It's okay to cry when there's too much in your mind, the clouds rain too when things get heavy.
"Learn to be done with people, Erika. Not mad, not bothered. Just done.", Samantha said. May point siya. And I really think I needed to let him go.
It's been three months after Benzar and I broke. Tinago ko sa kanya ang anak ko, kinausap ko si Dr. Mendez na palabasing hindi na nabuhay ang anak namin dahil sa stress at nagpanggap na inoperahan ako upang alisin ang bata.
Malaki na rin ang tiyan ko, ngunit may kinakaharap akong panibagong problema.
"We need to make a heart transplant. As soon as possible.", ani doc Mendez. Oo, hindi ko rin alam kung ano ba ang na-diagnose nila sa akin.
Hindi ko na maalala. Masyado na akong nanghihina para mag-isip pa. I'm dying. That's all. But I don't want my baby to die. Sayang ang lahat ng pagtatago at pagtitiis ko kung hindi niya makikita ang mundong ito. Pero sabagay, wala namang masaya dito.
Nasusuka ako sa sobrang lungkot. Ganito ba talaga?
I admit that I still love Benzar. But he's making my mental health worst. He doesn't deserve me. He should be helping me fight my battles.
"Learn to let go Erika. Minsan, ang mga bagay na nakakasira ng puso natin, ang siyang nakakaayos ng paningin natin. Kaunting tiis na lang.", ani Samantha.
"Ikaw ba? Ano bang pangarap mo?", bigla kong naitanong kay Samantha at nakakunot lamang ang mga noo nito sa akin.
Huminga siya ng malalim. "Gusto ko lang na maramdaman kong appreciated ako, at hindi ako mukhang tanga sa mga taong mahal ko.", ani nito at tumawa.
"Ang talino mo nga eh. Ang tapang mo. Hanga ako dahil hindi mo ko pinabayaan. Kahit hindi mo ko nakikita, hindi mo ko iniwan at minahal mo ako ng buo.", ani ko at nginitian siya.
Nakangiti lang rin siya at nagpipigil ng luha. "Oo naman, hindi naman kailangan ng mata para magmahal. Sapat na ang nararamdaman ng puso, para sa isang tunay na kaibigan.", ani nito.
Nginitian ko lamang siya bago ako antukin. Nahihirapan ako huminga, hindi ko maintindihan kaya't ipinikit ko na lamang ang mga mata ko upang makapagpahinga.
Erika, I always dream of you.
You're too good to be true.Hinding hindi kita makakalimutan. You're one of a kind. Palagi ko sinasabing sa'yo ang buong future ko. Pero nagkamali ako, hindi pala ako ang makakasama mo sa future mo.
Araw-araw kitang iniisip, maniwala ka man o hindi. Minu-minuto kang sumasagi sa isip ko. Pero hindi ko alam, na nasasaktan na pala kita, sa sobrang insensitive ko.
Siguro nga dapat nagpa-psychological test na ako dati pa lang. Maaagapan pa sana ako. Hindi ako magiging halimaw na katatakutan mo. Nagsisisi ako ng sobra. Walang oras siguro na hindi ako magsisisi.
Erika, bawi tayo next life?
Nakahanda ka bang maging sa akin ulit? Hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong sabihin. Pero tandaan mong mahal na mahal kita.
Palagi kong hinihiling sa Dios na maging masaya tayong dalawa. Kung hindi man, kahit ikaw na lang.
I'm so selfish. Palaging ako ang iniingatan ko. Hindi ko alam na nasisira na pala kita. Na inuubos ko na ang mundo mo. Sinisira ko na ang mga pangarap mo.
Alagaan mo ang anak natin. Pangalanan mo siyang Czarina ha? Babae raw sabi ni Doc Mendez. Akala ko may Bennyboy na ako. Hahaha. Mahal na mahal ko kayong mag-ina ko.
Salamat dahil buong buo mong ibinigay ang puso mo, at ngayon naman, buong buo kong ibibigay ang puso ko sa'yo. Ito na ang tamang oras para ituwid ang lahat ng pagkakamali ko.
Nagtagumpay tayo Erika, napagtagumpayan natin ang takot at pangamba na magkalayo ang isa't isa. Dahil pinanghahawakan kong hinding hindi na tayo magkakalayo pa. Dahil nasa iyo ang puso ko.
Alagaan mo ang puso ko, Erika. Alagaan mo ko. Mahal na mahal kita. Sobra.
Ito na ang huling hiling ko. Ito na ang huling habilin ng puso ko.
Kung totoo man ang parallel universe, sana masaya tayo doon.
Kung totoo man ang afterlife, hihintayin kita doon.
Remember when I spilled coffee on your recorder? Akala ko magagalit ka. But you didn't.
Remember when I dented your new eyeglasses? Akala ko papabayaran mo sakin. But you didn't.
Remember when I invited you at the aviation party at hindi ko nasabing dapat formal attire kaya nagpunta kang naka-jeans? Akala ko iiwan mo ko. But you didn't.
Remember when I made you jealous by flirting with other girls? Akala ko makikipaghiwalay ka. But you didn't.
Yes, there are so many things that you didn't do. But you continued caring, loving, and protecting me.
There were lots and lots of things that I wanted to make up with you. But let's resolve this in the afterlife, shall we?
This is your captain, Benzar. Signing off. I'll be heading now and soar in the sky. I'll wait for you, Erika.
I turned off the recorder as it ended and looked at Samantha habang nilalaro si Czarina sa crib.
"Umiiyak ka ba Erika?", ani nito at natatawa pa.
"Hindi ah. Iyak ka dyan.", pagtanggi ko.
Sayang anak, hindi mo nakita si papa. Hindi mo nakita si lola, pati si tita Leanne. Pero wag kang mag-alala, pagsasawaan mo sila dahil palagi ko silang ikekwento sa'yo.
"Erika, hindi na ko bulag. Hindi mo na ko maloloko pa. I can see you."
Benzar donated his eyes to Samantha, at the same time when he donated his heart to me.
"Me too. I can see you."
I can see you in her eyes.
BINABASA MO ANG
Post Scripts
ChickLitHow can you tell your ex that you're depressed when he already died of the same case? How can a psychologist be mentally unstable even though he/she supposed to cure one? Leanne always dreamed to get out of the asylum. Yes, she has cancer, and she h...