CHAPTER 19 | DRAKE NO MORE

636 34 2
                                    

Chapter 19: Drake No More

DAPAT TALAGA ipapa-realize ni Chelzey kay Amanda ang effort ni Drake para sa kanya. That Drake deserve her and Timothy doesn't, yun ang plano niya noong gabing nagpunta siya kay Amanda.

Pero ang gago lang ng tadhana at bumaliktad ang plano niya at si Amanda ang nagparealize sa kanya ng dapat ay alam niya ang mga yun dahil gaya niya, she's married too.

Amanda's word hit her hard. Parang red horse lang. Lakas ng tama.

* * * * *

MYI IS SITTING in front of Drake who's smirking.

"You heard it already, I guess." Drake chuckled. Nakuha pa niyang ngumiti habang nananakit na ang ulo kakaintindi si Myi kung ano ba talaga ang patutunguhan ng mga plano at balak ni Drake sa anak niya.

"Seryoso ka ba talaga sa anak ko, Drake?" Napatanong nalang siya ng ganoon sa lalaki.

"Are you doubting my loyalty to you, Myi? May I remind you, that this plan of mine is not a game na pa-easy easy lang. And both of us will benefit here."

Yes. She know. Of course. Nasaksihan ni Myi kung paano siya magpursiging magtayo ng sariling pangalan sa larangan ng business.

Gusto niyang tumayo sa sarili niyang paa. Gusto niyang maging malaya mula sa mga kamay ng Ama. Hanggat maaari, gusto niyang burahin ang kanyang apilyedo. His surname always remind him that he is an offspring of his great Dad.

Ngunit nagpapasalamat siyang ganoon ang apilyedo niya, dahil kahit na sakal-sakal siya ng Ama, pilit naman na kinakalag ng pamilya niyang higit na nanaisin niyang makasama kaysa sa Ama.

"I want her to fall for Drake Gallegos, Myi. I don't want her to fall for Timothy Salazar." He almost whispered. Myi held his hand.

"But Amanda already fell." Myi said.

"Yes. Nahulog na siya. . . At alam kong sa akin."

Myi smiled and kissed Drake's forehead.

"Just please, make it worth it. Gawin mo ang lahat ng nasa plano, Drake. And please, don't hurt my daughter."

Pero alam niya sa sarili niya. Hindi mapipigilang ganoon nga ang mangyari. Na kahit anong mangyari, pagdumating ang takdang panahon, masasaktan at masasaktan si Amanda.

Mariin siyang napapikit at niyakap naman si Drake.

* * * * *

THAT NIGHT, noong nagkasagutan si Amanda at Chelzey. Kahit na alam ni Amanda na natauhan din si Chelzey sa mga sinabi niya, alam niya sa sarili niya na hindi lang si Chelzey ang namulat ang mga mata.

Dahil maging siya, nang gabing iyon, inalala na naman niya ang asawa. Ang mga paalala nito sa kanya. Ang nga matatamis na salita niya. Kailan nga ba noong huling tumawag ito.

Habang iniisip niya ang mga iyon ay tumunog ang telepono niya. Ang kanyang asawa ang tumatawag. Pagak siyang napatawa at pinalis ang kanyang mga luha.

"How are you, wife? Are you okay?" She nodded.

"I am. . . Okay." Halos hindi kumawala sa bunganga niya ang salitang okay. Parang napakahirap bigkasin iyon dahil ang mismo niyang sarili at tutol. Hindi siya okay. Hindi niya kayang magjng okay. Lalo na ngayon, ang mga salitang binitawan ni Chelzey.

"Are you really okay? Tell me, wife? Did you cry? Para ka kasing kagagaling lang sa pag-iyak."

She shook her head. Namatay ang tawag. And for the first time, naiisip niyang laging ang asawa niya ang tumatawag sa kanya. Makakaya kaya niyang tawagan si Timothy.

Marrying Amanda SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon