We experience bad things, so we'll learn to cherish good things.
"Have you eaten already?", Rain asked. Nandito siya ngayon sa room ko at nakatambay, hindi ko naman siya tiningnan dahil busy ako sa pagsusulat sa diary ko.
"Nope, hindi pa ko gutom. Pero don't worry, kakain din ako pag nagutom ako.", I said, assuring him, para hindi na magtanong. Ang kulit eh!
Clark, it's been days and the feeling's still the same. Nahihiya ako sa'yo, dahil paunti-unti na kong nagiging busy. Tell me, is this what you want for me?
"Miss mo na naman 'no?", Erika said. Habang may dalang tray at akmang lalapit sa kama ko. Inilagay naman niya ang pagkain ko sa mini table.
"Ano pa nga ba, tagal nga eh. Hindi na ko makapag hintay.", ani ko at ngumuso pa.
"Oo, may isa nga dyan, hindi rin makapag-hintay eh.", biro nito at tumingin kay Rain. Tumingin naman si Rain sa bintana at pasimpleng umubo. Nakakatawa ang reaksyon niya!
Clark, I like you to meet my friend, he's Rain. Oh, alam kong seloso ka, pero magkaibigan lang talaga kami. Promise!
"So, how's my friend doing?", muling ani ni Erika. I just gave her a soft smile and shrugged my shoulders.
"I'm gonna say I'm fine as long as I handle it.", I said and smiled warmer.
"Okay lang yan, ako nga----", anas ni Rain ngunit pinutol siya ni Erika.
"Stop it, that's not gonna help her. Hindi mo dapat ikumpara ang sarili mo. Alam kong lahat tayo may pinag-dadaanan. Pero hindi porket kinaya mo, kakayanin din ng lahat. Be sensitive.", ani Erika at umirap pa.
Ewan ko ba sa kanya. Natatawa na lang ako. Hindi naman kumibo si Rain, nahihiya siguro.
Buti na lang nandito silang dalawa. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. It's like the world's getting the best people I had, but still gives me the best people even if I don't deserve them.
Pero natatakot ako. I felt saying sorry when I'm happy because I know that the world doesn't want me to deserve happiness. Hindi ko alam if tama ba ang maging masaya, kasi hindi dapat ako masaya. I'm a big joke.
"I'm sorry. Just please let me stay with you. I won't leave you. I promise.", Rain said and held my face. Napatingin naman ako sa kanya at binigyan siya ng mapait na ngiti bago ako magsalita.
"You will. All people do. I know you're gonna turn my back on me. I just don't know when.", ani ko. Napakunot naman ng noo si Rain.
"Clark already said that, but he left me. Hindi mo man intensyon na talikuran ako, pero pipilitin ka ng mundo na talikuran ako. Sa ayaw o sa gusto natin, para lang tayong singaw sa lupa. Sa sandaling panahon, lilitaw. Pero pag dating ng oras, biglang mapapawi.", dagdag ko pa.
"I'm sorry. I don't understand.", Rain said habang nakakunot pa rin ang noo.
"It's alright. I love you and your anxiety. And I will not get tired of your apologies even if I don't understand it either.", I said at hinawakan ang kamay niya na nasa mukha ko.
"Sandali baka langgamin ako dito ha!", ani Erika at natawa pa. Napailing na lang ako sa kanya habang natatawa pa.
"Marunong ka naman pala magmahal.", biro ni Rain. Ngumiti lang ako sa kanya at napailing.
"Oo naman! People have the ability to love. And if you have the ability, love yourself first. Mas importante ang mental health mo 'no! Haha.", dagdag na biro ni Erika. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan, ang lalim ng pinaghuhugutan eh.
I'm praying for better days. Outputs doesn't matter to me now. I just trust the whole damn process. And if something costs more than my mental health, then it's too expensive for me.
"Ikaw friend, kumusta na kayo ni boyfriend mong snobber?", biro ko kay Erika. Huminga lang siya ng malalim at umiling bago umirap.
"Nag-away na naman kami kagabi. Bakit daw ang tahimik ko. Nag-video call kasi kami, eh alam mo naman, physically tired and mentally drained si ate girl. Tsaka kahit naman mag-open up ako, tatawanan lang ako non. Sabihin, nahahawa lang ako sa inyo, umalis na raw ako dito.", ani nito.
"Find someone who asks why you're quiet, not someone who gets mad when you're acting different.", payo ni Rain. I can't imagine that I'll agree with him this time.
"Ewan, ayaw ko pa muna na hiwalayan siya, parang feeling ko kailangan ko muna gumanti sa lahat ng sakit. Feeling ko sa paraan na yun, magiging masaya ako.", tugon naman ni Erika.
"Standing alone is better than standing with someone who doesn't value you. Iwan mo na lang siya, don't let his toxicness eat you up. Also, don't do revenge. Just delete him in your life.", I said. Ramdam ko ang hirap at pagod sa mata ni Erika, ngunit alam kong hindi niya ito pinapansin dahil mahal na mahal niya si Benzar.
Clark, when was the last time we fight? Parang ayaw ko na alalahanin pa. Dahil na-realize kong hindi mo deserve na awayin ko. You're more important than my random mood swings. I'm sorry.
Kung hindi ba tayo nag-away? Will you still be here? I'm sorry. Pakiramdam ko napaka-walang kwenta ko.
Seeing my boyfriend died with depression made me feel nonsense.
Ano kayang feeling ng mga taong lagi mong kinakausap at hindi nila alam na depressed ka pero one day, bigla ka na lang nawala na parang bula?
Now I know. I felt empty, but heavy. Hindi ko maipaliwanag, but I do know that this isn't right.
"Gusto kong umiyak para mahirapan akong huminga. Napapagod na rin kasi ako huminga.", ani ni Erika habang nanggigilid ang mga luha nito. Tumayo naman ako para yakapin siya.
"Go on, you can cry. Aaralin kong mag-CPR para mas matagal kitang makasama, pero don't worry. Cry all you want.", ani ko at niyakap siya ng mas mahigpit.
"I like long hugs, but now I don't. Cause I might end up crying if you continued hugging me now.", she said and fake a laugh. I still hugged her tightly. I don't care. I want her to cry every pain inside.
"Hayaan mo, isang araw, may taong palagi kang pipiliin kahit hindi mo siya pilitin. But for now, pagtiisan mo na lang kami.", ani Rain at ngumiti ng kaunti.
"I'm so thankful for you guys. You made every little bit of me feel special. You guys even supported me even in the smallest things.", Erika said at lalong hinigpitan ang yakap sakin.
Dear heart, I'm sorry for all the pain, I've been hard on you. Sana mapatawad mo ko. I'll try to be better. Promise.
If parallel universe was true, I hope my other self is still happy.
Nagising ako sa matinding liwanag na nanggagaling sa bintana. Palubog na pala ang araw, nagugutom na ako.
Napatingin naman ako sa gawing kanan at nakita kong nakangiti ng matamis si Rain habang nakahawak sa kamay ko.
"Lalo mo kong pinahanga, noong pinakita mo sa'kin ang mundo mo. Maraming salamat.", ani niya.
Nginitian ko lamang siya ng matamis. Ang ganda ng gising ko. "Oo naman, ikaw pa ba? Hindi ka naman mahirap mahalin eh.", tugon ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
If parallel universe was true, would I still met you? Natatakot ako. Alam kong sakit ang kasunod ng sayang ito.
BINABASA MO ANG
Post Scripts
ChickLitHow can you tell your ex that you're depressed when he already died of the same case? How can a psychologist be mentally unstable even though he/she supposed to cure one? Leanne always dreamed to get out of the asylum. Yes, she has cancer, and she h...