denial queen

86 1 0
                                    

KRRRRRRRRR......KRRRRRRR

Uu gising na ako....Pupungas na bulong

hay..first day high..ano kaya ang naghihintay sa amin...

Pagdating ko sa eskwelahan ay nagaassemble na ang mga estudyante sa gym para sa flag ceremony. Munitkan pang malate (knowing na walking distance lang ang bahay namin). Maingay ang buong kapaligiran dahil sa pagkukwentuhan ng mga estudyante. HIndi naging mahirap ang first day dahil ang mga kaklase ko ay classmate ko na since elementary (kaya nga may loyalty award).

Good morning everyone and welcome back....aniya ng principal namin.  im so glad na makakita ng mga new faces at shempre ang ating mga old students. We will start our flag ceremony and afterwards kindly proceed to your respective classrooms.

ang mamatay ng dahil sayo...sabay sabay na kanta ng mga students at teachers

Pagtapos ng flag ceremony ay dumirecho na kami sa classroom as usual magkaklase kami nila Ruby at Elena. Marami kaming bagong classmates at teachers. at kahit na halos magkakakilala na kami ay kelangan pa rin iiintroduce ang sarili for the sake of the new students. At isa isa kaming nagpakilala..

Good morning classmates, no need to introduce myself . ako ang pinakgwapo sa klase na to...at nagtawanan ang buong klase. Yan si Red according to him siya ang pinakagwapo in fairness gwapo naman siya..

Tumahimik ang lahat nang magsimula nang magpakilala ang mga bagong students.

good morning everyone. Ako nga pala si Joana. I hope we could be friends. si Joana ay short hair, matangkad at maputing babae. Mahiyain pero mukhang matalino.

Hi everyone Im Marlyn. I hope ill enjoy my stay here. Thanks...Mukhang mataray ang isang ito.

 Naging maayos naman ang first walang mashadong adjustments kasi halos naging kaklase mo na rin ang lahat. Pagdating ng uwian as usual same routine magkasabay pa rin kami ni Ruby. Habang papunta kanila Ruby hindi maalis sa isip ko si Gab. Galit pa ba siya sa akin? Pwede na ba kami maging friends? Hay, ang babaw ko talaga its been a year since mangyari yun and its a been year nang nakita ko siya. Handa ko na ba siyang harapin?Ano ka ba Irene ang tagal na kaya nun at saka mga bata pa kayo..Grow up...

Bahala na nga.....bulong ko

anong sabi mo? si Ruby..ok ka lang ba?

UU naman..Tara bilisan mo..at iniisip pa rin kung ano ang gagawin ko pag nakita ko siya...ngingitian? hahalikan? yayakapin? at napangiti ako sa aking iniisip.

Pagdating sa bahay nila Ruby ay tinawag kami ni Ate letlet (pinsan nila) uoang pumunta sa kanilang bahay upang magpatulong. Ako ay napasinghap at hindi mapakali. Bakit? sa bahay nila ate Letlet kami pupunta...ano naman ngaun? helloooooo..bahay rin yun nila Gab...OO nga noh..naku hindi ako pupunta ako dun..Hindi..Never...

Good afternoon po Tita. bati ko sa Mama ni Gab

Good afternoon. Ang tagal mong hindi nakabisita..Mama ni Gab

OO sige na nga..andito ako ngaun sa bahay nila upang magisa sa sariling mantika. Malaking pasalamat ko at wala ang mokong..

Habang masaya kaming ngkukwentuhan sa kwarto ay bigla itong bumukas at

Ano bang...? putol na sabi ni Gab

Bakit anong problema mo? pasigaw na sabi ni ate Letlet

Wala. Kukuha lang ako ng damit. ..at padabog na isinarado ang pinto 

Natulala ako..bakit ganito ang pakiramdam ko?hindi ako makagalaw? nanginginig ang mga tuhod? para akong baliw..Irene umayos ka please....compose yourself....

Hoy Irene!! lagi ka na lang ganyan huh... sigaw ni Ruby

Huh? Wala...May naisip lang ako...sabi ko

Weeehh...ndie nga...singit ni Ate Letlet... Siguro crush mo si Gab noh..uyyyyy....

Hindi noh...Siguro noon pero ngayon hindi na...sagot ko

Talga? wait may ibibigay ako sayo....masayang sabi ni Ate Letlet

Excited na inaboy sa akin ni Ate Letlet ang isang jersey na kulay pula at brown na panyo. Tinignan ko ang jersey at parang familiar sa akin ang isang ito. nang tignan ko sa likod ay nakita ko ang number 20 at pangalan na Nicole. Napangiti ako at napailing. Muli na naman bumalik sa aking alaala ang nagawa ko kay Gab.. Sorry talga...Hindi mo ba talga ako pwedeng patawarin?

Hindi pala crush...Sabay na sabi ni ATe Letlet at Ruby at biglang nagtawanan..

Masayang masaya akong umuwi dala dala ang mga gamit ni Gab. Crush mo si Gab noh? paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi nni Ate Letlet. Ako may crush kay Gab? kay Gab? No way....(sabay iling ng ulo ko)

Ok ka lang mars, bati ng tropa ko

uu mars, Sge una na ako..Pagmamadaling sabi ko ..Mukhang dumadalas ang pangyayari na kinakausap ko ang sarili ko. Mukhang masama na to at kelangan nang itigil baka lumala pa ako.

Masayang masaya kaming naglalakad habang magkahawak ng kamay. Nang dumating kami sa malaking puno.

Mahal na mahal kita Irene....pero kelangan ko nang umalis.. sambit nang lalaki 

Mahal na mahal din kita....wag mo kong iwan... aniya ko sabay angat ng mukha ko upang makita ang mukha ng lalaki na kasama ko

Gab...Gab?

KRRRRR...KRRRRRR

Gab.....sigaw ko. napabangon ako sa aking higaan.Si Gab? Bakit ko siya napanginipan? at bakit ganun ang pinagusapan namin? hanggang sa pagtulog ba naman. Ano ba kasi talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Bakit ba ako apektado kapag may kasama siyang iba? Bakit hindi ako makahinga at makagalaw kapag nasa palilgid ko siya? bakit nanginginig ang mga tuhod ko pag nakakasalubong ko siya? BAKIIIIIT????? Paghanga ba to o Pagmamahal? Hindi pwede..hindi dapat... 

- Ang pagibig ay parang UTOT, kahit anong gawin ay napakahirap itago at pag binuga mo ang kimkim na damdamin  ay maamoy ng lahat kahit hindi ka man umaamin....

Ano ba ang dapat? tunghayan kung kelan aaminin ni Irene ang tunay niyang nararamdaman para kay Gab.. 

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon