CHAPTER 8

11 9 0
                                    

Leanne, I'm tired. Can I go and rest with you now?


"Lola, ano pong ulam?", ani ko at tumingin kay lola Trini. Ibang klase talaga ang sarap ng mga luto ni lola. Walang kasing lasa!

"Adobo nak, nandyan sa may lamesa. Tinakpan ko ng platito para hindi langawin. Kumain ka na dyan. Gusto mo ba initin ko muna?", inalalayan niya akong umupo sa upuan. Binigyan ko lang siya ng isang malambing na ngiti at umiling sa kanya. I know she's tired, at ayokong mapagod siya. Masyado na siyang nagpakapagod sa pag-aalaga sa'kin.



Honestly, I've never been close to her. Kahit kailan hindi ako nagsasabi ng mga bagay sa kanya, pero nalalaman niya agad kung may problema ako. Nakaka-guilty sa pakiramdam na mahal na mahal ka ng isang nanay, at hindi mo manlang masuklian ang pagmamahal niya dahil lang sa hiya na nararamdaman mo.

One thing that I've learn from Leanne, it's to cherish all the people who love you. Dahil kadalasan, kung sino pa yung pinaka-nagmamahal sa'yo, sila pa ang pinaka-unang nawawala sa'yo. Hindi ko naranasan ang pakiramdam na maalagaan ng isang lola. Sa totoo lang, minsan naiinis ako dahil may pagka-bingi siya, pero kahit kailan, palagi siyang handang makinig sa akin.


"Mukhang di ka okay ah? May nangyari ba? Kwento mo naman.", nakangiting ani nito habang ipinagsasandok ako ng kanin.


"Sabihin mo lang. Nandito lang si lola ha? Mahina lang pandinig ko, pero lagi akong nakahandang makinig ha? Pagod na pagod ka na naman nak, gusto mo masahe kita? Haha", biro ni lola kaya napangiti na naman ako.

I felt guilty lalo na sa tuwing sinisigawan kita at minsan alam kong nasasaktan na kita dahil napapansin ko ang mga namumuong luha sa gilid ng mata mo. Napakawalang kwenta ko, galit na nga sa'yo si mama, tapos pati ako magagalit pa. Alam kong matanda ka na, at hindi mo deserve na kainisan pa.


Natatakot ako. Kasi nararamdaman ko na namang kulang ako. Natatakot ako, kasi nahihiya akong bumawi sa'yo.


"Alam mo nak, ikaw ang pinakamagandang kayaman na kahit kailan hinding hindi ko masusulit pa. Nararamdaman kong malapit na kong mawala. Pero alam kong nasa puso mo ako. Tama ba?", ani nito at bumawas ng kaunti sa aking adobo.




Hindi ko na napigilan, lumuha na ang kanang mata ko. Nakangiti lang ito at pinunasan ang luha sa aking pisngi.

"Tikman mo na, mawawala pagod mo.", ani nito at tumawa ng bahagya. Sumandok ako ng kapiraso at tinikman ito.


"Ang pangit talaga ng lasa.", ani ko at tinawanan siya. Oo, walang kasing lasa ang luto niya dahil hindi ito masarap. Pero lasap na lasap mo yung pagmamahal na binibigay niya para sa taong kakain nun.

Naalala ko yung mga masasakit na sinasabi ko sa kaniya. Sa mga pagtataray ko.

"Nak, wag ka mapapagod sa lola ha? Mahal na mahal kita.", ani nito at sinandal ang ulo sa balikat ko.

"La naman, kumakain ako eh. Naligo ka na ba? Haha.", biro ko pa rito. Hindi ito nagsalita. Nakapikit lamang ang mga mata nito habang nakangiti.



"Nak, kamukhang-kamukha mo yung nanay ko. Pareho rin kayo na masikreto. Alam mo ba, kahit sinasaktan na siya ng tatay ko, hindi pa rin niya sinasabi sa'min. Nalaman ko na lang nung kinwento sa akin ng kababata ko dahil nakita raw niya.", kwento nito. Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.


"Uminom ka na ba ng gamot la?", tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at nagkibit balikat. Umiling na lang ako at iniabot sa kanya ang 3 klase ng gamot na kailangan niyang inumin.





Habang umiinom siya, napatingin ako sa mga painting na nandito sa kusina. Ang galing talaga ni lola mamili ng paintings. Ang bahay namin ay halos mapuno na ng paintings.



"Ang gaganda ng mga paintings 'no?", sabat ni lolo habang naglalakad papunta rito sa kusina. Nginitian ko lang siya.


"Ang lola mo, she has an eye for paintings.", dagdag nito at lumapit kay lola na nakaupo at hinawakan ito sa balikat. "Pero ang mga mata ko, nasa kanya lang"

"Ganun pala talaga 'no? Kahit hindi mo gusto yung arts, magugustuhan mo nang dahil sa taong mahal mo na mahilig magkolekta ng mga ito.", ani lolo at hinagkan sa pisngi si lola.

"Naaaliw ako sa tuwing tinitingnan ko siya na nakangiti sa harap ng mga painting. Kaya ayun, lahat ng nakikita mo, pinaghirapan ko para lang mapasaya siya. At may mas magpapasaya pa pala sa aming dalawa. Ang pinakamagandang painting, ang mga ngiti mo apo.", ani lolo at niyakap ako.

Huminga na lang ako ng malalim at napatingin sa itaas bago hayaang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko panghihinayangan ang mga luhang ito. Dahil hinding hindi ako magsisisi na iniyakan ko ang mga taong minahal ako ng sobra.














"Tagal na rin pala lolo. It's been seven years.", ani ko habang hinahawakan ang tiyan ko dahil medyo sumasakit ito.


Nakangiti lamang si lolo sa harap ng isang painting na hinding hindi mapapalitan ng anumang halaga.


"Bakit ba ko naluluha? Hindi ko naman kilala yang babae na yan.", lolo said habang nakatitig pa rin sa painting. Hindi niya inaalis ang mga titig na ito.

Naging makakalimutin na si lolo. Ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit mahal na mahal niya ang isang taong hindi na niya gaanong naaalala.


"Mahal na mahal niyo po yung babaeng yan lolo. Paborito niyo pa nga yung adobo niya. Buti na lang, natatandaan ko pa yung recipe niya. Yun nga po ang iniluto ko eh. Tara na.", ani ko at niyaya si lolo sa hapag.


Ang painting na tinititigan niya kanina ay ang painting ni lola habang nagluluto. Mahilig magluto si lola kahit na sabihin naming hindi ito masarap, lalo na ang paborito nitong adobo.

Ang cremation ash ni lola ay hinalo sa painting upang hindi namin siya makalumutan.

"Wag na wag mo ibebenta yung painting na yan ha. Mahal na mahal ko yan kahit hindi maganda yung babae sa painting.", biro ni lolo at tinikman na ang inihain kong adobo na ginaya ko sa luto ni lola.


Tumulo ang kanyang mga luha pagkatikim nito.









"Ang pangit talaga ng lasa."

Post ScriptsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon