CHAPTER 5 | TREE HOUSE

825 48 5
                                    

Chapter 05: Tree House

NAGSIMULA ANG party ng maayos. Walang gulo, puro saya. Maganda ang kinalabasan ng buong selebrasyon ng anibersaryo. Dumating din doon ang ilan sa mga Gallegos. Ganun din ang ilang mga Salazar na kabilang din sa mga namamahala sa kumpanya.

"You look good." Puri ni Drake kay Amanda. Ang ganda niya sa dress niya.

"Salamat. Ikaw rin naman. Bagay sayo ang tux mo."

Ani pa niya bago siya iniwan. Batian. Kainan. Inuman. Sayawan. Para sa tagumpay ng kumpanya. Para sa asenso ng kumpanya.

"If it's not because of you, Salazar Inc. will be in the last. Muntik na kaming hindi makaahon noong biglaang bumitaw sa pwesto bilang Head si Senior Salazar at pumalit ang anak niya na namahala ng ilang buwan lang at ipinalit ang asawa. But Mr. Salazar prove that his wife is amazing woman."

Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ng President.

"If nandito lang si Mr. Salazar, Well, hindi natin kilala si Mr. Salazar. Baka nga nandito lang at kasama natin siya. Baka nga nakabeso ko pa!" Tumawa sila. Pati si Amanda. Nilibot niya ang kanyang paningin at nagkatagpo sila ng paningin ni Drake.

Umiwas siya ng tingin.

What if nandito ka nga, Timothy? Where are you? Paano mo ako natitiis na hindi lapitan?

Hindi nalang niya pinagtuunan ng pansin iyon at nakinig nalang sa mga taong umaakyat ng stage para sa kani-kanilang speech. Pakulo lang yun ng mga head.

"What about our Head Mistress? Any message?" Kantiyawan pa sila. Wala siyang inihandang speech. Anong sasabihin niya? Cheers? Napangiwi naman siya sa naisip.

Umakyat siya sa stage. Nakabuntot naman si Betty sa kanya. Mahirap na, baka biglang may humablot sa boss niya.

"Ahm.. I don't know what to say." Aniya at ikinatawa pa nila iyon.

"Seriously. Ahm, our success is not just because of me. Kasi kung wala kayong tumulong sa akin, hindi rin naman natin ito makukuha lahat. Batiin niyo rin ang sarili niyo. Congratulations!"

"Congrats!"

"Congratulations!"

Cheers of audience is everywhere.

"And of course, to my husband." Aniya kaya natahimik ang madla. Napalunok tuloy siya. Para siyang magsasalita ng laban sa kanila kung makatingin sila. Para naman siyang aamin sa kasalanan niya.

"Why are you looking at me like that?" Biro pa niya.

"Anyway. If my husband is here then. . . Ahm, what can I say? Ahh. Ahm. . . I don't know." Nagkibit balikat siya.

"It's actually, thank you. Thank you of the trust. Salamat sa tiwala mo, ninyo, sa akin. And if you are here, kung isa ka sa mga nanonood sakin ngayon, ahm. Ano ba?"

Naguguluhan niyang sabi atsaka tumawa. Ano nga ba ang sasabihin niya kapag nandito sa harap niya o isa sa mga madla ang asawa niya.

"I miss you, hubby. I wanna hug you right now and tell you how much I am lucky to be your wife. And I wish, soon. . . just soon, I can be with you. That's all, thank you."

"Whwew! Intense! Nakakapigil hininga! Siguro kapag nandito si Sir tapos nagkita na kayo tapos nagsasama na kayo? Baka inakyat na niya yung stage at hinalikan ka sa harap ng maraming tao!"

Tawa pa ng tawa si Betty. Namumula naman sa hiya si Amanda sa pinagsasasabi ng sekretarya niya.

"Tumigil ka nga." Suway niya.

Marrying Amanda SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon