HEART TO HEART

36 1 0
                                    

Habang  tumatagal ang pagsasama namin ni Gab sa iisang bahay ay lalo ko lang napatunayan na kahit kailan ay hindi ko siya nakalimutan. At higit sa lahat hindi nawala ang aking pagmamahal kung hindi mas lalo pang lumalim. Pero Irene, alam mo naman na hindi dapat.  Ngunit ano ang gagawin ko, habang iniiwasan ko mas dumarating ang mga pagkakataon na pinagtatagpo kami…..

“Irene, Irene”

Pauwi na ako galing work nang may marinig akong pamilyar na boses na tumatawag sa akin at nang lingunin ko ang pinanggalingan. (Sabihin mo nang OA) pero para akong naging estatwa sa nakita ko. “Gab”mahinang banggit ko. Ngumiti ako ngunit unti unting naglaho nang makita ko kung sino ang kasama ni Gab.

“Hi Irene. Nice to see you again” bati ng kasama ni Gab

“ Hi Kitkat same here” sabi ko na halos hindi ko mabanggit. “Sige huh, I have to go” Nang akma akong aalis ay hinawakan ako ni Gab.

“Sabay ka na sa amin” sambit ni Gab

“Hindi na, may dadaanan pa ako”  pagmamadaling banggit ko

”Uu nga naman Irene, ngayon na nga lang tayo ulit nagkita and I really need to talk to you” Seryoso na sabi ni Kitkat sabay hila sa akin.

Sobra ang pagilang na nararamdaman ko habang magkakasama kami nila Kitkat pero bakit siya wala man kahit kapiranggot. Sabagay, ano pa ba ang hihilinggin niya kasama niya si Gab tapos may anak pa siya. Samantalang ako…Haisssttt… Irene you really have to do something para makapgmove on..

Napakasaya nang mga kwento ni Kitkat pero hindi ko man lang narinig ang pangalan ni Gab instead puro Kenneth. Sino yun? At sinasabi niya na sobrang saya niya at nakilala niya si Kenneth , sa harap talaga ni Gab. Ang alam ko Andre naman ang pangalan ng anak nila. Hanggang sa nagpaalam na si Kitkat dahil may dadaanan pa siya. At Hindi man lang talaga hinatid ni Gab. Ano ba tong dalawa na to? Ganito ba talaga sila? So As usual, sabay kami ni Gab bumalik ng bahay. Walang gustong magsalita. Marami sana akong gustong itanong gaya nang gaano katagal ang bakasyon nila? Ngunit hindi ko man lang nagawang magsalita kaya nakarating kami ng bahay nang hindi man lang nagiimikan.

Pagpasok namin ay takang taka si Ruby kung bakit kami magkasabay , tatanungin niya sana ako ngunit dire diretso ako sa kwarto ganun din si Gab. “Anong problema nang dalawang yun”narinig kong sabi ni Ruby. 

Sinubukan kong matulog  upang hindi na makapagisip pero sadya talaganng mapanginis ang mga pangyayari, everytime na susubukan kung pumikit mukha ni Gab ang nakikita ko. Kaya ko na ba talaga makasama si Gab sa iisang bahay. Kelangan malaman ko kung hanggang kalian ang mokong na yan dito. Mababaliw na talaga ako, kailangan ko na rin kausapin si Ruby at sabihin na ang totoo. Marami akong panahon bukas dahil tamang tama off ko sa trabaho. At sisiguraduhin ko na makukuha ko na ang kasagutan bukas.

Pagkagising ko ay nasa good mood ako dahil eto na ang araw na hinihintay ko. Pagbaba ko ng kwarto, ay tahimik ang buong bahay. Aba mukhang tulog pa ang mga tao dito. Dumiretso ako ng kusina dahil kumakalam na rin ang tiyan ko. Habang tumitingin ng pwedeng makain ay may napansin akong note sa refrigerator.

“Irene, 

Mukhang masarap ang tulog mo. Umalis kami nila Gab.. we will be back then agad. May aasikasuhin lang kami. See yah later friend.

Ruby”

Ayos naman kung kailan naman kailangan ko nang mga kasagutan ngayon pa talaga sila umallis. Ano ba kasi ang nangyayari? Hay naku bahala nga sila..Aaliwin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkanta..

“ I look into your eyes so far away…theres trouble on your mind Im losing faith.. hey now, let me hold you, It will be okay coz I will love you till they take my heart away….”

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon