SPECIAL CHAPTER - Memoirs of timang na blob fish

353 9 4
                                    

(A/N: Yehey! Last 20chaps na lang ang LMM series. Kung nakaabot ka hanggang dito, well maraming maraming salamat! At dahil dyan, may special chapter ako para sa inyo :)) Alamin kung saan galing ang pangalang Erom at ang title na Love Me M O R E. Hindi nga pala ito kasama sa story. Special chapter lang. Mga pangyayari lamang sa buhay ni ***. Half true, half kalokohan. De joke lng. Totoo halos ang nandito, pero hindi ko na kasi detalyadong matandaan ang mga pangyayari nun, kaya may konting adlib lang. Hihi. Enjoy!)

***

Isang mainit na araw sa labas ng SM Sta.Rosa. Kakatapos lang ng alay-lakad nila. Gusto ng magpa-aircon ng timang na blob fish. Habang naghihintay ang walong timang na magbukas ang naturang mall...

"Sheeeet. Ang hot niya talagaa." malanding sambit ni Ycah habang tinititigan ang picture nilang dalawa ni Erom.

"Sino ba yan?" tanong ng blob fish na timang na napaghuhulihan sa topic.

"Si Erom. Yung crush niya sa BSBA1-3." sagot ng isang timang.

"Eh? Asan?"

"Ayun oh!" tinuro ng isang timang.

Nakatalikod nun ang sinasabi nilang Erom. Malayo ito sa pwesto nila kaya hindi niya talaga matanaw kung sino man yang tinuturo nila.

"Pano mo naman naging crush yan?" tanong ulit kay Ycah.

*Tinginingining*

< sfx po yan ng flashback >

Thursday ng umaga, NSTP ng BSA1-2.

Isang tahimik na klase.

And BOOM.

May pumasok na isang confident na lalake sa gitna ng klase.

Natigilan ang prof at nagtinginan ang lahat sa kanya. 

"Ayy. Mali pala."

Napahiyang umalis ng classroom ang lalake.

*Tinginingining*

Mula nun ay hindi na maka-get over si Ycah sa napahiyang pagmumukha ni Erom. Kapag nakikita niya ang lalaking ito ay matik siyang napapa-SMS (Slow Motion Smile). At ayun na nga, dumating ang araw ng alay-lakad. Nagkaron siya ng pagkakataon para makapagpa-picture dito.

I want MORE!

Dumaan ang mga araw at iyan na lang lagi ang bukambibig ni Ycah. Kilig na kilig pa rin siya sa picture nila ni Erom na umabot pa sa puntong pina-develop niya pa ito at muntik ng ipa-laminate. De joke lng ^_^V Dahil na rin sa detective moves ni Ycah ay nagawa niyang makuha ang number nito. Maging sa gm, puro MORE MORE MORE na lang. Makapagparinig lang kay Erom.

Nakita na rin sa wakas ng blob fish na timang ang sinasabi nilang Erom. Kasama pala ng section nila sa P.E. ang section nung Erom. Kalaban nila ito sa frisbee. Well, malaki ang katawan ng lalakeng ito, kasing tikas ng tito niya na professor nila sa HIST1013. Brusko sa unang tingin. Malayo kay Erom na kilala niyo sa storya. Chickboy. Yummy. At easy going..

2nd sem, swimming class. Swerte ni Ycah at kasama na naman nila ang section ni Erom sa P.E. (may kalakasan ata 'tong si Jennika kay Mam Ong, haha) Isang stolen shot (stolen nga ba? xD) ang gumimbal sa kanilang lahat. (swimming class yun, syempre topless ang boys, hihi) Sa request na rin ni Ycah, inedit ng dyosang si Tin ang picture at nilagyan ng caption na "I want MORE" sa ibaba ng picture. Hindi pa dito nakuntento si Ycah at walang halong hiya at pag aalinlangan na i-tinag ang picture kay Erom. Like like like!

< The author wants to grab the opportunity to thank Jennika Clarizze Guerrero for the idea. Haha. Sana magkaron ng pagkakataong mabasa 'to. Lovelots! :* >

========================================

I want EROM.

I want MORE.

I love you EROM.

Please, Love Me M O R E! :))

Let me share you something..

Napapagod na si timang na blob fish umisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa aquarium. Ginawa niya ng lahat. Pinag-aralan niya naman itong mabuti. Nangopya na siya at nakipagpalit ng scratch paper sa kapwa timang. Umabot pa sa puntong nahuli ang kapwa timang niya at na-divided by 3 ang total score. Pero wala. Aquarium pa rin ang bagsak niya.

Nalulungkot siya sa mga pangyayari. Hindi niya inaasahan na ganito pala ang magaganap bago niya maabot ang minimitmhi. Sumagi sa isip niya ang kanyang pagkabata, yung mga panahong hindi pa ipinapataw sa kanya ang koronang world's ugliest fish sa mundo. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang matatamis na sandali ng kanyang kabataan..

LORD o JEROME?

Eto ha. Secret lang natin 'to. Wag niyong ipapagsabi kahit kanino dahil magagalit si timang na blob fish. Uhm.. Ayun. Nung elementary palang kasi siya ay meron siyang crush na sakristan. Once a week niya lang ito nagiging crush, sunday to be specific, kapag nagsisimba sila. Kung Lord ba o Jerome ang pangalan ng crush niya ay hindi niya alam at ayaw niya ng alamin pa xD

Lord.. Tumatak talaga ang pangalang yan kay timang na blob fish. Ang pangalan na yan ay galing talaga sa isang pocketbook. PHR yun ah, CUTTER LORD ang title (Tandang tanda pa niya!)

Erom.. A rare yet simple name.

Jerome.. Ang tanging naisip niyang pangalan na merong EROM sa loob.

At dahil na rin sa kagustuhan ni timang na blob fish na magkaron ng magandang pangalan ang kanyang superhero SLASH leading man SLASH prince charming SLASH knight in shinning armor ay ipinanganak mula sa natutuyo na ngunit pinilit pigaing brain cells si LORD JEROME aka EROM.

Umasa si timang na blob fish na maililigtas siya ng kanyang superhero. Humanga siya sa uto-utong katauhan nito na minana ng superhero sa bidang lalaki ng librong 7 days in Palawan. Ngunit dahil gusto naman ni timang na blob fish ang librong iyon ay sinunog niya ito at mula sa abo nito ay gumawa siya ng bago. Nung una ay napanghinaan si timang na blob fish ng loob. Kapareho kasi ng simula ng ginagawa niya ang isa sa mga storya ni 'NakitaMoBaAngBabaengIto'. Ngunit nakahinga naman siya ng maluwag nang matapos niya itong basahin at malamang malayo naman pala ang plot ng storya niya dito. Di nagtagal ay napagtanto niyang napakalayo pala ng pagkakaiba ng ginawa niya kumpara sa sinunog niyang libro.

Hanggang sa ngayon ay umaasa pa rin si timang na blob fish na makakalaya siya aquarium. Malaki ang tiwala niya kay Erom. Hindi man ngayon, hindi man bukas. Pero dadating ang araw, hindi man siya makilala, ang mahalaga ay nakalaya siya mula sa apat na sulok ng aquarium.

Kung sa karagatan ng tinta ba talaga ang kapalaran ay hindi niya pa matukoy sa ngayon. ngunit alam niya sa sarili niyang handa siyang languyin at sisirin ang kaibituran nito at sabayan ang naglalakihang alon na hahampas sa baluktot na sistema sa pagitan ng pagsikat at pagsusulat.

(A/N: sa next UD ko paisa-isang chapters nlng, pero lagpas two pages na un per chap. uhmm.. ayun lang. keep updated guys! )

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon