-Esja's POV-
My heart is in my mouth. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang tumatakbo ang kotse sa kahabaan ng ka-Maynilaan.
"Ate Esh pano na yung soulmate ko?" napatingin ako kay Sam boy na nakaupo sa may likuran. Nakanguso ang bata na mas lalo pang nagpa-cute sa kanya.
"Don't worry. Papakilala ko pa rin siya sayo kahit nahuli tayo ng auntie mo." and I chuckled. Natatawa lang ako pag naaalala ko yung pinaggagawa namin ni Sam boy. Jusme.
Walang namang kibo ang nagmamanehong si Tin. She didn't even manage to take off her eyes on the road.
Tumigil ang kotse sa tapat ng Manila hotel. And at last, nagtapon na rin ng tingin sakin si Tin.
"Sana dito na 'to matapos." she held my hand and smiled.
Ngumiti nalang din ako at bumaba na ng kotse.
Sana nga. Sana nga dito na 'to matapos.
***
Pagpasok ko sa loob ay nakapila sila para sa grand entrance.
"Esja." rinig kong tawag sakin ni mam Jo sa may di kalayuan. Lumapit naman ako sa kanya agad.
"Mam Jo. Ang ganda ng dress mo." o walang pambobola kong sinabi yan ah.
"Asus nambola pa. Ikaw na bata ka. Bat di ka pumasok kahapon? General rehearsal niyo pa naman. Siya, lumakad ka na sa pila mo."
"Eh mam Jo.." i bit my lower lip.
"Pwede bang hindi nalang sumama sa entrance?"
Bigla namang may isang estudyanteng lumapit kay mam kaya nag-excuse muna siya sandali. Ako naman si ayaw talagang sumali entrance eh nagtago nalang sa cr. Wala naman akong ka-date, sinong kasama kong mag-e-entrance? Muntanga lang kasi di ba?
Pagtapos ng entrance ay lumabas na rin ako ng cr. Ewan kung ano nang kaganapan basta pumunta nalang ako dun sa table kung nasan ang popsicles.
"Esh!" napatayo si Lira sa kinauupan niya sabay yakap sakin.
"Akala namin kung napano ka na."
"Papalagpasin ko ba naman 'tong prom night?" nakangiting sagot ko kay Lira.
Bakas din ang tuwa sa mata ni Ycah nung makita niya ko. Nakakatuwang isipin na dati magkaaway kami ng babaeng 'to. Buti nalang okay na kami.
Masama naman ang tingin sakin ng mga popsicles. Err.. Anong meron?
Ako: Hoy bat ganyan kayo makatingin?
Shin: Pinag-alala mo kaya kami.
El: Oo nga. San ka ba nagpunta?
Ako: ...
Kiel: Hayaan niyo na nga si Esh. Ang mahalaga nakapunta siya dito. *looks to me* Di ba?
Hindi ko alam pero parang kakaiba ang tingin na yun ni Kiel. Ang weird sa pakiramdam.
Naglibot ng tingin ang aking mga mata pero hindi ko talaga mahanap yung gusto kong makita ngayong gabi.
Asan na kaya si Erom?
Di nagtagal ay nagsimula na ang program ng prom. Nagsayaw na ng cotillion yung mga juniors then yung ilang seniors ng isang intermission. Sinundan naman yun ng pagbabasa ni Veca ng last will. Marami pang eklat na nangyari bago kami nagdinner. Jusme, kulong-kulo na mga sikmura namin eh.
Dumaan na't lahat ang dinner pero hindi pa rin masilayan ng mga mata ko ang gusto kong makita.
Nasan na ba siya? :(
BINABASA MO ANG
Love Me M O R E 1&2
Novela Juvenil-COMPLETED- If i was sick and the only cure is to forget me, would you give me the medicine? Or would you let me die? [Book 1 soft copy download link posted on my profile]