FOREVER

43 1 0
                                    

Maaga akong nagising at napangiti nang biglang maalala ang nangyari sa amin ni Gab. Siguro naman hindi yun panaginip. Pumunta na ako nang kusina at naabutan si Ruby.

“Goooooood mooorning Singapore!!!!!!” Good morning friend.” Bati ko kay Ruby sabay yakap.

“Aba, aba. Mukhang maganda ang napanaginipan mo huh” pangaasar ni Ruby

 “Ang bango ng niluluto mo Ruby”  pagiiba ko na lang ng topic.

“Hindi ako ang nagluluto si---“putol na sabi ni Ruby nang biglang lumabas si Gab.

“Breakfast is ready. Good morning Laluvs…WABU” Bati ni Gab sabay halik sa pisngi ko.

Napanganga si Ruby at naglipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Gab. Napangiti na lamang ako.

“Waaaahhhhhh. Is this for real? Im so happy for both of you” Si Ruby na kulang na lang ay mahimatay sa sobrang reaksyon. “Simulan niyo na ang kwento”

“Basta cuz, it just happened parang….” Sabi ni Gab sabay tingin sa akin.

“Magic. “ sabay na sambit namin ni Gab.

Nagbakasyon kami nila Ruby at Gab sa Pilipinas para na rin umaattend sa kasal ni Elena. Masayang masaya ako kasi sobrang saya ng friend ko, at the same time shes happy para sa amin ni Gab. 

Ilang araw na lang ay babalik na kami sa Singapore pero shempre bago yun, bonding moments pa rin dapat. Gaya ngayong araw, may usapan ni Gab na magkikita pero halos isang oras na akong naghihintay. Ni hindi man lang ako tinitext kung nasaan na siya. Im trying to contact him pero cannot be reached.

“JUAN GABRIEL!!!ASAN KA NA?HUMANDA KA TALAGA!!” inis na sabi ko. Nang biglang nagring ang phone ko…

“HELLO” pasigaw na sagot ko.

“ Hi , May I speak with Nicole?” sagot sa kabilang line.

“Walang Nicole dito..”sabay patay nang telepono. Nakakaasar. Sasabay pa ang mga ganitong callers.At nagring na naman ulit ang phone ko..Sino ba to?

“Hi, pwede ba kay Nicole?” 

“SInabi nang walang Nicole dito” akma ko nang papatayin ang phone nang

“Ang sungit mo naman pero cuteka parin.” Sagot sa kabialng linya at biglang tumawa.

“Mister Idontknow, kung wala kang magawa please lang wag mo na akong idamay.”

“Carlo ang name ko. Ang butas ng ilong mo lumalaki…hahahha”

“SINO KA BA?” sigaw ko nang biglang toot..tooot… Bastos,walang modo..Nasaan ka nab a kasi Gab?

Maya maya bigla na naman nagring ang phone ko. Pagtingin ko sa number, hay naku yung bastos pa rin ang tumatawag. Ayoko sana sagutin pero parang ayaw tumigil sa kakatawag.

“Mister, tigilan mo na nga ako.Hindi ka na----.” Putol na sabi ko

“Itanong mo sa akin kung sino aking mahal, itanong mo sa akin sagot ay hindi magtatagal. Ikaw lang ang aking mahal .”

Hawak ko pa rin ang telepono pero parang ang lapit lang nang kausap ko, paglingon ko ay nakita ko si Gab na papalapit. Bakit parang kinakabahan ako? Lalo na nang paisa isang lumalabas ang mga taong malapit sa puso ko.

“Gab, anong nangyayri? “takang tanong ko. At tinitignan ang mga tao sa paligid na akala mo ay may dance number dahil sa formation.

“Irene, alam kong marami na tayong pinagdaanan. Name it. Masaya, malungkot, masakit, masarap         ( sabay kindat na ikinamula ko). After all these years, hindi ako nawalan nang pagasa na makakasama kita. Nakikita ko ang bukas ko na kasama ka.” Saad niya nang bigla siyang lumuhod .

“Irene, will you marry me?” sabay labas ng singsing. Dahil sa sobrang saya ay hindi ko alam kung paano magrereact kung hindi lang sumigaw si Ruby ay hindi ako babalik sa kasalukuyan.

“Gab, you are my everything. Una pa lang ikaw na ang gusto ko, kaht hindi mo ko pinapansin pero sobrang ligaya ko at ngayon ay hindi ka na lang panaginip. Yes, Gab I will marry you.” At pagsambit ko nang mga salita nay un ay bigla na lamang ako kinarga ni Gab at nagpaikot ikot na parang bata. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya. Maya maya ay napansin kong unti unti nang umaalis ang mga tao sa paligid ko. Salamat tanging nasambit ko kay Ruby na kumaway pa. 

Nang binaba ako ni Gab ay bigla kong naalala kung gaano niya ako katagal pinaghintay.

“Teka, nakakainis ka huh..Kanina pa ako naghihintay sayo. Kung sinu sino tuloy ang tumatawag sa akin at nanloloko pa.” tuluy tuloy lang ang litanya ko nang makita ko si Gab na tumatawa lang.

“ Wag mong sabihin…waaahhh. Juan Gabriel, ang lakas nang trip mo.” Inis na sabi ko nang marealize ko na si Gab yung tumatawag.

“At your service Nicole.” Pangasar na sabi niya sabay halik sa noo. 

“Nakakainis ka talaga.” Magwawalk out na sana ako nang bigla akong hinila ni Gab at naout of balance kami.

“Gab, tayo na tayo..Nakakahiya.” bulong ko. Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya sa pwesto naming daig pa namin ang may taping nang Pangako say o.

“You’re blushing and I love it. “at lalo pang nangasar si Gab nang biglang pumikit. May balak dito matulog. At dahil mukhang wala pang balak tumayo si Gab ay dinama ko ang mga yakap niya. Ang sarap sa pakiramdam. Next week ay babalik na kami sa Singapore at muling magchecherish ng mga memories together.

Napakasaya ko dati ay pangarap ko lang siya. Pilit tinatago ang damdamin sa isat isa. pero ngayon magbubuo na kami nang sarili naming pamilya Kahit marami kaming pinagdaanan at gusto nang sumuko, sadyang pinaglapit kami ng tadhana. Salamat. I SO LOVE YOU JUAN GABRIEL…

“you were just a dream that I once knew, never thought I will be right for you. I just cant compare you with anything in this world. Youre all I need to be here forevermore”

*THE BEST REALTIONSHIPS USUALLY BEGINS UNEXPECTEDLY*

*ILL NEVER FORGET THE FIRST TIME I SAW YOU*

*IM SO READY FOR OUR FUTURE TOGETHER*

Maraming salamat po sa lahat nang nagbasa i hope nagenjoy kayo..:)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED) 🎉
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon