***school's out for summer, school's out forever, school's been blown to pieces,out for summer, out till fall, we may not go back at all- Schools Out by Alicia Cooper***
Ramdam na ang init sa buong paligid at isa lang ang ibig sabihin noon..its SWIMMING TIME. Nagkikita kami nila Ruby upang pagplanuhan ang aming summer escapade at magbonding sa mga panahon na hindi kami magkakasama. At ang matindi sa lahat treat ng jowa ni Elena, dami namang good news.
5am at kanila Ruby ang meeting place. Dahil eggcited ay maaga kaming nagpunta kanila Ruby at waiting kanila Elena (by the way kasama ko pa ung 2 kong friend) pagdating namin dun ay naabutan namin ang mga pinsan ni Ruby na nagiinuman shempre kasama dun si Gab.
" Irene , saan ang punta niyo? tanong ng isang pinsan niya
"Swimming kami. sagot ko
" Sama ka. sigaw ng isa pang pinsan
"Magsabi kayo mamaya kay Elena"
Nang dumating sila Elena ay dali daling nagpaalam ang mga pinsan ni Ruby at shempre tatanggi pa ba si Elena. Sabi nga the more the merrier kaya masaya kaming sumakay at bumiyahe na patungo sa Laguna. Isang private pool ang inupahan ng boyfriend ni Elena para mas maenjoy namin ang aming escapade. Ang taray di ba?
"Tara swimming na tayo" yaya ko kanila Ruby at Elena
"Mamaya na. Pahinga muna kami...sagot ni Ruby
"Kami rin..." dagdag ni Ruby
"Teka- at hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil nawala na sa paningin ko ang magaling kong mga bestfriends. Iba talaga pag may lovelife. Pumunta ako sa swimming pool at nakita kong masayang nagtatampisaw ang aking mga kaibigan kasama ang mga pinsan ni Ruby pero teka asan si Gab? Ayan si Gab na naman...Tumigil ka na Irene...sabi ko sa sarili..Natigil lang ako na kausapin ang sarili ko nang
"Irene, swimming na.." yaya sa akin ni Noel , isa sa pinsan ni Ruby
"Huh? mamaya na ako..magiikot muna ako.."
" Weeh...hindi ka lang marunong lumangoy.." pangbubuko ng bakla kong kaibigan
" Ganun ba? Halika..alalayan kita.." at inabot ni Noel ang kamay niya.
shempre sa sobrang pamimilipit nila ay napaOO na lang ako at wala nang nagawa. Kahit nasa pool na ako ay iniisip ko pa rin kung nasaan si Gab at bakit hindi siya nakkikijoin sa mga pinsan niya. At nang iangat ko ang ulo ko ay nakita ko si Gab na nakaupo sa may damuhan at may kausap sa cellphone. Siguro girlfriend niya...Hayyyyy.....paano kaya siya maging boyfriend??nasa ganun akong pagiisip nang
"ayos ka lang Irene" Tanong ni Noel
"uu ayos lang ako dito..kaw hindi ka ba nangangalay?"
"Hindi naman. pero kung gusto mo dito ka sa harapan ko para mas madali kitang maalalayan"
at dahil hindi nga marunong lumangoy ay sumunod ako sa sinabi ni Noel, not knowing na magiging awkward pala yung position namin na facing each other.
" sigurado ka na mas ok yung ganito" ilang na tanong ko
"uu naman..kasi nakikita kita. lagay mo na yung dalawang kamay mo sa leeg ko. at kinuha ni Noel ang dalawang kamay ko.
dahil sa posisyon namin ay naghiyawan ang mga kasama namin sa pool. Tila inaasar kami. Shempre ako dedma lang..walang malisya kasi pinsan naman siya ni Ruby.At masaya kaming naglaro sa pool. At nang mapagod na ay umahon na kami upang kumain, inalalayan pa rin ako ni Noel hanggang sa makarating kami sa may lamesa.
BINABASA MO ANG
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED)
Novela Juvenilito ay tungkol kay Irene na may first love na despite everything na nangyari sa buhay nia from elementary up to now still she longs for this guy.siya updated din sa lahat ng nangyayari sa guy...Pero she keeps on denying her real feelings. pagasa rin...