Chapter 34: Street
MORE the 3 years ago. . .
INIS na napakamot sa ulo si Drake nang ilang oras na siyang paikot-ikot sa Plovialen kakahanap sa ugok niyang kaibigan.
Kung hindi lang talaga siyang desperadong umalis muna ng Gleoda para makapagpahinga ay hindi siya tutuloy ng Plovialen.
Ang balak niyang buntahan ay ang bansang Syea para makarelax nang bigla nalang maisipan niya sa Plovialen nalang dahil sa Winter sa Plovialen.
Inis niyang inilabas mula sa kanyang winter coat ang kanyang telepono at tinawagan si Nath.
"What the freak, Nath! Ilang oras na akong pa-ikot-ikot! Sunduin mo nalang kasi ako!"
Nakarinig siya ng tawa mula sa kabilang linya. "Diyan ka muna sa city. Maglibot ka muna. Nandito pa sila Mama. Papaalisin ko muna sila tsaka ihahanda ko ang kwarto mo. Diyan ka na muna sa bayan."
Napabuntong hininga siya at ibinaba ang tawag. Muli niyang inilibot ang paningin hanggang sa mapatingin siya sa stall ng mga damit pang-winter at mga accessories.
Wala sa loob siyang pumasok at nagsimulang maglibot. Kaliwa't kanan ang mga magaganda at makakapal ng cloak na bumabagay sa panahon ngunit isang scarf ang umagaw sa pansin niya.
Isang kulay puting scarf iyon. Dumeretso siya dito. Pinakatitigan niya ang scarf nang may tumabi sa kanyang babae.
"That cost 7,289 Plovialen Money, Sir."
Tumango si Drake. "Kukunin ko."
Kulay puti at may burda iyong snowflakes sa magkabilang dulo nito. It is also dotted with black circles. At sa loob ng black circles at nakaburdang white snowflakes.
Kinuha iyon ng babae at dumaretso sa counter. Binili niya ng walang pag-alinlangan. Hindi nga niya alam kung bakit niya iyon binili. Hindi naman siya babae para isuot iyon. Basta ang alam niya, magagamit iyon ng kung sino. Ang alam niyang may importanteng tao siyang paglalaanan nito.
Lumabas siya ng store. Tinawagan naman siya ni Nath at sinabing susunduin siya nito sa harap ng Mall.
* * * * *
"KUMUSTA naman ang pag-i-ikot-ikot mo?" Natatawang ikinambiyo ni Nath ang kotse nito. Sa tabi niya ay ang kaibigan niya si Drake. Nagkakilala sila noon noong college sila. Parehas silang bussiness management student.
"Fine."
"Just like that?"
"Okay, fine. Nakakapagod, okay?"
Drake opened his phone and open the app, Twitter.
"Sana naman hanggang limang araw ka lang dito sa Plovialen."
"Nath, I'll stay here hanggang sa mahanapan ako ni Dad."
Napatango si Nath. "Yeah, Senior."
Naging maayos naman ang pagtira ni Drake sa Plovialen kasama ang kaibigan niya. Sa mansiyon nito ay malaya naman siyang nakakagalaw.
Simula nang dumating siya ay hindi pa siyang lumabas sa bakuran ng mansiyon ni Nath. Naging magkaibigan sila ni Nath dahil parehas sila ng estado ng buhay, nasasakal sa mga magulang nila.
BINABASA MO ANG
Marrying Amanda Salazar
Roman d'amourMarrying Series #1 : Marrying Amanda Salazar [COMPLETED] Amanda was married to a man she don't know anything about him but his name. Timothy Salazar is a young billionaire and his company is the highest company of all. Even the man isn't by her side...