Venus
Sumakay ako sa kotse habang hawak ang bag ko. Nakasuot ako ng white turtle neck, matching color ng skirt and blazer na beige at white ankle boots.
Today is my first day as an intern sa Graye Corp. Wish me luck
30 minutes lang ay nasa company na kami, pagkababa ko sa entrance ay agad akong sinalubong ng malaking glass na pinto.
At madami daming empleyado ang labas pasok may ibang, may kausap sa phone, meron may hawak na laptop, yung iba may brief case.
Ang buong 35 storey building na ito ay sa Graye Corp at sobrang laki niya at napaka-modern.
Pagpasok ko ay binati agad ako ng guard at iniscan yung bag ko, pag lagpas ko ay iniscan ko naman yung Intern ID ko para makapasok.
Ilang beses na ako nakapunta dito pero ang nakakakilala lang sakin is yung secretary ni Calvin. Hindi naman kasi kami nadaan sa entrance sa private elevator kami sa basement, paakyat sa office niya.
Pinindot ko yung 20th floor at agad sumakay sa elevator ng ito'y bumukas.
Pagkadating ko sa 20th floor may bumating receptionist. Bawat floor dito may receptionist, which is good.
"Good morning, new intern in sales and marketing department. May I ask for Miss Hana?" Bati ko.
"Good morning Ma'am, may I ask for your name please?" Bati niya din.
"Sure, it's Venus Aria Gr-- Villareal"
"Thank you, one moment "
May dinaial siya sa phone sa harap niya at may kinausap.
After non, pinaupo niya muna ako sa lounge area at hintayin si Ms. Hana.
Ilang minuto lang din naman ay dumating si Ms. Hana at may kasama siyang lalaki sa tabi niya na naka eyeglasses.
"Good morning Ms. Villareal"
Tumayo naman ako agad at bumati
"Good morning Miss Hana and Sir"
"He is Kiefer, a junior marketing associate. He will be your tour guide for today and after that He will discussed what will be your tasks as an intern" tumango tango ako at ngumiti.
"Thank you so much, Ms Hana and Sir Kiefer" nagpaalam na si Miss hana at kami naman ay nagumpisa na maglakad
"Ano name mo?" Tanong niya
"Venus po sir"
"Huwag mo na ako i-sir kahit kiefer nalang. Hindi naman ako magiging supervisor mo, swerte mo kasi nakapasok ka dito sa graye as an intern kasi masyadong mahigpit ang process dito at masyado sila metikuloso sa qualifications"
"Kaya nga po, thankful din naman ako"
"Okay, so here's the cafeteria for this floor. Bawat floors kasi may mga cafeteria din pero sa 15th floor doon puro high end restaurants. Sa 35th floor doon yung office of the CEO/Founder. Sa 34th floor is yung conference rooms, with "s" kasi madaming conference room doon, basically ang lagi mo lang naman iikutan dito it's either etong floor natin, or 15th floor kung kakain ka tapos, ground floor. Sa ibang floor kasi ibang department naman ang mga nandon."
Tumango lang ako sa mga paliwanag niya kasi alam ko naman na yun. Bumalik kami sa kung saan ang mismong magiging area namin.
"Tapos dito sa area natin as you can see hiwa-hiwalay mga tables pero di naman sobrang layo. Yung nakita mo sa labas na frosted glass na room. Meeting room yun at yung ibang room na kahoy sa mga bosses natin yun, malalaman mo naman kung kaninong boss kasi may name yung pinto like eto kay Miss Hana to. Tapos sa labas bandang don sa dulo nandon yung mini pantry natin merong refrigerator, coffee maker tapos may mga foods din doon pero libre. Mga snacks lang naman, and here is your station"