art of letting go

44 0 0
                                    

Each moment we're together is full of happiness and love. every time na magkasama kami ayoko nang matapos ang araw. kahit kami lang ni Gab ang nakakaalam ng mundo namin ay sobrang saya ang aking nadarama pero bakit parang may kulang...may pagkakataon na pag magisa ako napapaisip ako, tama ba tong pinasok ko?handa ba akong harapin ang mga tao sa paligid ko ? si Kitkat? ang mga bff ko? hayyyyy...Nasa ganito akong pagiisip nang biglang ngring ang phone ko. At nang tinignan ko kung sino number lang ang nagappear sa screen.

"hello. sino to?" tanong ko

" Irene si kitkat to." sagot sa kabilang linya.

" kitkat? " oh my iniisip ko pa lang siya kanina tapos ngaun eto tumawag..anong gagawin ko? ahmmm...Irene relax...composed yourself.

"Irene, si kitkat to gf ni Gab" diin na sabi niya

"oh hi kitkat napatawag ka?" sabi ko.

" Irene, alam mo naman kung bakit ako tumawag..Si Gab...please..wag mo siyang kunin sa akin.Mahal na mahal ko siya.Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya." umiiyak na sabi ni Kitkat sa kabilang linya.

Hinayaan ko lang siyang magsalita.Dahil alam ko naman na kasalanan ko at ako ang nanggulo ng relasyon nila. Matagal kaming nagusap ni Kitkat at sa mga narinig ko sa kanya nabuo ang isang desisyon na kelangan kong panindigan. Tinawagan ko Si Gab para makipagkita at isakatuparan ang dapat gawin. Pagdating ko sa aming tagpuan ay nakita ko kaagad si Gab. Kaya ko na ba talaga siyang ilet go at mawala sa buhay ko? Alam kong hindi madali pero eto ang tama at nararapat. Nang palapit na ako kay Gab ay pinunasan ko ang aking mga luha. kelan ko maging matatag para sa aming lahat. This is it Irene.

Hi Gab. “ bati ko.

"Hello Laluvs..” sweet na sabi ni Gab sabay halik sa pisngi.

Hinayaan ko lang si Gab na magkwento sa mga plano niya pagkagraduate niya sa ikalawa niyang kurso ang Marine Engineering. Masayang Masaya siya at nakakatuwa dahil kasama pala ako sa mga plano niya. Pero teka mukhang nalulunod na ako sa mga pangarap niya para sa amin hindi yun ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa kanya. Irene bumalik ka na sa realidad.Paano ko ba uumpisahan ang mga sasabihin  ko kay Gab kung nakikita ko na punong puno siya nang pangarap? Ako pa ba ang magiging dahilan upang masira ang lahat. Pero kelangan kong paninidigan ang magiging desisyon ko, para sa aming lahat ito.

Pagtapos ng training namin, magaaply agad ako para makasakay ng barko.Usually 1 year ang contract pero ok lang para makaipon. Para sa atin naman yun at alam ko naman na naghihintay ka. Irene, Irene ok ka lang? “ pagaalalang tanong ni Gab.

Huh? Oo..ok lang ako…Im wishing you all the best Gab. Pero sana gawin mo yan para sa sarili mo at pamilya mo. Alam kong magiging proud sila sayo.” Nanginginig na sabi ko.

Irene, ano ba ang nangyayari sayo? Ano ba yang mga sinasabi mo? Kasama ka sa mga bumuo ng pangarap ko. “ nagtatakang tanong ni Gab.

Iniwas ko ang aking tingin kay Gab, dahil ayoko magbago ang desisyon ko.  Huminga ako ng malalim bago magsalita.

Gab, let’s stop this.” Pabulong na sabi ko.

“ Irene? Anong sabi mo?” litong tanong ni Gab

 “Gab, tigilan na natin itong relasyon na ito na sa simula pa lang ay hindi nageexist. Bumalik ka na kay Kitkat mas kelangan ka niya.” Umiiyak na sabi ko

Bumalik? Ano bang kalokohan to Irene? Hindi nakakatawa, please lang tigilan mo na.” seryosong sabi ni Gab.

“ Gab, makinig ka sa akin. Sobrang nagpapasalamat ako at nakilala kita”. Pasimula ko.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon