DEJAVU

90 1 0
                                    

Many years passed and Im thankful sa mga blessings na dumating sa buhay ko. May kasabihan nga hindi ka man swerte sa love life atleast sa career. Tama!! after that chapter nang buhay ko I should try moving on. Alam kong mahirap pero dapat kayanin. At kahit paano naman I survived na hindi hanapin si Gab.. Presently, Im working sa Singapore kasama ang aking bff na si Ruby. Yes. After learning the incident between me and Gab, Ruby convinced me to work with her. Para mas mapadali ang aking paglimot sa mga masasakit na nakaraan. Masaya naman ako pero may mga panahon pa rin na sumasagi sa isip ko what if ipinagpatuloy pa rin namin ni Gab yung relasyon namin despite sa condition ni Kitkat. Anyways, past is past. Masaya na sila at dapat maging masaya rin ako lalo nat hindi ako nakasira nang isang pamilya.Mas handa na ako sigurong harapin sila katuald ngayong darating na November, uuwi kami ng Pilipinas dahil ikakasal na si Elena, Ang bilis talaga ng panahon at ibang level na talaga. Sobrang natutuwa kami although hindi namin ineexpect.

Dahil rest day from work, nagdecide akong magiikot ikot muna para makahanap na rin nang gift for Elena. Nakakatuwa kasi ang tagal ko na sa Singapore pero hindi pa ako masahdong nakapamasyal. Kaya ngayon sasagarin ko na akala mo ay isang turista. Sa sobrang pagkaaliw ko sa pagsisightseeing ko ay hindi ko napansin na may makakasalubong pala ako...

" Im so sorry." sabi habang pinupulot ang mga nahulog na gamit

" Its ok. Hindi ko rin kasi tinitignan yung dinadaaanan ko." sagot ng lalaki na aking nabangga. Parang familiar sa akin yung boses. Irene stop it. Hindi maari na andito si...

" Gab? oh..hello..Pa-pasensya ka na huh. Hindi ko sinasadya." sabay abot nang mga gamit na nahulog. Weird parang double meaning yung paghinggi ko nang sorry.

" Hi. Its ok. Sige I have to go." sabi ni Gab na wala man lang emosyon. 

Naiwan akong nakatulala habang nakatingin sa direction kung saan tumungo si Gab. Akalain mo naman ang pagkakataon, After all these years, ngayon pa at dito pa. Pero bakit ganun parang wala lang sa kanya nung nagkita. Sabagay what do i expect ba? Magtatalon siya sa saya. Irene baka nakalimutan mo itinaboy mo siya palayo kaya please lang wag mo na ulit paasahin ang sarili mo. Anong feeling mo sinundan ka niya dito para suyuin? In your dreams. Pero sana nga...I decided na umuwi na lang dahil alam ko na hindi ko na maeenjoy ang pamamasyal after that incident. ANo kaya ang ginagawa niya dito?

" Paano? Bakit? Ano?" bulong na sabi ko na litong lito pa rin.

" Irene, ok ka lang?" tanong ni Ruby.

" Huh? ok lang. " pagsisinungaling ko. Gustong gusto kong sabihin kay Ruby pero parang may pumipigil sa akin.

" Are you sure? kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Tapos kinakausap mo pa sarili mo." tanong ni Ruby.

"Ruby, I thought im over him." sabi ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"What do you mean? Is this about Gab? Its been years and ang sabi mo masaya ka na and vice versa. Why the sudden change?" litong tanong ni Ruby.

" Nagkita kami ni Gab kanina. At wala man lang ako nakitang lungkot sa mata niya. Bakit ganun ito ang gusto ko pero ang sakit nang makita ko siyang masaya."

"OMG. andito si Gab? So anong nagyari? anong napagusapan niyo? kasama niya ba si Kitkat? sunod sunod na tanong ni Ruby.

Tumingin ako kay Ruby at umiling. Niyakap ako ni Ruby na alam ko na naintindihan niya na ang ibig kong sabihin. Iyak ako nang iyak hanggang nakatulog na ako nang hindi ko namalayan. 

"Masaya ka na Irene. Ito naman ang gusto mo diba? Sana man lang inalam mo muna ang lahat. Hindi mo man lang ako hinayaan magpaliwanag. Bakit Irene? Ganun lang ba sayo ang pagmamahal ko? o sadyang gusto mo lang akong sinasaktan at niloloko. " galit na galit na sabi nang lalaki na hindi ko makita ang mukha.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon