Venus
I am wearing a black sleeveless mermaid slit dress embedded with gold.
Since the masquerade party theme is black and gold.
Calvin wears a black suit with a gold lining.
With our masks.
Nakababa lang yung buhok ko pero inistylan nila, I'm also wearing a gold necklace, earrings, bracelet, and a ring
8 pm umpisa ng party. 7:50 pm na at paalis palang kami ng bahay, sumakay kami sa sasakyan at may convoy kami sa harap at likod
Pagdating namin sa place pinagbuksan na kami ng pinto at dumiretso sa event.
Private party event daw to ayon kay Calvin.
Hindi siya crowded at lahat nang nandito may partner, kung hindi pala ako sumama baka si Calvin lang wala.
Pumunta kami sa isang table kung saan may mga nakaupo na pero may dalawang seat na available.
"Mr. Graye" bati ng isang lalaki. Matangkad siya at maganda ang katawan, neat ang gupit ng buhok at mukhang kaedad lang ni Calvin.
Oh, wala siyang partner. Akala ko lahat meron.
"Mr. Laurent" Oh, Mr. Saint Laurent? Alam ko business partner sila.
Nagtanguan lang sila at pinaghila na ako ni Calvin ng upuan, may server naman na lumapit sa amin at nagbigay ng drinks.
"Is that your date?" Tanong ng isa pa naming kasama sa mesa.
Matanda na siya at medyo mataba. At sa tabi niya ay may blondina na tahimik lang na nakalingkis sakaniya.
"Yes, Governor" sagot ni Calvin.
"Alam mo Mr. Graye, I told you so many times mag asawa ka na. You can't just bring any girl that you can pick on the street, you need someone who can be your partner, like Mr. Laurent his wife owns a furniture company"
Napakunot naman ang noo ni Calvin sa sinabi ng matanda kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim para kumalma.
"I don't think it's appropriate to talk like that Governor." Saway ni Mr. Laurent, tumawa lang ang matanda at lumagok sa kaniyang iniinom.