A/n: MERRY CHRISTMAS GUYS! at dahil pasko ngayon, mag-uUD ako. hih. masaya to. ENJOY! :)))
-Esja's POV-
"I missed you so much. Anong pinagkaka-abalahan mo nung hindi mo na ko sinusundo?"
Nandito kami ngayon sa covered court ng school. Katabi ko si Restan habang nanonood. May basketball match ang South High ngayon kaya pwedeng pumasok ang mga outsiders.
"May inaasikaso lang ako." Restan answered without looking at me. Busy manood?
"Eh ano nga yun?"
"Basta."
Pfsh. Di makausap ng matino. Tutal busy naman 'tong katabi kong manood, magcoconcentrate na lang din ako sa game. Required manood ng game ang mga member ng school publication. Gagawa kasi kami ng article about the match. Well, trabaho dapat 'to nung sports editor namin. Kaya lang andun siya sa court, member din ng team kaya hindi niya pwedeng icover 'tong game. Pipiliin niya na lang daw yung may pinakamaayos na sports news na ipapasa sa kanya nung mga writers.
*pppprrrrrrrtt!*
"FOUL! Red, number nine!"
Tsk. Pang-limang foul na nitong si Cruz. Di na siya pwedeng maglaro. Sayang naman. Halos kakasimula pa lang ng game evicted na agad sya. Tsk tsk.
Nakita kong tinapik ni Kiel yung si Cruz. Sayang, magaling pa naman si number 9. But i know Kiel can still manage the game. Aba, magaling ata yang si team captain.
May pinasok silang bagong player. Si Villareal.
WAIT.A.MINUTE. Si Erom yun?!
"Oh.My.Geez! Sa wakas pinasok na si Erom!"
"Ayie! So gwapo!"
"Hella hot on his jersey!"
"Go number 17!"
Argh. Nakakairita 'tong mga babae sa likuran namin. Ang lalandi! Hindi ako makapagconcentrate. Parang kahapon lang umiiyak ako sa harap ng lalaking 'to a. Di ko alam na sikat din pala siya sa campus.
*poke*
"Restan."
*poke.poke*
"Uy Restan baby."
*tumingin sakin*
"Ano?"
"Pagsabihan mo nga yung mga babae sa likod natin. Ang iingay eh. Di ko marinig yung speaker."
"Pfsh. Hayaan mo sila. Tatahimik din yang mga yan."
Ampff. Kainis naman oh. Buti natatagalan ni Restan 'tong ingay.
"...and another three-point shot from number 17!"
Grabe, sobrang wild na ng crowd. Puro tilian ng mga babae. Hindi ko inexpect na ganito ka-galing magbasketball ang tutor ko. Ang ganda ng team-up nila ni Kiel. And i didn't expect as well that he's popular. Hmm..
-Lira's POV-
"Ok girls! Magbihis na kayo. Nagstart na ang game. Magpeperform kayo after ng 1st half." announce ng choreo namin.
Isa-isa nang nagsipuntahan sa dressing room yung mga kasama ko. Papunta na rin sana ako nang bigla akong tinawag ni Sandy.
"Oh, bakit Sandy?"
May nilabas siyang cd.
"Pwede bang ikaw na lang ang magbigay nito dun sa music booth? May pinapagawa pa kasi sakin yung choreo eh." she said with a very convincing voice.
BINABASA MO ANG
Love Me M O R E 1&2
Teen Fiction-COMPLETED- If i was sick and the only cure is to forget me, would you give me the medicine? Or would you let me die? [Book 1 soft copy download link posted on my profile]