CHAPTER 7

15 9 0
                                    

Ang luha ang nagsisilbing bibig ng puso kapag ang sakit ay hindi na kayang sabihin pa ng mga labi.



"Time of death, 5:45pm", you're happy now, with the Creator.

It's been a week since Leanne died. A branch has fallen from the family tree. Hindi ko pa alam kung babalik na ba ko sa trabaho, nanghihina pa ko.




"Para kang tanga Erika. Ano bang nangyayari sa'yo? Tigilan mo ko sa lungkot lungkot na yan. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Ayan, kakadikit mo sa mga pasyente mo, nahahawa ka sa kabaliwan nila.", my boyfriend said. Ewan ko, masyado akong manhid para makipag-usap ngayon.


"Wag ngayon please, pagod ako.", ani ko at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Kaunti na lang at ibubuhos ko na 'to sa kanya.

"I can't believe you. That's such a bull! Hindi kita maintindihan eh. Palagi kang nagrereklamo sa akin na hindi kita pinapansin, ngayon namang gusto kitang kausapin, bigla kang nagkakaganyan."


"Stop it. Hindi mo naman ako naiintindihan eh. Kahit ilang pilit kong sabihin, wala kang maiintindihan. Dahil mas pinili mong paniwalaan yang sarili mo kaysa sa sinasabi ko. Bakit, kapag ba sinabi ko sa'yo yung lungkot ko, maiintindihan mo? Mababawasan ba? Hindi naman diba.", I told him. Sobrang nalilito utak ko ngayon, ayaw ko muna magsalita.


"Erika, gamitin mo naman utak mo kahit minsan lang. Bakit ka ba malulungkot? You don't have any rights to be depressed kasi alam kong hindi ako nagkulang sa'yo. You're being overdramatic. Napakawalang kwentang bagay. Palagi mong iniiyakan ang mga pasyente mo, pano naman ako?", huminga siya ng malalim. Mas pinili ko na lang na huwag pakinggan ang mga ito at hinayaan siyang magpatuloy.



"Erika, mga baliw yung mga nandon. Ano bang maituturo sa iyo ng mga 'yon? Mga wala sa tamang isip 'yon. Hindi nga marunong magmahal yung mga nandon eh!", Benzar said. Tinawanan ko naman siya ng malakas.

Nakakunot lang ang ulo niya at patuloy lang ako sa pagtawa.

"Erika umayos ka.", tumingin lang ako sa kanya habang nakangiti ng malaki.


"Alam mo, siguro baliw nga ako. Cause I'm not capable of loving you anymore. Yun naman ang gusto mong patunayan diba? People in the hospital aren't capable of loving because they're mad. And being mad is the opposite of love.", ani ko at bumuga naman ng hinga si Benzar.

"Erika, please. That's not what I'm saying. Ang gusto ko lang, maging open ka sakin. This is your chance now, if I were you, sasabihin ko na lahat. Okay lang yan, naiintindihan ko, ako rin naman may pinag-dadaanan. Nagtataka lang ako sa'yo, di naman ako ganyan.", ani Benzar at tumingin sa relo niya. I hate him.

"Don't worry. You'll be free soon.", I said.

"You're not breaking up with me-"

"I'm not. But my body is.", I said while smiling at him. Hindi ko na alam. "Stage 4 lung cancer. Doctor Mendez already said that I still have three months to live.", I said with bitterness.

Two weeks before Leanne died, we planned to make a scene para makuha ang pansin ni Benzar. Too bad, Leanne's not here anymore. But I still wanted to make our plan happened.



"You won't. I promise. Magpapagamot ka. Please.", he said. As if he really cares. I wanna filter some shits right now. My ears are too narrow for lies.



"Wala rin namang mangyayari, accept it. Your girlfriend, na palagi mong sinasabing baliw, ay mamamatay na. Congratulations! At sana, kahit ito man lang, paniwalaan mo. Masyado na atang pinasukan ng pressure sa ere yung tainga mo at may bumubulong na sa'yo.", I said and let out a chuckle.

"Nababaliw ka na. Wait, are you recording this?", ani nito nang mapansin ang recorder na ipinatong ko sa tabi ng sofa. "Why the hell are you recording this? You'll use it against me? Anong pakulo 'to?", Benzar said and paused the recording.



"It doesn't matter, dahil mas pinakikinggan pa ko ng recorder na ito kaysa ikaw ang makinig sakin.", I resume the recording.



"Pagod na pagod na ko. Pero hindi ko kayang iwan ka kasi kawawa ang magiging anak natin. But now, after what you've done, you clarified me that this child doesn't deserve you. Masyado kang malayong abutin. Nakakahiya naman sa'yo.", I said and released a breath.

"And you didn't even care to tell me that you're pregnant? The hell?!", Benzar said. Akala ko magiging masaya siya, what do I expect.



"Please don't crowd me. Give me space. Gusto ko munang huminga.", I said.


"No you won't. I understand now. Naglilihi ka lang, hindi ka depressed. Sabi ko na nga ba, how can you be depressed kung wala namang dapat ika-depress right? I mean, look at me, your boyfriend is a pilot, you live in a three storey house inside an exclusive townhouse, you have a decent and permanent job, tell me, anong ikakadepress mo?", Benzar asked.

Ewan ko. Ayaw kong magsalita. Mahirap kausapin ang isang taong sarado ang isip. Nakakapagod.

"Believe me Erika, you won't die. I'll give you anything you want. As long as you're safe, so was my child.", Benzar said and held my hand.

Your child? Ang selfish mo naman.

"Benzar, just let me rest okay? I'll be okay soon, not now, but soon.", napapagod na kasi ako makipag-away.

What if yung girlfriend na kaaway mo ngayon, bigla na palang mamatay bukas? Will you feel guilty?

"Okay. Get some rest.", he said and kissed my forehead.

Leanne, kung nandito ka, what will you tell me? Sana masaya mo nang kasama si Clark dyan. I love you.

Wherever's Leanne right now, I hope for her happiness. I knew she deserves to be happy in her life. Hindi man niya naranasan sa mundo, sana sa kabilang buhay naman.

Darating ang oras na kapag pumanik na siya, may sasalubong sa kanya para punasan ang lahat ng mga luha niya.

Sa pagmamahal na pinadama ni Leanne bilang isang kaibigan, nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal na iyon sa puso ko. She's there, seeing me in a faraway reflection.

Cause I believe she's not dead. She's just in a place where she belongs. She's in a country road, leading her home. And when she meets God up there, He'll say "Hallelujah, you're home".











"Girl, sayang ang mata kung magbubulag-bulagan ka lang. I-donate mo na lang kaya sa'kin?", Samantha suggested. She's my friend since high school. She's blind because of an accident, sabi ng mga doctor, pwedeng pwede pa siya makakita. Kailangan lang ng matching donor.

"Sayang talaga ang mata kung ang hinahanap mo lang sa kapwa mo ay ang mga mali niya.", tugon ko at ininom ang soda na nasa mesa. Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil hindi ko na alam kung san pa ko pupunta.

"Girl, payong kaibigan lang. Hiwalayan mo na kaya, he's too toxic for you. He's not worth it with your health. Baka bigla ka na lang bumigay niyan.", she said.

"I don't know. Pano yung anak ko? What if kulangin siya ng pagmamahal? I know that I only live once, that's why ayokong gumawa ng desisyon na pang habang buhay kong pagsisisihan.", ani ko.


"Children don't demand love from their parents. It should've been the parents who willingly supply them with love. At tandaan mong hindi kahinaan o kabawasan ng isang tao kapag wala siyang magulang. Mas nakakahiyang desisyon ang palakihin mo ang anak mo sa toxic na mundo ng magiging ama nito.", makahulugang sabi ni Samantha.

Ewan ko, ayoko munang magsalita ng tapos. Hahayaan ko muna hanggang sa mabuo na ang desisyon ko.

Kapag ba psychologist, walang karapatang maging depressed?

Post ScriptsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon