Isn't it scary knowing that anytime could be the last time you see and talk to someone?
I was 14 when I was diagnosed with cancer. Ikaw ang palagi kong kasama. You were my safe place, my backbone, my seatbelt.
You were 15 that time when we met at hell. I was having a lot of chemo sessions, and there you are at the other side of the room, cheering me while also having the same therapy.
I was 17 when you confessed. You were 18 when you finally get my yes. I was 18 when you kiss me. You were 19 when you proposed to me. Nakakatawa, dahil nagawa na'tin ang lahat ng 'yon kahit hindi tayo normal. Siguro dahil mahal na mahal at baliw na baliw tayo sa isa't isa. At dahil don, mas higit pa sa normal ang nadama ko. Hiniling ko na, kung ganito pala ang pakiramdam ng maging hindi normal, mas pipiliin kong wag nang magpagamot pa.
You were there on my 19th birthday. Your smile went brighter, your dimples went deeper, and your eyes went sparkling as if they were the only lights on the room. You were there on my 19th birthday. Helping me unwrap my gifts, lift up my hope, and accept my flaws.
You were there on my 20th birthday. You gave me the best gift that I have ever imagined. A cute little pomsky, barking how much he's happy. That brighter smile went the brightest, that deeper dimples went deepest, that sparkling eyes never went out. It gave you so much joy, as if it's our baby. I was happy that time. I was extremely happy. Hindi ko alam kung bakit kahit ikaw ang nagregalo, parang ikaw ang nakatanggap sa sobrang tuwa mo. Nakakatawang balikan ang alaalang ito.
Time passed and we're both 21, we fought a lot. We drank, we smoke, we felt normal. But I thought we're happy. You said we should make hardcore decisions, we committed many mistakes, we fell in love, change our decisions, and pretend that we're happy.
My 22nd birthday came, but your 22nd didn't. I was smiling from ear to ear, carrying that little jar with a heavy heart. Labis na katapangan ang kinakailangan para mapalaya ka, at aminado akong hindi malakas ang loob ko upang gawin ito. It sent me back to hell. It sent me back to the assylum.
Now's my 24th birthday, at napapanaginipan pa rin kita. Na parang pinapaalam mo sa'king nasa mabuting kalagayan ka na. I told this to my doctor, she said that she's proud of my progress, well I'm proud of myself too.
Now's my 24th birthday, but you're still on your 21st. I miss you, I miss you. I miss myself too. Ganito pala ang pakiramdam, pakiramdam ng pangungulila sa'yo, maging sa dating ako.
"Ma, why do you keep holding on? Hindi ka po ba napapagod sa'kin?", bullshits came. I was having this absurd feeling that one day, I'm so tired of being me. And I'm so tired of my mother for being my mother. She doesn't deserve this pain. Napaka-walang kwenta ko.
"Anak, pagod na pagod na si mama. Gustong-gusto ko na umalis. Sukong-suko na yung katawang lupa ko. Iniisip ko nga minsan, what if umuna na ko sa'yo? I'm not a good mother, alam kong ang dami dami kong maling desisyon.", napakawalang kwenta kong anak. Nagpunas naman siya ng luha at napapikit. Diretso lamang ang aking tingin sa labas ng bintana. Tila binibilang ang mga sasakyang dumadaan para hindi lumabas ang mga luha sa aking mata.
"Gusto ko na sumuko sa buhay ko. Pero natatakot ako. Hindi ko kasi alam kung anong pakiramdam na mamatay. Natatakot ako dahil baka burahin ng Diyos ang lahat ng alaala ko. Natatakot ako dahil baka hindi ko na maalala kung ano ba ang pakiramdam na magmahal. Kung ano ba ang pakiramdam na maging isang ina. Dahil sa malas kong tao, nagpapasalamat ako dahil dumating ka, ikaw lang ang swerteng dumating sa buhay ko.", dagdag pa nito.
"Oo, pagod na pagod ako nak. Pero iniisip ko, mas pagod ka. Mas pagod yung baby girl ko. At iniisip ko, na kung mamamatay ako, pano ka? Dahil umaasa pa rin akong gagaling ka. Saan ka uuwi kung wala na ako? Sino na magiging kasama mo sa bahay?"
I smiled weakly while looking at her reflection on the window and replied. Huminga ako ng malalim bago pakawalan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas galing sa mata ko.
"Ma, pagod na din po ako. Pero gusto ko lumaban dahil sa'yo. Alam kong sobrang walang kwenta ng buhay ko pero ayokong maging miserable lang buhay mo nang dahil sa'kin. Pagod na pagod na ko pero ayokong nakikita kang mag-isa.", I've always been a headache to my mom, at sobrang pinagsisisihan ko na. Bakit kaya ganun? Kung kailan gusto na na'tin magsisi, kung kailan narerealize natin lahat ng mali na ginagawa na'tin sa magulang natin, dun pa biglang dumarating sa punto na huli na pala ang lahat.
Nagsisisi ako. Dahil hindi ko alam kung pano yayakapin ang nanay ko habang tulog. Nauunahan ako ng iyak. Nauunahan ako ng hiya. Alam kong hindi dapat ikahiya pero hindi ko alam kung bakit napipigilan ako ng hiyang ito upang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Tulad ngayon, gusto ko siyang yakapin. Alam kong pagod na si mama, pero wala man lang akong ibang magawa dahil tila ba lahat ng gawin ko ay makasasama sa kanya. Pakiramdam ko ako ang lason na pumapatay sa kanya, at hiyang hiya ako sa kanya dahil hindi ako karapat-dapat na maging anak niya.
Patuloy lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Gusto kong magmukhang wala akong pakialam sa sinasabi niya dahil mas nakakapaglabas siya ng damdamin kapag hindi niya nakukuha ang atensyon ko.
Kung sakaling mamatay ako, sana siya pa rin ang maging mama ko. Hinding hindi ko pagsisisihan ang mga yakap na binigay niya sa'kin kahit na masaya man ako o malungkot.
"Natatakot din ako na mamatay. Dahil baka makalimot ako. Baka makalimutan ko kung ano bang pakiramdam na magmahal. Na ano bang pakiramdam na maging mabuting anak sa magulang. Sa sobrang swerte ng buhay ko, jackpot na jackpot dahil sa'yo. Ma pagod lang tayo, magpahinga lang tayo. Pero wag na wag tayong susuko.", patuloy ko.
Nakaramdam ako ng takot. Nakaramdam ako ng takot kasi hindi ko naibigay ang pagmamahal na deserve ng magulang ko. Natatakot ako mamatay kasi baka pag dumating ang kabilang buhay, baka hindi na sila ibigay ng Diyos sa akin dahil hindi ko naibigay ang pagmamahal na dapat nilang madama.
"Don't worry about our house ma. You're my home. Wala kong ibang uuwian kundi ang nanay kong lucky charm ng buhay ko. Sa totoo lang ma, gusto kong magpatuloy. Pero bakit ma? Bakit ba kailangan ko pa magpatuloy? This is me. At my worst. I'm just a failure. At baka lalo ko pang masira ang buhay mo, ang buhay ng iba, dahil sa pagiging pabigat ko. This is me, a failure. Ma, are you able to love a failure?"
There's this certain point of my life where I wanted to stop breathing. A point where I would just be gone in a blink of an eye. A point where I wanted to start over again. Please, reset my life. I've been so miserable because of this disease. I've been unfair to those who loved me, who the hell am I to be loved anyway?
Okay naman kami ni mama. Hindi kami close, hindi rin kami naging open sa isa't isa. But then she gave up. I didn't felt enough. I wasn't satisfied with my comforting words. I'm a dirt.
"Time of death, 22:05"
Paano ba yakapin ang isang taong wala na? Bigla akong nakaramdam ng bigat. Isang matagal na bigat. Sa wakas! Muli kong naramdaman na hindi ako manhid, may pakiramdam pa rin ako. At marunong akong magmahal.
Iniwan din ako ni mama after 2 days.
It sucks when I can't even defend my mom from those demons inside our heads. It sucks when you know that you can do better but you just can't. Kahit ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Unti-unti na akong iniiwan ng mga taong mahal ko. I deserve this. I deserve this pain.How about you? Do you think you deserve pain? Can someone love a failure like us? Is it okay if I stop breathing for a while? It seems relaxing.
BINABASA MO ANG
Post Scripts
ChickLitHow can you tell your ex that you're depressed when he already died of the same case? How can a psychologist be mentally unstable even though he/she supposed to cure one? Leanne always dreamed to get out of the asylum. Yes, she has cancer, and she h...