35th Chapter - CURTAIN CALL

330 7 1
                                    





-Shin's POV-



"BROOM! BROOM! EEEEEEEENG... BEEP BEEP!"



Ang ganda talaga nitong kotse-kotsehan na regalo ni mommy ngayong 7th birthday ko! Astig!



"Ikaw ba ang kuya ko?"



Napatingin ako dun sa batang babae na nagtanong. Lumapit yung bata sakin at nagpakilala.
"Hello! Ako po si Dominique! Pero Niky nalang itawag mo sakin kuya Shin."



Bat ba ko tinatawag na kuya ng batang 'to? Pinagpatuloy ko nalang ulit ang paglalaro. Hindi parin umaalis yung Niky, pinapanood niya lang ako.



"Ang ganda ng regalo ni mommy noh? Ako pumili nyan!"



Natigilan ulit ako sa paglalaro.
"Kilala mo mommy ko?"

"Kuya mommy Yumiko natin yun."


Mommy namin?

"Wala naman akong kapatid e!" sagot ko dun sa bata.





*BLAG*


"ANG KAPAL NG MUKHA MONG DALHIN ANG BATANG YUN SA PAMAMAHAY KO!"

"Makinig ka muna Dustin! Hindi rin kami magtatagal ni Niky dito. Kukunin ko lang si Shin aalis na kami!"



*PAK*



"ANONG TINGIN MO SA ANAK KO? TUTANG PWEDENG IPAMIGAY? HINDING HINDI KO IBIBIGAY SAYO SI SHIN!"

"Pero anak ko rin siya!"

"WALA KA NG ANAK DITO SIMULA NUNG INIWAN MO KAMI!"



Nag-aaway na naman si mommy at daddy. Hays. Ngayon na nga lang ulit umuwi si mommy tapos aayawin lang siya ni daddy. Hindi ko maintindihan kung anong pinagtatalunan nila. Nawala sa harap ko yung Dominique, siguro natakot sa sigawan.



Umiiyak na lumapit sakin si mommy.
"Shintaro anak makinig ka sakin. Aalis lang ulit si mommy. Pero pangako babalikan kita."

"Mommy isama mo nalang ako.."


Pinahid ni mommy ang luha sa pisngi ko, pero yung sarili niyang luha hinayaan niya lang bumagsak.
"Hindi pa pwede eh. Pero babalikan kita anak. Yakusoku."
[Yakusoku ~ promise]


Matapos nun ay tumalikod na sakin si mommy. Nilapitan niya ang nagtatagong si Niky at kinarga ito.



"Mommy! Sasama ako sa inyo! Mommy hintay!"



Lumabas sila ng bahay at sumakay sa isang kotse. Hinabol ko sila pero pinigilan ako ni daddy.



"SHINTARO! WAG MATIGAS ANG ULO!"


Nagpupumiglas pa rin ako sa pagkakahawak sakin ni daddy.
"Gusto kong sumama kay mommy! Mommy ko!"


Hinawakan ako ng mahigpit ni daddy. Lumuhod siya sa harap ko para maging magkapantay kami. Seryosong seryoso ang mukha niya. Bakit hindi niya hinahabol si mommy?



"Makinig ka sakin Shin. Hindi na babalik ang mommy mo. May bago na siyang pamilya kaya wag ka ng umasa na babalikan ka pa niya. Iniwan niya na tayo."





"Iniwan niya na tayo."



"Iniwan niya na tayo."



"Iniwan niya na tayo."






Bigla akong napamulat ng mata.



Crap. Another one of a hell nightmare.





Naghanda na ko para pumasok. Tulad ng nakasanayan, naka-alis na si daddy pagkagising ko. Si Auntie Helen na ang nag-alaga sakin mula ng..tss. Nevermind.





[Hallway; 6:38pm]



*YAAAAWN* Napa-aga ata ang pasok ko ngayon ah.



Hindi pa dumadating ang mga paps kaya ako lang mag-isa ang naglalakad sa hallway. MEANING..



"Kyaaaah! Si Shin."
"Goodmorning kuya Shin!"
"Ngaaaks. Buo na umaga ko nakita ko na si Shin. Hihi."





TSS.





Ganito po talaga pag mag-isa lang akong naglalakad. Masanay na kayo.



Ilang hakbang nalang ang layo ko sa pinto ng classroom nang biglang may humila sakin papasok sa isang room.





"Long time no see babes."



Paktay tayo dyan.
"M-merika. Uhh..long time no see rin?"

"Hindi mo ba ko namimiss?" tanong niya habang ina-ayos ang kwelyo ng uniform ko.

"Ah..eh.."







"SHIN!"



Napatingin kami ni Merika sa may pintuan. Anak ng. May isa pa?



Pagpasok nung babae ay may nagsunuran na ilan pang mga babae.





FCK. Hindi lang pala isa.



Girl1: Shin! Ako nalang yayain mo sa prom? Please?

Girl2: Wag siya Shin! Ako nalang!

Girl3: Ako dapat!

Merika: HOW DARE YOU BTCHES RUIN OUR MOMENT?!

Girl4: Moment? Eto moment! *sinugod si Merika*



Ayun, nagsimula na silang magkagulo. Nakatakas ako ng hindi man lang nila napapansin.





Pagpasok ko sa room ay si Esja palang ang paps na nandun.


"Balita ko nagpapatayan na sa kabilang room ah?" pangbungad na tanong ni Esh.

"Tss. Hayaan mo sila." matipid kong sagot at umupo na ko sa pwesto ko.


Tumayo si Esh at nag-cross arm sa harap ko.
"Bat ka ba nagkakaganyan? Dati naman nagbago ka na nung maging kayo ni Lira di ba? Teka, kayo pa nga ba?"



Nag-iwas ako ng tingin. Tss. Etong babaeng 'to kung pagalitan ako parang nanay ko. Aww scratch that. Wala nga pala kong nanay.



"O-okay lang kami ni Lira." sagot ko kay Esh.



Hays. Sana nga maging okay na kami. Ang tanga tanga ko. Sa loob ng tatlong taon nagawa kong magbulag-bulagan. Pero ngayong alam ko na ang buong katotohanan, hinding hindi ko na siya papakawalan. Pangako hinding hindi na ko mambababae. Oo aaminado ako. Marami akong naging babae. Sa ngayon may record na kong 178 ex girlfriends. At lahat ng yun ako ang nakipagbreak. Pero nagawa ko lang yun dahil takot akong maiwan. Ayokong maranasanan ulit yung ginawang pang-iwan sakin ng nanay ko.



At ngayon. Para kay Lira. Handa na kong magbago.






[canteen; lunch time]



Ito na ata ang pinaka-kakaibang lunch time namin.

Bakit kamo?



Sa ibang table lang naman kakain sina El at Kiel.







Rewinding..


Kanina sa room..


El: Mga paps di muna ko sasabay sa inyo maglunch.

Kiel: Ako rin pala paps.

Esja: AT BAKET?!

El: Sabay kaming kakaen ni Veca.

Ako: Pag may jowa na iwanan na ng tropa? Ganyanan na ba?

Kiel: Ahh..Teka Shin. Ako rin eh. M-may kasabay rin akong kumaen.

Esja: AHH GANON? So ipagpapalit niyo na kami sa mga babae niyo?

Ako: Ganyan yan.

El: Hehe. Mga paps oh. Kakain lang naman kami. Teka nga Kiel. Sino namang kasama mo maglunch?

Kiel: Si ano...si Y-ycah.

El: *gasps*

Esja: El hindi mo pa ba alam? Sila na.

Ako: *binatukan si El* Ayan kase. Si Veca lang iniisip!





Fast forward.



Ganun na nga.



"HAAAYS. Ang lungkot pala pag kulang tayo." reklamo ni Esja sa tabi ko.

"Sus. Makikita din naman natin yung dalawang yun mamaya. Kumaen ka na lang dyan." sabi ko sa kanya sabay subo ng sinawsaw kong shanghai sa ketchup.

"May gana ka pa talagang kumain kahit kulang tayo. Tsktsk."

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.
"Alam mo Esh, hindi naman habang buhay nakatali ka sa mga kaibigan mo. Pero hindi ibig sabihin na pag may lovelife na ang isang tao ay kakalimutan na niya ang mga kaibigan niya. Nasa tao na yun kung gusto niyang mang iwan sa ere."

"Yun na nga eh! Iniwan nila tayo sa ere."

Natawa ko sa sinabing yun ni Esja.
"C'mon. Lunch lang yun Esh. Hindi ganun sina El at Kiel."



Mukha namang narealize na ni Esja ang gusto kong sabihin dahil hindi na siya sumagot pa. Akala ko ay tuluyan na siyang mananahimik ngunit bigla siyang may tinawag sa di kalayuan.


"BFF!"



Patay tayo dyan.



Nag-aalangan man pero lumapit din sa table namin si Lira.



Esja: Lira dito ka nalang kumain.

Lira: *sits in front on of me* Bat parang kulang ata kayo?

Esja: Tch.. Wag mo ng tanungin kung bakit. Bat parang ang aga ata ng lunch time niyo?

Lira: Wala kasi si Sir Nieto. Ayun.

Esja: Sus. Lagi namang wala yun. Di ba Shin?

Ako: Ah..oo.





Nakanamput naman! Oo gusto ko ng magkaka-ayos kami ni Lira. Pero, pwede konting bwelo muna? Wala pa kong plano!



"Uyy wait lang ah. Bili lang ako ng extra rice." tumayo si Esh at pumunta sa may counter.





Dug.Dug..Dug.Dug.



Naiwan kaming dalawa ni Lira sa table. Malamig ang mga kamay ko, tanda na kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.



Walang umiimik.





Hanggang sa..



~..Because tonight will be the night that I will fall for you, over again, don't make me change my mind..~



HOLY COW! Boses ko yun ah! Muntik ko ng maibuga yung kinakain ko!



Natatarantang kinuha ni Lira ang cellphone niya sa bulsa at sinagot ang tawag.



"Hello?..Oh Sammy!..Talaga? Ang galing namin ni bunso..Eh? Ang daya!..Haha..Sige enjoy kayo dyan. Minsan ka lang maka-perfect eh..Oo na sige na. Titignan ko sa fb yung pics niyo ha?..Love you! Bye!"



Hindi ko inalis ang tingin ko kay Lira habang may kausap siya sa cellphone. Ngayon ko nalang ulit siya natitigan mula nung..TSS. Wag na nating pagusapan ang katangahan ko noon.



"Baka matunaw ako nyan ah." her voice dragged me out of my reverie.

Aba gumaganyan na siya ha. Well, two can play the game.
"Hindi mo pa pala pinapalitan yung ringtone mo."


SHOOT. Nagblush siya.

"Hmp. If I know tuwang tuwa ka naman." sagot niya at pinagpatuloy ang pag kain.

"Eh di ba tatlong taon na yun? Na-adik ka sa boses kong cute noh?" pangungulit ko. HAH. No one can escape my charm.

"Cute your ass." she answered rolling her eyes.
"Hmp! Papalitan ko na nga 'tong ringtone!"



Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nagpipindot. Syempre ayokong palitan niya yung ringtone, BAH! Baka mamaya idelete niya pa yun eh, sayang. Antigo na yun! Kaya ayun, pilit kong inagaw sa kanya yung cellphone.



"Lira joke lang! Wag mo ng palitan!"
"Wag mo ngang agawin! AnuBa!"
"Eh baka idelete mo e!"
"Pake mo ba kung idelete ko nga! Amin na yan!"
"Antigo na kaya yun!"
"Panong magiging antigo eh three years palang yun?! Akin na kasi!"
"Yun na nga eh! Three years mo na yang ringtone. Three years! Wag mong idelete!"
"Amin na sabi! AnuBa--"



At ayun. Nahulog ang cellphone.



Sabay kaming yumuko para pulutin yung cellphone kaya lang..



"OUCH!"
"Aray!"



Nagka-umpugan kami.



"AnoBaNamanYan Shin!" napahawak siya sa kanyang noo.


Pinulot ko yung cellphone niya. Patay. Nasira ko ata.



"Tignan mo nga yang ginawa mo!" she blurtted out.

"Sandali pwede? Aayusin ko 'to." mahinahon kong sagot. Pag nagtaas pa ko ng boses baka mas lalo pa siyang mainis.

"Hindi mo naman yan kayang ayusin eh!"

"At bakit naman hindi?"

She smirked.
"Coz you're a breaker, not a fixer."



SHOOT. Deja vu? Hindi. Totoo talagang nangyari na 'to dati.



And I know why she smirked. Yun ay dahil natatandaan niya rin ang pangyayaring yun.



"Hey guys!" bigla namang dating ni Esja.
"Teka, nag-aaway ba kayo?"

"H-hindi ah!" sagot ni Lira.
"Bat naman kami mag-aaway ni Smoochie pooh?"



SMOOCHIE POOH?!



Hindi pa nakuntento si Lira at pinisil pa ang pisngi ko.
"Ang cute cute talaga ng Smoochie Pooh ko!"



O_O?



"Achikow! Ang sweet ah." react naman ni Esh.
"Okay na pala kayo eh. Bagay talaga kayo."

"Okay naman talaga kami!" sabay kindat sakin ni Lira.
"Di ba Shin?"

Shetss. Ano bang nangyayari dito kay Lira? No choice kundi sakyan nalang.
"Ahh..oo. Okay na okay tayo."

Napatingin naman si Esja sa ginagawa ko.
"Ano namang nangyari dyan?" sabay nguso niya sa cellphone.

"Nabagsak lang." sagot ko habang kinakalikot pa rin ang cellphone ni Lira.


Ilang sandali pa ay napagana ko rin 'to agad. Pwew! Buti nalang naayos ko. Iniabot ko na ang cellphone kay Lira.
"Ayan. Sa susunod mag-iingat kase."

"Thanks Smoochie Pooh!"



Ipaliwanag niyo nga saken kung anong nangyayari dito =_=



-Lira's POV-


"P-pwede ka bang maging prom date?"



Hindi makasagot si Velle. Iniabot sa kanya ni Ward ang hawak nitong bulaklak. Nagtilian kami sa kilig habang namumulang parang kamatis naman si Velle.



"Um-oo ka na Vell!"
"Go girl! Keri mo yan!"
"Kyaaaah! Ang sweet!"



Di nagtagal at pumayag na rin si Velle. And that's it. END OF THE SHOW.



"Kaloka ka Velle!" I greet her as she approached me.

"Suss. Wala yun." she answered with a shy smile.
"Tara na sa CR. Magpapalit pa tayo."



Haaays. Nakakaloka talaga yung eksena kanina. Kilig much :"> Matagal na yung inaasam ni Velle, sa wakas na nangyari na rin.



Yep. Prom night na next week at halos lahat naghahagilap na ng prom dates. Pwede rin namang walang ka-date pero syempre, mas masaya pag meron kang date di ba?



*sigh*



Maybe I should prepare myself for the greatest role of the night, the WALLFLOWER.



Yeah you read it right. A wallflower. Isang disensyo sa pader. Hanggang ngayon wala pa rin nagyayaya sakin maging prom date nila pero okay lang. Siguro unang pumasok sa utak niyo si Shin. TCH.. Asa namang yayayain ako nun noh.


Okaaay. Siguro kelangan ko ng iexplain kung anong nangyari kaninang lunch time. (Smoochie Pooh? Yuck!) Hindi ko yung ginawa para magpa-pansin kay Shin para yayain niya kong maging prom date. Like duh? Wag niyo kong itulad dun sa mga babaeng nagkakarandapa sa kanya. And besides tanggap ko na ang pagiging wallflower ko.


Kaya ko yun ginawa dahil nandun si Esja. Yep. Para lang yun sa aking BFF. Matagal ko na 'tong napag-isip-isip. Pansinin niyo ha. Nakaka-ilang tanong na si Esja sakin (at pati na rin siguro kay Shin) kung ano na bang nangyayari samin. Kung ano daw bang status namin, kung okay lang ba kami ni Shin. Naaawa na ko sa bestfriend ko, lalo na nitong nakaraan medyo tahimik siya. Kaya naisip kong gawin yung kanina sa canteen para kahit pano hindi niya na kami alalahanin. Kailangan namin magsakripisyo ni Shin para set-up, sa ayaw man o sa gusto niya. Kung ayaw niya di wag. Basta ako gagampanan ko ng maayos ang role ko sa entabladong 'to. Para 'to kay Esja. Para 'to sa kaibigan namin.



"Uy Lira." Velle called me, stopping my thoughts in their tracks.
"Di ba may meeting pa kayong mga seniors ng cheering squad?"

"Ayy oo nga pala. Buti pinaalala mo. Una na ko Velle! Thanks!"



Iniwan ko na si Velle at nagmadali na kong pumunta ng gymnasium.



Nang biglang...



"Ummm!"



May nagtakip ng bibig ko at hinila ako sa may bakanteng classroom.



"Itali niyo na yan!"



Holy Sht.



Itinali nila ko sa isang upuan. Mga impaktang 'to! Humanda kayo sakin pag nakatakas ako dito!



Impakta1: Well..well..well. What do we have here?

Impakta2: In fairness ang cute niya dyan sa kinalalagyan niya.

Impakta3: Hindi ba natin siya pipiringan?

Impakta1: Wag na. Para kilala niya kung sinong kinakalaban niya.

Lahat sila: *impakta laugh*



GRR..! I swear pag nakatakas ako dito. Nakuu! Kakalbuhin ko 'tong mga 'to!



Tinanggal ni Impakta1 yung busal ko kaya nakapagsalita na ko.


"ANO BANG KAILANGAN NIYO SAKIN?!"


"HU.HU.HU. Kawawa ka naman. Wala ng magliligtas sayo ngayon! Hindi ka na maliligtas ng Smoochie Pooh mo!" pang-aasar ni Impakta2.



The eff! SMOOCHIE POOH?!



Sinasabi ko na nga ba. Ever since pahamak talaga ang lalakeng yun sa buhay ko!


"KUNG GUSTO NIYONG MAGING PROM DATE SI SHIN INYONG INYO NA SIYA! SAKSAK NIYO SA BAGA NIYO!"


Lumapit sa mukha ko si Impakta3.
"Ang kapal ng mukha mong sabayan si Shin maglunch. Subukan mo lang--FCK! So GROSS!"



Dinuraan ko lang naman yung panget niyang mukha.



"Para kayong septik tank! YOU'RE ALL FULL OF SHT!" oha! Nagamit ko yung nabasa ko sa Its Not That Complicated :P



"How dare you!"



*PAK*





..at sinampal ako ni Impakta3.



*BOOGSH*



Sakto namang pagka-sampal sakin ay may nagbukas ng pinto.



Impaktas: O_O





Ako: S-shin.. Sandy?



Pumasok sina Shin at Sandy. Kinalagan ako ni Sandy at hinarap ni Shin yung mga impakta.



"SINONG NAGBIGAY SA INYO NG KARAPATANG SAMPALIN ANG BABAENG MAHAL KO?! SA SUSUNOD NA MANGYARI 'TO AKO ANG MAKAKAHARAP NIYO!"



Bakas ang takot sa mukha ng mga impakta. Kahit ako ngayon ko lang nakitang magalit ng ganito si Shin. Pero mas ikinagulat ko yung sinabi niya. Ako? Mahal niya?



"LAYAAS!"



Pagkasabi nun ni Shin ay tumakbo na palabas ng room yung mga impakta.



Shin: Lira okay ka lang?

Ako: A-ahh. Oo..

Sandy: Lira..Alam kong may kasalanan ako sayo. Ako yung nag-lock sayo dati sa CR. Pero pramis! Inutusan lang ako nun ng pinsan kong si Merika. Pinagsisisihan ko talaga yun. At nung marinig kong may plano sayo ang mga babaeng yun, hindi na ko nagdalawang isip na kausapin si Shin.

Ako: Kalimutan mo na yun Sandy.

Sandy: Sige ah. Maiwan ko na kayo ni Shin.



Lumabas si Sandy sa classroom at naiwan kaming dalawa ni Shin sa loob.





*PAK*





Yes. I slapped him. Hard.



"Lira.." halatang nagulat si Shin sa ginawa ko.
"Akala ko ba okay na tayo?"

"KAHIT KELAN TALAGA IKAW ANG PAHAMAK SA BUHAY KO!" oo galit ako. At sa sobrang galit ko hindi ko napigilan ang pagbagsak ng aking luha.
"Shin..hindi tayo okay! At kahit kailan hindi na tayo magiging okay! Ginawa ko lang yung paglalambing kanina sa canteen para sa bestfriend ko. Para lang kay Esh! Ayoko na kasi eh. Pagod na ko. Tatlong taon Shin! Tatlong taon mong tinatakbuhan ang katotohanan. At ngayon pagod na 'tong habulin ka pa."

"Pero hindi na ngayon Lira! Naniniwala na ko sayo. Alam ko na ang--"

"PWEDE BA TAMA NA! Its too late Shin.."





..at tuluyan ko na siyang tinalukaran at lumabas ng room.





***


"BOO!"

"Ayy palaka!" napasigaw ako sa gulat.
"Erom AnuBa!" badtrip na nga ko kanina dahil sa nangyari, dadagdagan pa ng asungot na 'to.


Tawa naman ng tawa si Erom.
"Ang epic ng mukha mo! Haha!"

"HMP. Bat ka ba napadpad dito sa bahay?" tanong ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro. Its seven in the evening, at pag ganitong oras nagkukulong lang talaga ko sa kwarto para magbasa.

"Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita eh." he pouted. Kyaaah! Ang cute!

"Ikaw kasi eh! Ano bang pinag-gagawa mo sa buhay mo? Halos two weeks ka ng absent ah."


Umupo si Erom sa couch na nasa harap ko.
"Lira naman. Hindi ako nagpunta dito para sermunan mo."

I can't help but to roll my eyes.
"My gawd Erom! Syempre nag-aalala kami sayo noh!"



Hindi na siya sumagot pa. Buti naman. I had enough confrontations this day. Ayoko ng madagdagan pa.



"Ang cute ng radio mo ah." tumayo si Erom at lumapit sa may study table.
"San mo 'to nabili?"

"Regalo yan sakin ni dad." i answered without bothering to look what he's doing. Kung curious kayo sa itsura nung radio, well..mukha kasi siyang teddy bear. Hindi ko nga alam kung radio na teddy bear ba yan o kung teddy bear na radio eh.

"Miss mo na daddy mo noh? Kelan ba uwi niya?"

Dun lang ako nagtanggal ng tingin sa librong binabasa ko. Kelan nga ba uwi nun? Aish. Hindi ko alam =.= My dad is a seaman. O alam niyo na ha?
"Di ko alam eh. Pero sana umuwi siya sa graduation natin."

"Hmm.. Gumagana pa ba 'tong radio mo?"

"Oo naman! Try mo pa kung gusto mo."


Pinindot-pindot naman ni Erom radio at nung makahanap siya ng station na malinaw ang signal ay bumalik na siya sa couch.



"Lira pahiga ako ha." sabay pikit niya ng mata.



Pinagpatuloy ko lang yung binabasa ko habang nakikinig sa radio.



\\DJ: So nasa kalagitnaan na po tayo ng ating program tonight, ang "Your Song, Your Message". Dial 614-1234 for your song requests, at para na rin maka-hingi ng advice. Oh, here's our second caller. Goodevening?

Caller: Uhm..Hello?

DJ: Hi! Anong pangalan mo hijo?

Caller: Mr.Blonde Guy nalang po DJ Nics.

DJ: Cute naman ng codename. Anong song request baby boy?

Caller: Uhm..yun pong Loveteam by Itchyworms.

DJ: At para kanino mo naman yun ide-dedicate?

Caller: Para po sa..babaeng mahal na mahal ko.

DJ: Talagang hindi pinangalanan si girl ah. Bakit naman Loveteam ang napili mong song request?

Caller: Uhh..kasi po..yun pong pinapakita niya sakin..palabas lang po pala yun. Hindi pala totoo.

DJ: Aruuuy. Uhh, any message para kay girl?

Caller: Uhm..uhh..A-ano. Mahal na mahal kita. Maniwala ka naman sakin. Lahat gagawin ko p-para sayo. Bumalik ka lang.

DJ: Naks! Lahat gagawin mo para sa kanya? Aber, ano namang kaya mong isakripisyo para kay girl?

Caller: Kaya ko pong ipa-itim yung buhok ko para sa kanya.

DJ: Asus! Akala ko naman kung ano na. O siya siya. Thanks for calling baby boy.

Caller: Thanks din po DJ Nics.

DJ: At eto na nga po, ang song request ni Mr.Blonde Guy, Loveteam by Itchyworms. Enjoy!//



Haha. Kaloka yung guy ha. Magpapaitim lang ng buhok? Jusme.



Pinagpatuloy ko nalang yung pagbabasa ko habang nakikinig ng music.



<Intro: Loveteam by Itchyworms>



Di, di naman talaga
Tayo magsinta, pero gusto nila
Kahit ayaw mo, bagay daw tayo
Di naman totoo, mga yakap mo
Pang-eksena lamang ito
Di mo lang alam..

Na nababaliw na'ko sa iyo
Di ko na yata kaya to
Ang aking lihim na pakay
Ay ang lahat ng ito'y gawing tunay

Sana wag mong sisihin
kung di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo 'ko
ngunit di naman seryoso
sana magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito



I felt a sudden pinch of guilt. Aish. Tinatamaan sa kanta?



Si..Sinungaling ka
Kapag may tao,
Ay nilalambing mo ko
Pero pag wala, ay sumasama
Turing mo sa 'kin, ay parang hangin
Bitin na bitin
Di nila alam..

Na sa dulo ng tagpo
Di na patok ang linya ko
Nag-iiba ang iyong asta
Hanggang sa susunod na eksena

Sana wag mong sisihin
Kung di ko kayang pigilin
Sabi mo na mahal mo 'ko
Ngunit di naman seryoso
Sana magkasingkulay
Ang drama at tunay na buhay ko
Ang tanging pag-asa ko
Ay nasa tambalang ito



ARGGH! Lira wag ka ngang ma-guilty dyan! Teka..hindi kaya si Shin yung caller. Hindi. Impossible yun.

Pero..



BLONDE YUNG BUHOK NIYA E! *gasps* Don't tell me?





-3rd Person POV-


"O paps. Morning! Long time no see ah." bati ni Shin kay Erom nang makasalubong siya nito sa hallway.
"Kung kelan friday saka ka pumasok."

"Shin, pumasok lang ako dahil may kailangan akong sabihin sayo." seryoso niyang sagot.
"Mahal mo si Lira di ba?"

"O-oo naman!"

"PWES. Magca-cutting tayo." at hinila niya si Shin palabas ng campus.



*



[dismissal; 3:08pm]



Naghuling sulyap pa si Lira sa salamin ng CR bago umalis.



Kasalukuyan silang naglalakad ng kaklase niyang si Myl sa hallway ng may mapansin siyang kakaiba sa paligid.


"Myl, may dumi ba ko sa mukha?" tanong niya sa kasama.

"Wala naman." sagot ng kanyang kaklase.



Nagpatuloy sila sa paglalakad ngunit may kakaiba pa rin siyang napapansin. Bakit ba siya pinagtitinginan ng mga tao? Mukha ba siyang espasol sa polbo niya? May lumitaw ba siyang buhok sa ilong? Meron ba siyang muta? Sabi ng kasama niya wala naman daw siyang dumi sa mukha. Ano ba talagang problema?



"Uyy Lira. Hindi pala ko makakasabay sayo pauwi. Ihahatid kasi ako ni Kenneth eh. Geh ah. Bye!"



Wala na siyang nagawa kundi ang panoorin umalis ang kasama niya. *sigh* Halos lahat ng nasa paligid niya merong lovelife. May prom date. Eh siya? Eto. LOSER.



Mag-isa lang siyang naglakad pauwi. Mabuti naman at walang masyadong tao sa paligid kaya hindi siya masyadong na-conscious kung anong mali sa kanya. Siguro nga ay napa-paranoid lang siya kanina sa hallway.



Malapit na siya sa kanila nang may isang lalake ang lumapit sa kanya. The guy looks familiar but she can't tell who the hell he is.



Unti-unti pang lumapit sa kanya ang lalake. Para namang napako ang mga paa niya sa daan. No way.. Hindi pwedeng siya si...



..at bago pa man niya ituloy ang kanyang iniisip ay lumuhod sa harap niya ang lalake.



WHAT NOW?!





"Next time make sure you'll tie your shoelace, okay?"





To explain, tinali lang naman ni Shin ang sintas ng sapatos niya.



"A-anong nangyari sa buhok mo? Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ni Lira.

Shin runs his hand through his hair.
"Bagay ba?"

"Bakit ka nagpakulay ng buhok?"

"Mahal kasi kita." he answered grinning to her.

Pinalo-palo naman niya ang balikat ni Shin.
"WALANGYA KA! SABI KO NA NGA BA IKAW YUNG CALLER KAGABI EH! MAGKASABWAT PALA KAYO NI EROM! NAKAKAINIS KAYONG DALAWA!"

"Ouch! Aray! Lira tama na! Aruy! Hindi ko alam yang caller na pinagsasabi mo!"


Lalo namang pinagpapalo ni Lira si Shin.
"MAGMAMAANG-MAANGAN KA PA! MAY SONG REQUEST KA PANG NALALAMAN DYAN! NAKUU LAGOT DIN YANG EROM NA YAN SAKIN!"

"Stop it! Ouch! Hindi ko nga sabi--ARAY! Hindi ko alam yang pinagsasabi mo! Dinala lang ako ni Erom kanina sa salon. Sabi niya kung mahal daw kita magpa-itim daw ako ng buhok!"


Bigla namang natigilan si Lira.
"H-hindi ikaw yung caller?"

"Hindi nga sabi!"



Napasapo siya sa noo. Nice one. Pahiya siya dun ah.



Muli namang nagsalita si Shin.
"Lira..please. Gusto ko ng magka-ayos tayo. Hindi na mahalaga kung anong totoo at kung anong hindi. Gusto kong makipag-ayos sayo dahil sa isang dahilan. Mahal kita."



She was so speechless. Hindi niya alam kung pano ida-digest ang mga narinig niya. Totoo ba talaga 'to? Paniginip? O isa na namang dula sa ginawa nilang entablado?



"Sana mapatawad mo ko kung hindi ako naniwala sayo dati. Im so sorry Lira. Nagpakain ako sa galit na naramdaman ko. Nung makita ko dati na hinahalikan ka ni Restan gusto ko siyang patayin. Pero ngayon alam ko na ang totoo kung bakit niyo yun ginawa. Kung bakit NIYA yun ginawa. Patawarin mo sana--"



Wala ng ibang pang maisip si Lira kundi halikan si Shin sa pagkakataong yun.


"I think I've said it enough." nakangiting sabi niya matapos bumitaw sa halik.


Hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Shin.
"Pwede isa pa?"

"Abusado ka ha!"

"Asus! Gusto rin naman!" pang-aasar ni Shin. Hinawakan niya ang mga kamay ni Lira.
"Pero seryoso, pramis magbabagong buhay na ko. Hinding hindi na ko mambababae. Pangako, ikaw na ang pinaka-corny kong joke."

Kumunot naman ang noo ni Lira.
"Korning joke?"

Abot tenga ang ngiti ni Shin bago sumagot.



"DAHIL LAST NA KITA!"





"Ang corny mo Smoochie Pooh!"

"ARAY! Quota ka na sa hampas ah! At wag mo nga kong matawag-tawag na Smoochie Pooh! Ang corny!"

"Ayie. Namiss talaga kita Smoochie Pooh! Thanks sa pagtali ng sintas ng sapatos ko. Kaya pala ko pinagtitinginan kanina. Tss." sabi niya habang pinipisil ang pisngi ni Shin.
"HAHA! Pero maiba ko." biglang sumeryoso ang mukha ni Lira.
"Alam kong kaya ka nakipag-ayos dahil alam mo na ang totoo. Eh di ba matagal ko na sayo yung sinasabi?"

"Eh iba na kasi ngayon. Nalaman kong kaya pala ginawa yun ni Restan dahil--" natigilan bigla si Shin.

"Dahil ano?" seryosong tanong ni Lira.



Patay. Sasabihin niya ba?



-end of chapter35-

A/N: HAPPY ANNIV SA LMM! grabe, one year ko na pala tong sinusulat. actually mahigit one year na, january ko kasi to sinimulan itype tapos march ko lang pinost. anyway, tnx sa lahat ng nagbabasa. ayie. matatapos na po ito, konting hinga nalang, walang bibitaw ha?

sa next UD ko, chapters 36-38 ang ipopost ko. then sa next next UD, ending na. kapit lang guys! :))


again, HAPPY ANNIV LMM :)))

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon