**first encounter**
Dahil walang pasok ay nagkaroon ako ng time makapgfriendster (yes, yan muna bago ang facebook at hindi ako gagawa niyan kung hindi pa ako pinilit ni Ruby)
Exciting din kasi katulad ngayon meron na naman akong friend request (mashado ka kasing friendly echos) Lemmeb check...aha..Juan Gabriel Castro. who the ? oh my..si Gab ba to? ok lets check the profile to be sure. at dali dali kong binrowse ang kanyang profile. CONFIRMED!!!! si Gab lang pala. Wait...Si Gab? Ano ba to? paano ba to? Sabay paypay ng kamay sa aking mukha. Teka hindi ako makahinga. Accept ko na ba agad? Inhale....Exhale,,,1...2...3...ACCEPTED.....
at dahil friends na kami pwede na akong maging stalker (haahahhaahha..evil laugh) Nursing pala ang mokong. Ok check ang mg pics...hmmmm...whos this pretty girl? siguro gf nia..baka eto yung sinasabi ni Ruby si Kitkat..Baka nga...sad..sad...Naguumpisa pa lang kami magkaroon ng communication brokenhearted agad. asa ka pa..In your dreams Irene. Hindi ka si Sleeping Beauty kaya magising ka na sa mahabang pagkakatulog mo. HIndi ka si Cinderella kaya hindi fit sayo ang glass slippers at higit sa hindi ka character sa isang fairy tale para sa ending na and they lived happily ever after.
(Search your mind for the questions Of the answers that I seek Close your eyes just imagine Us together walking down the street)
**2nd encounter*
Habang papunta sa may bus terminal ay malalim ang aking iniisip dahil sa aming thesis. Kaya hindi ko napansin ang nakasalubong ko.
Hi Irene. sambit niya
Wala akong paki sayo..bulong ko na hindi man lang tinignan kung sino ang bumati sa akin
Wait lang parang familiar yung boses at nang binalikan ko nang tingin ay malayo na siya. Sakto naman na lumingon si Gab at ngwave. Ano bang ginawa ko? chance na pinakwalan ko pa. Inis na sumakay ako ng bus patungo sa aking paaralan.
**3rd encounter**
Sobrang busy namin sa school dahil sa dami ng projects plus deadline na nang thesis at dahil sa stress napagdesisyunan naming magkaklase na magsleepover sa bahay nila Johanna para makapgrelax. Pagdating dun pwede ba naman na puro aral lang shempre kasabay nito ang kasiyahan para lalong ganahan. Hindi namin alintana na may pasok pa kinabukasan at pasahan ng mga projects. Dahil dito umaga na kami nakauwi at pagdating sa bahay ay naligo lang ako para pumasok na ng school. Nang kukunin ko na ang project namin na gigantic periodic table ay
SInong nakialam ng project ko? sabi ko habang pinipigilan ko ang pagiyak
Ewan ko. sabi ng bunso kung kapatid.
Badtrip. Umalis akong masamang masama ang loob at tuluyan ng tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha.
Nakakainis naman ei. Bakit ngayon pa to nangyari. Bulong ko habang pinupunasan ang mga luha
Ok ka lang ba? sambit ng isang concerned at matapang na citizen
Anong paki- - putol na sabi ko nang makita ko si Gab sa harapan ko at mabilis na sumakay sa dumating na bus
Lalong nakakainis..Bakit siya pa? nakatulog ako sa kakaisip
Papunta ako ng 711 para bumili ng almusal nang makita ko si Irene na umiiyak. Bakit kaya siya umii yak? Gusto ko sanang tanungin pero hindi ko alam kung saan sisimulan. Nung makita ko siyang umiiyak wala akong ibang inisip kundi icomfort sana siya pero ppano? Teka Gab, remember may girlfriend ka.
( ang taray akalain mo meron din naman palang points of view si Gab)
**4th encounter**
10+ notifications..Aba ganito ba ako katagal hindi nagopen ng friendster. Check ko muna yung mga messages. Ano ba yan puro sa tropa? Teka lang sino tong isa na to..Message from Juan Gabriel Castro..message galing kay Gab?
BINABASA MO ANG
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED)
Novela Juvenilito ay tungkol kay Irene na may first love na despite everything na nangyari sa buhay nia from elementary up to now still she longs for this guy.siya updated din sa lahat ng nangyayari sa guy...Pero she keeps on denying her real feelings. pagasa rin...