CHAPTER 1 | COLOR

1.5K 71 4
                                    

"OPO, Madame. Kanina lang po nagbigay ng update ang Aldana tungkol sa funds, ratings at iba pang tungkol sa kumpanya doon." Tumango naman siya sa sinabi ng kanyang sekretarya.

"Sabihin mong kailangan ko ang lahat ng data in my table bukas ng umaga. Exactly, July 3. 11:00 AM."

Betty nodded and leave. Napahawak siya sa ulo. Ang dami na naman niyang gagawin sa araw na ito. Magbabasa ng mga proposal at iba pa. Pipirma. A-attend ng bussiness meetings. Meet the boards. Trouble shoot problems.

"Hello? Salazar Inc, how can I help you?" Malambing na bati niya sa kabilang linya. Kahit na malambing ang boses niya ay wala naman talagang emosyon ang mukha niya sa mga oras na ito.

"Press the red button in the pad. I have something to tell you." Boses palang ay kilala na niya.

"Already done." She replied.

"How are you, wifey?"

She bit her lower lip. Her cheeks reddened.

"I bet your blushing now? Hmm? You tell me, wife?"

Marahan siyang tumawa.

"So, I'm right. Yeah, Amanda?"

"Yes. I am." Nakangising sabi niya.

"How are you, wife?" Tanong ulit ni Timothy sa kanya.

"I'm good."

"I want you better than good."

"Then be with me, hubby. Please."

Nawalan ng imik ang kabilang linya. Akala niya tapos na ang tawag pero natigilan siya sa sinabi ng asawa niya.

"I'll be. Soon, wifey. Very soon than you ever expected."

Pinanghawakan niya ang mga salitang iyon ng asawa niya. Kaya kahit na pagod na pagod na siya maghapon sa trabaho ay nakangiti pa rin siya.

Sinundo siya kinahapunan ni Nikolai gamit ang cab ng Village.

"Ganda natin, ah? Ang saya-saya ng Madame, ah?" Nanunuksong tumingin si Nikolai sa kanyang Madame Amanda.

Tumawa lang naman si Amanda at nag-iwas ng tingin. Halata kasi, dahil malawak ang pagkakangisi ni Amanda.

"Ano ka ba? Masaya lang talaga ako."

"Hindi ka naman siguro baliw, diba?" Natatawang umiling naman siya sa sinabi ni Nikolai.

"Madame. May bago kang kapitbahay, ah? Naalala mo yung katatapos lang na bahay sa harap ng bahay mo? Pagmamay-ari iyon ni Sir Drake."

"Ah, okay."

"Siya iyong sinasabi ko sa 'yong ang ganda ng kotse." Umiling nalang si Amanda sa sinabi Nikolai. Bata pa si Nikolai. Twenty-one to Twenty-two palang siya. Engineering student.

"Ah, talaga? Ano nga ulit pangalan niya?" Usisa naman ni Amanda.

"Drake po, Madame. Drake Gallegos. Mayaman daw ang angkan nila sa Syea. Kilalang pamilya rin sila sa Gleoda sa ibayo ng Aldana."

Siguro nga ay mayaman talaga ang lalaki. Pero sigurado siyang mas mayaman naman ang asawa niya.

Nang maihatid ni Nikolai si Amanda, pagdating niya sa guard house, nilapitan agad siya ni Mang Marlon.

"Oh, anong balita?"

"Dumating na siya."

"K-kailan pa?" Nagugulat na tanong ni Marlon.

"Kaninang umaga lang. Sabi ni Tay Kanor. Siya daw ang nagpapasok."

HABANG si Amanda naman ay nagluluto ng sarili niyang ulam, nagi-skype naman sila ng Ina niya.

Marrying Amanda SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon