Venus
Monday na monday busyng busy ang mga tao. Lahat nagbubulungan.
Nilapag ko yung bag ko sa table ko at kinalabit si Jenna.
"Ano meron?" Tanong ko.
"Naku balibalita, merong asawa si chairman, hindi alam kung asawa ba or girlfriend pero nasa iisang bahay" sagot neto.
Na siyang nagpataas ng kilay ko. Wow, madaldal ang kimberlite. Very good example for a secretary ha.
"Saan mo naman nalaman yan?"
"Ang Graye's corp merong company private space online called Cube, doon nagsesend ng mga announcements, upcoming projects, anything related sa company or employees or what ever. Siyempre may private group called Secret Gray Room mga chismis chismis sa office doon pinopost. Eto oh" Pinakita sakin ni Jenna ang phone niya
Boss Chairman may babae sa bahay, pwedeng girlfriend, asawa, kabit or worst -- call girl! Ayaw ipakita ang mukha
What???
"Sino nagpost niyan?" Tanong ko.
"Si lite"
"Who's lite?"
"Kimberlite, secretary" sagot ni helen.
"Wow ha, naniniwala kayo diyan?"
"Why not? Secretary siya tsaka may mga kwento kwento na before galing sa utilities na may babae ngang tinatago si chairman" Emma
"Ang tanong bakit tinatago?" Vito.
"Baka nga kabet?" Gabe.
"Or bayaran?" Meri
"Baka chaka?" Rain.
"Hey, hey! Why don't you guys go back to work?" Saad ng kararating lang na si Sir James.
Nagsibalik na kami sa upuan at binuksan ang pc ko.
Wow ha, talaga ba? Bayaran? Kabet?
"Good morning" napatingin ako sa naglapag ng pagkain sa harap ko.
It's a latte and cheese rolls.
"Sir Daniel, thank you. Good morning din po" he smiled at pumunta sa station niya.
"Ay sus sana all" bulong ni Jenna.
Hindi nalang ako sumagot at nagtrabaho na.
First 15 minutes break ko ay 10 am, tumayo ako at nagdecide na pumunta sa mini pantry para na din ma stretch ang mga paa ko.
Kumuha lang ako ng water at naupo sa sofa.
Nagnotify sa work email ko na inadd ako ni Jenna sa Secret group sa Cube, kaya inaccept ko at binuksan yung cube sa browser.
Pagkalog in ko ay agad bumungad yung post ni Kim na maraming comments.
Truly ba ano itsura?
Hindi ko nga nakita mukha tinatakpan.
Naku ha baka panget
Sana panget lang paano kung kabet or bayaran?
Naku mga chismis mo nanaman lite.
Iilan lang yan sa mga comments sa post niya.
"Hey, are you okay?" Clinose ko cp ko at napatingin kay Sir Daniel.
"Yes sir bakit po?"
"Parang tahimik ka kasi"
"Ah pagod lang, parang bitin rest day haha"