Blanko lang ang isip ko ngayung araw na ito. Naglalakad ako sa hall papasok na ksi nga may pasok. Alangan naman lalaba ako dba?Di ko alam kung ilang minuto na ako naglalakad at wala sa sarili.
Nagising nlng ang aking diwa ng nabanga ko ang isang estudyante.
Ehh? Sii Joshua pala yungg naka banga ko.
"Sorry, sorry Joshua ah! Ndi kita nakita pasensya na talaga." Paghihingi ko ng tawad sa kanya.
" It's okay Ash, bat kaba parang wala sa sarili mo? C-chaka nagsisimula na yung mga klase dba? Wala ka bang pasok?" Tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa aking palibot...
Hala!!!!! Wala ngg mgaa taoo?!
Patayy!!!!
Latee na akooo!!!!
" Sorrry talaga Joshua haa! Kailang ko ng pumasok late na kasii ako!!" Medyo pasigaw at mabilis kung sabi.
Tumakboo na ako para hindi ako malate. Pero kahit tumakbo pa ako ng mabilis late na talaga akooooo.
Saktong pagpasok ko sa room bilang tumunog ang bell. Patayy!
"Ms.Garcia! Ang aga ko naman ata? Ang aga aga mo para bukas!"
Aishhh!!!
"S-sorry Mrs. Aquino." Nahihiyang sabi ko. Kainiss!!! Kasalanan ito ni Kairon eh!!!
Wala kasi siya kaninang umaga, pinatawag siya ng daddy niya sa opisina nila, kaya wala akong kasama! Siya pa naman minsan ang gumigising sa akin kapag late akong na gising.
"Di mo lang kasama si Kairon nalate kna" mapang asar na sabi ni Aldrin.
Nako! Tung bunganga ng lalaking to talaga!
"Tama na Aldrin, be sensitive naman, napahiya na nga si Ash eh, pero nakakatawa yun ha" sabi ni Larry sabay tawa.
Kala ko pa naman kakampi ko! Kainis parang mga ewan. Nangaasar pa.
Umirap lng ako sa kanila.
"Tama na-"
Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Santino dahil baka mang asar na naman!
"Tatamaan talaga kayong tatlo sakin!"
"Chill lang Ash, papasok naman mamayang hapun si Kairon." Sabi ni Larry.
"Tama! Miss mo naman masyado! Sa sobrang miss nalate kpa tuloy haha" natatawang sabi.
Nakakainis na ha! Masasalita pa sana ako at may planong kausapin si Mia tungkol ka gabi ngunit may Pa quiz si Prof kaya nanahimik na lang ako at sumagot na ng napaka haba niyang quiz!
Hayyyyy! Kinaya ko naman ang quiz, nang kaunti!
Late na ako! Hindi pa ako nakapag aral sa quiz! Wala na bang kamalasan ang dadatin-
Ohhh shoockss!!!
"Sorry miss, I'm really sorry. Di kita nakita! Nagmamadali ako I'm sorry." Sabi ng di naman masyadong kagandahang babae.
Pero batay sa pananamit mayaman siya.
Tinatanong niyu ba kong bakit siya nagsosorry? Aba dapat lang! Tinapunan niya man lang ako ng coffe! Pano natu damit ko?!
Bakit ba ang malas pagwala si Ka-
*Duglubduglub* (´⊙ω⊙')!
Yungg pusoo koo!
Ano ba yan! Di ko pa nga nasasabi yung buong pangalan ni Kai-
*Duglubduglub* (´⊙ω⊙')!
"Miss, here-" Biglang abot niya ng pera sa akin.
Pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya at binalik ang pera niya. Duh! Di ako ganun noh!!!
"Di na kailangan may pera pa naman ako, chaka di ako pulubi. Salamat na Lang. Simpleng sorry okay na ako dun. Magingat ka na lang next time." Pagkakasabi ko nun ay umalis na ako at pumunta na sa canteen.
Nauna kasi sila kanina ksi nga naman tulala na naman ako ang mother niyu.
"Oh bat ganyan damit mo Ash?" Bungad kaagad sa akin ni Mia ng makapwesto ako sa table na napili nila.
Wala Si Natashia ngayung araw dahil kailangan niyang bumalik sa America. Ang sabi niya naman ay babalik siya
(A/N: sana all binabalikann)
Napatingin naman sakin silang lahat.
"Gusto mong extra t-shirt Ash?" Tanong sa akin ni Anne.
"Aba na wala lang si Kairon nagkandamalas malas kana" mapang asar na sabi ni Aldrin.
Inirapan ko na lang siya.
"Sinong nagkandamalas malas?"
Nanigas ako bigla ng marinig ko kang kanyang mga boses sa aking likodan.
"Oh nandito na pala ang swerte!" Sabi ni Aldrin.
"Sana di kna bumalik" nakangising sabi ni Santino
"Di kana mamalasin niyan" natatawang sabi ni Mia.
Unti unti akong humarap sa kanya. At ang lakas na naman ng puso ko.
Bakit na naman baa??!!!!!!
"Oh? Napano iyan?" Tinutukoy niya yung damit ko.
"Uh, i-ito?" Sabay turo sa damit. " Natapunan Lang. " Nakayuko lang ako. Yumuko ako kasi nahihiya ako. Ang dungis dungis ko na.
Bigla niyang hinawakan ang akin mga kamay at ako'y hinila niya.
"Tara sa kotse, may extrang t shirt ako dun".
Magsasalita pa sana ako na ky Anne na lang ako manghihiram ngunit napako ang aking mga mata sa mga kamay naming dalawa. Hindi naman ako ganito dati ah???
Anong nangyari?
-
"Bagay naman pla ah" sabi ni Kairon ng makalabas na ako sa cr.
Suot suot ko ang t-shirt niyang pula.
Parang namula yata mukha ko sa sinabi niya.
" Alam mo bang na late ako?" Paguumpisa ko ng kwento.
Kinweto ko sa kanya lahat ng kamalasan ko mula kaninang umaga.
Tinawanan lang ako ng kupal.
" May metting lang kasi sa company" sabi ni Kairon.
"Oh? Kasali ka na kaagad??" Tanong ko. Eh, Alam ko naman na anak siya ng may ari peri di naman siya kasama sa mga metting noon ah.
"Yeah. Ang complicated nga eh. Di ko alam kung anong gagawin ko" malungkot na sabi.
Di ko alam kung anong pumapasok sa ulo at bigla ko nlng hinawakan ang mga kamay niya upang e comfort siya.
Feeling ko kasi nagkaproblema eh.
Di ko inaasahan na yayakapin niya ako.
Hinaplos ko langg ang kanyang likod upang iparating na nandito lang ako sa tabi niya kahit anong mangyari.
Medyo matagal tagal din kaming ganito bago namin na pagdisisyonan na pumasok na.
Di muna ako nagisip sa problema ko kanina tungkol sa naramdaman ko.
Mas inaalala ko pa ang kilos niya na parang may hindi magandang mangyayari.
(◍•ᴗ•◍)✧*。
YOU ARE READING
Stuck with Your Maybes
RomanceStuck with your Maybe's Soulmate? Totooo ba yan? Paano mo malalaman na siya na ang soulmate mo? Love. Sa ganitong mundo na punong-puno ng mga manloloko, ang love ay parang magic, hindi mo alam kung totoo o niloloko ka lng para makuha ka at saktan...