the forbidden love

42 0 0
                                    

GAB POV

Dumating si Ruby galing Singapore kaya nagkaroon ng party ang aming angkan, shempre kelangan kong pumunta dahil required ang lahat. Higit pa dito, alam kung makikita ko si Irene. Uu mahal ko pa rin siya despite sa insidente na nagyari a long time ago at kami pa rin ni Kitkat. Mas excited nga si Kitkat sa akin kasi mamemeet niya ang buong family, hay if she only knew.

Pagdating sa party ay hinanap ko agad si Ruby dahil alam kung kasama niya si Irene. Nakakainis sino ba yang kasama niyang lalaki, di hamak naman na mas gwapo ako. Nang tumayo si Irene ay sinundan ko agad siya upang subukang makausap. 

*flashback*

"OK ka lang?"

Sino namang epal to...pls...wag ngaun..relax ka lang Irene..

"Baka mabangga ka niyan..."

"Ano bang--- " putol Kong sabi nang makita ko kung kaninong boses ang kanina pang nangaasar.

"Hi Irene. Nice to see you.." sabay abot nang kamay.

"ahm hello...sige huh Una na ako.." madaling sabi ko..

"wait lang.." sabay hawak Sa braso ko " magusap naman tayo" 

" wala naman tayong dapat pagusapan. baka makita pa tayo ng gf mo..ayoko ng gulo Gab" at patakbo akong bumalik kanila Ruby.

"teka lang Irene."

*end of flashback*

Gusto ko sana siyang habulin ngunit biglang dumating si Kitkat. Pagbalik namin ng table ay kitang kita ko kung paano maglambingan si Irene at ang pangit niyang kasama. Sa sobrang inis ay niyaya ko na si Kitkat na umuwi. Paghatid kay Kitkat ay bumalik sa party dahil hindi ako makakapayag na masolo nang lalaki na yun si Irene at gagawin ko ang lahat para magkausap kaming muli. 

Pagbalik ko ay dun ako nagstay sa table nila Irene at nang  hinawi ng lalki na yun ang buho ni Irene ay gusto kong sapakin ang mukha at tuluyang patulugin. At itong isa naman mukhang enjoy na enjoy..Nakakaasar..teka Gab. para san yan? Remember may Kitkat ka.. Pero nang tumingin sa akin ni Irene hindi ko mapgilan ang sarili ko na makipagtitigan sa kanya. Dun man lang makuha niya ang gusto kong maparating. Dahil dito, inasar na kami nila Ruby at napagdesiyunan na maglaro ng Truth o dare. Eto na naman po kami gagawa ng isang bagay na alam namin na may malaking impact sa aming dalawa ni Irene. 

At nang ako na ang naituro dare ang pinili ko hoping na mabigyan ng chance na makausap si Irene. At hindi nga ako nagkamali dahil sobrang bait ng aking pinsan na si Ruby ay pagsasabayin niya ulit ang Dare namin ni Irene. Ano yun? Magsasama kami sa kwarto for 2 hours. just like the old times. Yesss.. Pagkakataon ko na to. And this time ill make sure na magsasabi na si Irene nang tunay niyang feelings sa akin.

Pagdating sa loob ay hindi na ako nagaksaya nang oras. Kinamusta ko siya and she said shes ok. She asked me and i told her na bumalik lahat ng makita ko siya . Hindi siya naniwala dahil kami pa rin ni Kitkat pero sabi ko "Hindi ibig sabihin na magkasama kayo ay mahal nio ang isat isa.May mga bagay na mahirap ipaliwanag, gaya nang nararamdaman ko sayo." Nilapitan ko siya at tinanong kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Sobrang saya ko nang bigla niyang hinawakan ang mukha ko sabay sabi na mahal niya rin ako mula noon hanggang ngayon. Sa sobrang kasiyahan I kissed her and she kissed back. Nagyakap kami nang mahigpit. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Naupo kami sa gilid ng kama na magkahawak ang kamay at hindi namin namalayan na nakatulog na kami na may ngiti sa labi. 

Nagulat ako nang biglang nagyaya umuwi si Irene pero si Gary ang sinabayan niya. Ano to lokohan? Nagtanong sila Ruby kung ano ang nangyari pero nagmamdali akong habulin si Irene upang maliwanagan. Ang labo kasi, kagabi lang ang saya namin tapos ganito na naman ulit. Pinaglalaruan niya ba ako? Hindi ko na sila naabutan kaya minabuti ko na itext siya upang magkita kami at iexplain sa akin ang mga nangyayari. at first she refused but i will not accept no for an answer. Excited na kinakabahan ako sa aming pagkikita. Kitkat Im sorry kakausapin din kita pero kailangan ko munang ayusin ito.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon