Ashley Gracie Garcia
"Ashh!!!" tawag sakin ng kaibigan ko na si Mia. "oh? Aga mo ata ngayon ah?" sabay sabi niya ng makalapit na siya sakin.
"Ahh, Oo kasi pupunta pa kong library eh, nangako akong tutulongan ko si ma'am Flora sa mga bagong libro" sagot ko habang naglalakad kmi sa daan..
Palati akong nasa library dahil ito ang aking tambayan simula nong 1st yr highschool ko at hanggang ngayun na malapit na akong mag gradute. Hayyysss 2 months na lng talaga..
"Sus mag tatapos nga tayo sa highschool library pa rin?" medyo naiiratang sabi ni mia. "Di mo nko nabibigyan ng time yan Ashley ha!!! Nagseselos na talaga ako!" pabirong sabi niya with matching drama pa ang ate gurl nyuu....
"Hay ewan ko sayo Miareen Alcantara ha! HAHA! tumabi ka nga!" sabi ko sa kanya sabay taboy. "Alam mo namn siguro kailangn ko pa mag aral para scholarship sa college dba? Di namn ako mayaman tulad moo eh" sabi ko.. Well totoo naman yun kasi mahirap lang kmi. Kakamatay lng ng tatay ko at wala ng pera si mama dahil binayad na sa utang, kaya nga lilipat kmi sa kaibigan ni mama at doon na din ako siguro mag Co-College.
"Iiwan mo na ko after 2 months" malungkot na sabi ni mia. Nginiti an ko nalng siya.. Alam ko nagtatampo yun pero alam ko din na naiintindihan nya ako...
"Oyyyy sa manila na talaga?? Wala ng bawi an yunn??! " malungkot natanong ni Mia. Kumakain kmi dito sa canteen dahil break time..
"Oo, dun kasi nkatira yung matalik na kaibigan ni mama na tutulong sa amin eh" Kaibigan yun ni mama, ang yaman nun daming negosyo.. Sabi pa nga niya ky mama gagawin niyang business partner si mama sa bagong tayo na restaurant nila.... Noon nung buhay pa c papa palati kmi pumupunta doon upang mag celebrate ng mga importanteng okasyon.. Magkaibigan nga kmi ng anak ni Tita Kyla eh.. Si Kairon... Hmmm napa isip tuloy ako kung ano na itsura nun...
"Hoy! Miss Garcia!!!" pinitik ni Mia yung ilong ko "Lutang ka na naman ohh!.... Ano iniisip mo yung best Friend mo dun sa maynila noh?!" tanong niya pa.."hoy Ashley ha! Nagseselos na talaga ako! Baka kalimutan mo nako niyan! Di mo pako binibigyan ng oras ngayon! Malapit kna kayang umalis!!" malungkot na sabi niya, di ko alam kung malungkot nga ba haha. Madami kasing kaibigan to kaya kahit wala ako alam ko magiging okay siya
"Ewan ko sayo Mia.. Tara bili tayo ng juice" sabi ko sabay hatak sa kanya para pumila.. " May pera ka? " tanong niya..
Inirapan ko nlng siya at pumila nlng..." kung sumama na lng kaya ako sayo? " out of nowhere na tanong niya..
"At saan ka titira aber? Hoy Mia hindi ka sanay malayo sa pamilya mo no!" sabi ko habang nag aayos ng gamit para makauwi na kmi...
"Edi bibili ako ng Condo ko!!! Chaka may bagong business na si Daddy sa maynila noh!!" pagmamayabang niya...Mayor kasi ang tatay niya at marami ding negosyo.. Umiling nlng ako at di na nag salita..
"Ma?, MA?" kakauwi ko lng galing school.. Syempre una kong hahanapin yung nanay ko dba haha.
"Oh anak nanjan kna pala?" sagot ni mama sakin.. Ay hindii picture ko lng to na human sized.
" Opo ma." magalang na sagot ko.. Syempre bait ko ehh.. "Nkahanda na ba ang gamit mo? "tanong niya skin... Excited ka mother? ... "Di pa po ma" pabalik na sagot ko habang hinuhubad ang aking medyas at nag aayos ng gamit ko galing eskull...
"Nako Ash, mag ayos kna, dahil pagkatapos natin sa eskul mo'y aalis na tayo kaagad." ayy excited talaga ang nanay ko..di namn halata..
"Aalis kaagad ma? Aga namn ata? Kala ko ba may isang buwan pa po??" kunwaring gulat na may halong inis.. Alam ko namn na nagmamadalii na si mama umawis kasi madaming masasakit na alaala dito sa lugar nato..
YOU ARE READING
Stuck with Your Maybes
RomanceStuck with your Maybe's Soulmate? Totooo ba yan? Paano mo malalaman na siya na ang soulmate mo? Love. Sa ganitong mundo na punong-puno ng mga manloloko, ang love ay parang magic, hindi mo alam kung totoo o niloloko ka lng para makuha ka at saktan...