🔱07🔱

130 2 1
                                    

Venus POV

Dahil weekend ngayon I decided to cook our breakfast, instead na yung chef yung magluto, ako yung nagluto.

Hindi naman ngayon lang ako nagluto, dahil before nagluluto din ako. Tsaka dati noong mag boyfriend-girlfriend palang kami ni Calvin lagi ko siyang nilulutuan.

Ngayon nagluto ako nung lagi naming kinakain dati

Danggit, Fried rice, longganisa at Sunny side up. Nagtimpla na din ako ng kape niya

"Smells good" napatingin ako sa pumasok sa dinning area

"Gigisingin palang sana kita eh"

"Hindi na kasi kita naramdaman don sa higaan kaya tumayo na ako. Good morning darling" lumapit siya sa akin at niyakap ako

"Good morning love, upo na. Kain na tayo"

"Sa monday na yung umpisa mo sa graye corp right?" Tanong ni Calvin

"Yep, excited na ako sana maging mabait mga kasama ko"

"Did they told you kung saang department ka daw?" He asked

"Sa sales and marketing department"

"I see, good luck darling"

"Thank you"

After namin kumain naligo na ako.

"Love May appointment ka ba ngayon?" Tanong ko pagkalabas ng bathroom

Napatingin sa akin si Calvin at parang nag isip.

Nakaupo siya sa kama habang hawak yung macbook niya

"I think, I have two meetings later why?"

"Eh kasi gusto ko sana mag bonding bago ako maging busy sa internship ko." Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya

"Sure, you know that I always make time for you"

"Paano yung meeting mo?"

"Then I'll cancel it"

"Ha? Sure ka?"

"Yes, a hundred million sure"

Hinigpitan niya ang yakap sakin at hinalikan ako. Kumalas naman ako agad bago pa mapunta sa ibang bagay ang halik niya, baka di pa kami matuloy.

"Ligo ka na"

"Saan ba ang plano mo pumunta?" He asked, tumayo na siya at niligpit ang gamit niya

"Hindi ko pa nga alam eh, saan kaya pwede?"

"I thought you already made a plan" he said and laugh.

"Biglaan lang to, wala talaga akong plano kaso ayun naisip ko nga na mag uumpisa na internship ko kaya gusto ko sana magdate before ako magstart"

"Okay, maliligo muna ako and pag isipan mo na yung gusto mong gawin" he kiss my forehead at tsaka dumiretso ng bathroom

Gusto ko sana tanungin mga kaibigan ko kaso I'm 100% sure na kukulitin ako nun para tanungin sino ka-date ko kaya huwag nalang.

Umupo ako sa vanity table at nag ayos sa sarili.

Nang matapos na ako naisip kong tawagan si Carleen, nakaipit sa tenga at shoulder ko yung phone habang may hawak na damit, dahil namimili ako ng susuotin

"Hello?"

"Hi, Carleen are you busy?"

"Hmm, hindi naman masyado why?"

Mr. Graye's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon