Chapter 28
Nasa mall kami ngayon ni Lira. Treat ko siya ngayon, sumweldo ko eh x))
Nang mapagod kaming maglibot ay nagkayayaan ng kumain. Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa Chowking.
"Erom ang lakas mo talagang kumain!" ewan ko kung papuri o panglalait ba yung sinabi ni Lira.
"Masarap eh!" anong magagawa ko? Eh masarap naman talaga ang siopao. Paborito ko 'to noh.
Speaking siopao. Naalala ko bigla si Esja. Siya lang kasi ang tumatawag sakin ng 'pao'.
Isang buwan na rin ang nakakalipas. Simula nung bonfire ay hindi ko na siya nakausap pa. Minsan nagkakasalubong kami sa corridor pero hindi kami nag-iimikan. Hindi na rin siya sumasabay samin maglunch. Sabi nina Kiel busy daw ngayon si Esja dahil malapit na ang DSSPC --Division Secondary School Press Conference. Isang journalism competition at kailangan na raw nilang tapusin ang campus paper nila.
Natapos na kami't lahat mag mall ni Lira pero si Esja pa rin ang tumatakbo sa utak ko. Letchugas, sana pala di na lang siopao yung inorder ko. Kabute talaga ang babaeng yun. Pati sa utak ko bigla na lang sumusulpot.
Hinatid ko na si Lira sa kanila.
"Erom are you alright?"
"Hah? Ah eh oo naman. Hehe." napansin siguro ni Lira na parang wala ako sa sarili ko kanina pa.
"Naiisip mo siya noh?"
"Eh? Sino? Hindi ah." ang tungeks mo Erom. Napaghahalataan.
"Wag ka nang magmaang-maangan Erom." hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Pasayahin mo siya."
..at pumasok na si Lira sa gate.
Napanganga na lang ako sa kinatatayuan ko.
---
Pagulong-gulong ako sa kama. Takip unan. Alis unan.
"Pasayahin mo siya."
"Pasayahin mo siya."
"Pasayahin mo siya."
Argh! Di talaga matanggal sa kukote ko yang mga huling sinabi ni Lira. Anong ibig sabihin nya dun? Sinong dapat kong pasayahin?
Hanubayan! Pati si Lira weirdo na rin. Tss. Pero bakit niya ba kasi talaga yun nasabi?
*BLAG*
Araykupo! Nalaglag ako sa kama sa kakagulong ko.
Tae. Ayako na. Hindi ko na yan iisipin!
[school corridor; 7:52am]
Lumabas ako ng classroom. Ayokong umattend ng second subject dahil sobrang inaantok ako. Pinuyat talaga ako nung mga sinabi ni Lira, yamot.
Doon na lang muna ako sa school rooftop. Iidlip lang ako ng konti, babalik din ako after recess. Ayokong matulog sa room, nangangain ng tao yung teacher namin pag may natutulog sa klase niya eh. Jowk.
Habang naglalakad sa corridor, napansin ko yung bulletin board ng school paper org namin.
Congratulation to the winners of DSSPC!
Dominic Requesto (8th place, sports writing english)
Severo Cruz (4th place cartooning english)
Junel Nicanor (5th place cartoong filipino)
Jade Nemura (10th place copyreading english)
Aprille Falmera (8th place copyreading filipino)
Nathaniel Sario (7th place photojournalism english)
BINABASA MO ANG
Love Me M O R E 1&2
Teen Fiction-COMPLETED- If i was sick and the only cure is to forget me, would you give me the medicine? Or would you let me die? [Book 1 soft copy download link posted on my profile]