🔱15🔱

133 4 0
                                    

Venus

Bumaba ako sa van habang hawak hawak ang sling bag ko, ang travel bag ko naman ay nasa likod ng van.

"Ang ganda" pag puri ko sa lugar.
Tumabi sakin si Sir Daniel at napatingin sa kabuuan ng lugar. Papalubog na ang araw pero maganda pa rin.

Na-adjust kasi ang alis namin, instead na friday night naging friday noon (nag half day kaming lahat) kaya bago pa mag-sunset nakarating na kami sa lugar.

"Maganda nga" napatingin ako sakaniya at nakita kong nakatingin siya sa akin.

Geez, nakakakilabot.

Napagpasiyahan kong maglakad lakad nalang palayo at lumapit sa pangpang ng dagat.

Ang pinuntahan namin ay isang private beach house, ang sabi pag mamay-ari daw ito ni Jillian.

Beach house siya na two storey, may private pool at front beach, may mga katabi ding magagandang bahay pero di sobrang lapit may mga pagitan.

Ang ganda talaga at ang peaceful madami din kaming mga beach house ni Calvin

Sa siargao, san vicente palawan, batangas, cebu, davao, at la union. Tapos yung iba sa ibang bansa.

Pagkatapos ko mag muni muni bumalik na ako sa bahay para tumulong nakita ko yung iba nag uumpisa na mag luto at yung iba naman nag aayos ng gamit kaya napag pasiyahan kong tumulong nalang din sa kusina.

After ng ilang oras na pagluluto, nakapag hain kami ng humba, grilled liempo, bangus at may calamari din tsaka hotdog.

Sabi wala daw kaming activities ngayon, bukas pa daw.

"Wow, ang daming food. Let's eat come on!" Miss Hana.

Nagsilapitan naman kaming lahat at umupo sa outdoor dinning na surprisingly kasya kaming lahat.

Kasama lahat ng nasa department namin, kaya masaya at maingay.

After naming kumain at magkwentuhan yung mga di tumulong sa pagluluto sila naman ang mag huhugas at magliligpit.

Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan ang asawa ko.

"Come on, wag ka muna mag cellphone let's take a break" yaya sakin ni Ms Cams. Hinila niya ang kamay ko papuntang beach kaya di ko na natuloy ang pagtawag.

"Ms Cams" tawag ko ng makarating kami sa pang pang.

Nandito na din pala halos lahat at nakaupo sa sand.

"Cams nalang pag wala sa work"

"Ay okay po"

Umupo kami sa isang kahoy na i think galing sa trunk ng puno, at nasa ilalim kami ng coconut tree.

"Kamusta kayo ni Daniel?" She asked.

"Ha? Wala naman pong kami"

"I know, pero gusto ka niya diba?"

"Hindi ko naman po siya gusto" sagot ko, she sigh.

May gusto ba siya kay Sir Daniel?

"May gusto ka po ba kay Sir Daniel?" Tanong ko.

Nakita kong namula siya at umiwas ng tingin.

"Wala panget panget non eh" tumayo siya at nagpagpag ng short.

"Tara sama tayo sakanila" turo niya sa mga kasamahan naming nasa kabila.

May isang malaking matayog na puno kasi sa gilid ng bahay, at may duyan, pero nakaupo sila sa sand.

Mr. Graye's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon