Venus POV
"How's my beautiful wife?" Tanong ng asawa ko.
"Okay naman, namimiss ka" sagot ko. Nagvivideo call lang kasi kami sa macbook
"I missed you too. But don't worry we are almost done here, uuwi na din ako"
"Hmm, okay lang naman love kasi work yan. Tsaka next week mag uumpisa na din naman internship ko sa graye's corp diba? Hindi nga lang tayo laging magkikita pero at least nasa iisang building lang tayo haha"
"I told you before na pwede ka naman sa higher position like manager, or senior positions. But you chose to be intern alalay sa office. You are Venus Aria Villareal Graye"
"I know love, pero kasi internship ang pinasok ko sa company niyo hindi naman susunod na presidente"
"Company mo din, hindi lang sakin" Calvin.
"Thank you" I said and smile
"You should go to sleep darling, para hindi ka mapuyat."
"Yes love, ikaw din pahinga ka na. Huwag ka masyadong magpapagod okay?"
"Hmm, I love you"
"I love you more"
Pinatay ko ang tawag at tinabi ang macbook, tsaka nag ayos ng higaan para matulog.
Pero bago ako pumikit narinig kong nag ring ang cellphone ko.
Chineck ko ito at nakita kong may text galing sa unknown number
09xxxxxxxxx
"Hi, good night sweetheart. See you tom"
Sino 'to?
Dinelete ko yung message at blinock ang number tsaka binalik sa nightstand yung cellphone baka wrong send lang.
KINAUMAGAHAN agad agad akong naligo at kumain para pumasok sa university.
Hinatid ako ng driver namin at dumiretso na ako sa room
Pagkadating ko naman doon maguumpisa palang ang lecture
Tinanguan ko lang mga kaibigan ko at naupo na.
After namin sa Business Plan Implementation 2na subject sumunod ang International Trade and Agreements, sunod sunod na mabigat.
"Aaaah grabe! Buti nalang next week internship na natin, kasi ayoko na makinig kay sir nakakapagod" Reklamo ni Mei
"Friday na ngayon, sa monday internship na hindi na tayo magkikita-kita" Madramang saad ni Ria
"Edi kapag every rest day kita tayo" Suggestion ko.
"Pwede, pwede" Jam.
"Hi sweetheart, nareceive mo text ko?" Napatingin ako sa nasa likod ko nung may magsalita.
"Hi, Ares!" Jam
"Hello cous"
Umupo si ares sa tabi ko at umakbay.
"Nareceive mo text ko?"
"Hindi, binablock ko kasi unknown numbers sa cellphone ko"
"For real?!" Gulat na sagot ni Ares.
Hindi ako sumagot at tumayo para lumipat ng upuan. Hindi naman siya umangal at umupo nalang ako sa tabi ni Ria.
"Does he make you uncomfortable?" Bulong ni Ria.