilty nila
"So kapag nakapagtapos ka na, ipapriority mo na ako?" singit ni ares
"Never" sagot ko
"Wag ka nang makulit ares" Jam
"I'm not giving up" Ares said at naglakad na paalis
Nagkibit balikat nalang kami at lumabas ng campus para kumain tsaka bumalik para sa last subject namin
After ng ilang oras ay natapos na din kami
"Uuwi na ako" paalam ko sakanila
"Sorry girl" Ria