Prologue
Time. I've been passing time watching trains go by.
Sabi nila, ang pag-ibig ay parang pagsusulat. Kapag maganda ang simula, maeengganyo ang mambabasa na tapusin ito hanggang dulo. Kapag hindi naman maganda, tatamarin na silang basahin ang kwento mo.
Pero minsan may mga istoryang maganda nga ang simula, hindi naman pala happy ending.
Parang love. Akala mo sya na. Tapos hindi pala.
At yung taong halos puro sakit ng ulo lang ang binigay sayo simula nung makilala mo, sya pala ang para sayo.
Weird but somehow true.
At bakit ko 'to nasasabi?
Wala lang.
Wala kasi akong maisip na prolouge :">
"Byahe na naman..." its a typical sunday morning. As usual, magsisimba na naman kami nina mom and dad. At after magsimba, pupunta naman kami sa bahay ng grandparents ko. Nakasakay kami ngayon sa LRT papuntang Quiapo. Eto ang routine ko tuwing linggo.
Nakasuot ako ng puting bestida w/ white sandals and white headband. Wow pakpak na lang ang kulang mukha na kong anghel^^, may hawak rin kasi akong bible, saka dala ko rin yung diary ko. At sa pagmamadali kanina, hindi na ko nakapagdala ng bag. Kaya eto, bitbit ko tong mga to ngayon.
Dala ko nga pala tong diary dahil ibibigay ko to sa bestfriend ko mamaya. Malapit lang naman bahay nun kena lola. Puro kasi hinanakit laman ng diary na to. Ayoko ng mabasa pa ulit.
All of my life. Lying on the sand watching sea birds fly.
Medyo nagiging siksikan na. Kada station na tinitigilan ng LRT, lalong dumarami ang tao. Mas maraming pasahero ang sumasakay kesa bumababa. Oh well. Ganito naman lagi, hindi pa ko nasanay.
Inusisa ko bawat pasaherong nakikita ko. May mga nakatayo. Yung iba may mga kasama. Kalimitan talaga puro pamilya. Malamang, sunday eh.
Pero ang nakapukaw talaga ng atensyon ko ay yung nakaupong guy na naka-earphones.
Wishing there could be, someone waiting home for me.
He seem to be alone. Nakapikit lang siya all the time habang nag-sasoundtrip kaya free akong titigan siya. Ang weird naman. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bat ganito. Parang hindi ako galing sa break-up.
Hay ano ba naman to. Sa tagal ng byahe kung anu-ano ng naiisip ko. Pero nung tignan ko naman ang relo ko, 10mins pa lang pala kami nakasakay dito. Hehe.
Nung titignan ko ulit yung guy, oh my asan na siya? Isang matandang babae na yung nakita kong nakaupo sa seat niya. Bumaba na kaya sya?
Somethings telling me it might be you,
Pilit syang hinagilap ng aking mga mata. At ayun lang pala sya, standing over there. Ang gentleman naman, ibig sabihin binigay nya yung seat nya dun sa matanda.
"Dear malapit na tayong bumaba."
"Yes dad."
Amps naman yan oh. Malapit na pala kaming bumaba. Nag-huling sulyap ako sa kanya. Hays.
Its telling me it might be you,
..all of my life.
***
THIS IS LMM 1 and 2. Ngayon palang binabalaan na kita. Ang storyang ito ay puno ng grammar errors, wrong spellings, mangilan-ngilang emoticons, at higit sa lahat, KAKORNIHAN. Hindi ko na rin ito ieedit dahil gusto kong may tinatawan akong works ko sa future, at para na rin makita ko kung nag-iimprove ba ko. Sa mga ayaw nang magbasa, sige salamat na rin sa pagbisita sa prologue. Sa mga gusto pang magpatuloy magbasa, thanks and enjoy reading! :))
-asktherisk*
BINABASA MO ANG
Love Me M O R E 1&2
Teen Fiction-COMPLETED- If i was sick and the only cure is to forget me, would you give me the medicine? Or would you let me die? [Book 1 soft copy download link posted on my profile]