Chapter 21

440 13 5
                                    

After ng movie nagyaya si Esja mag-CR. Syempre pumayag lang ako.

Nung natapos yung film kanina at nagtanggalan na ng glasses, wala man lang bakas na umiyak si Esh. Tibay men!

Nakasandal lang ako sa pader habang hinihintay ko syang lumabas ng restroom. Paglabas nya, nagulat ako kasi namumugto yung mata nya.

Parang ganito --> ¤__¤

"Anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?"

"Ah wala to."

"Anong wala. Bakit ka umiyak?!"

kinakabahan ako. Baka mamaya ako na naman may gawa eh.

"Wala nga! Si Jack kasi eh.." tapos naglaglagan na naman yung luha nya na pinunasan nya agad ng tissue.

"Namatay si Jack! *sniff*

 Hate it."

Tengene men! Haha! Nagpipigil lang pala to umiyak kanina. Sa CR pa nag-emote ang potek xD

Sabi ko na nga ba't may puso rin ang kabute :DD Pero syempre sa utak lang ako tumatawa. Baka ma-uppercut ako ng wala sa oras eh.

"Alam mo Esh, minsan may mga istoryang maganda nga ang simula, hindi naman pala happy ending.

Parang love. Akala mo sya na. Tapos hindi pala."

Ok. So medyo natigilan sya sa sinabi kong yun. Kahit ako natigilan rin eh. Bakit ko nga ba yun nasabi?

Nandito kami ngayon sa foodcourt. Wala lang tambay lang. Nag-iisip kung san pwede kumain.

Nang biglang..

..Hindi ka kawalan sa akin pa..kiusap lang tama na tumigil ka. Hindi na kita na kita mahal. Mawala man ako sa piling mo. Heto masaya pa rin naman ako--

Nag-ring yung phone ni Esja. Ano ba namang klaseng ringtone yun. Ka-babaeng tao pero rap ang call alert.

Kinuha ni Esh yung cp nya at tinapat sa kanyang tenga.

"Napatawag ka dad?"

..

"What?! As in now na?"

..

"Ok. I'll be on my way na. Bye." binaba nya na yung phone.

"Pao, im sorry but i have to go."

Ayan na naman sya sa 'Pao' nya.

"San punta mo?"

"Sa NAIA."

"Sinong dada--" hindi pa ko tapos magsalita pero kumaripas na sya ng takbo. Parang natataranta syang ewan. Sayang sasamahan ko pa naman sana sya. Ano kayang meron?

Hayys, naiwan tuloy ako mag-isa. Makapag-ikot na lang siguro.

Nandito naman ako ngayon sa Comic Alley. Grabe, ang a-astig talaga ng tinda dito.

May nakita akong domo-kun na bag. Ang cute. Naalala ko tuloy si Lira. Mahilig sya dito eh.

Binili ko yung bag. Ibibigay ko to sa birthday ni Lira. Birthday nya nga pala next week.

Paglabas ko ng Comic Alley, bigla akong napa-atras at pumasok ulit sa loob.

Dafuq. Hindi ako pwedeng magkamali. Si ate Raechelle at ate Marj yung nakita ko sa labas! ANONG GINAGAWA NILA DITO?!

Baka naman namamaligno lang ako? Masilip nga ulit.

Sumilip ako sa labas, pero nakatago ako sa likod ng malaking action figure ni Ichigo.

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon