Chapter 06: Mom
"MERRY CHRISTMAS, Madame Amanda!"
Binati siya ni Bettina through phone call. Nakangiti siya habang nakatayo sa balcony niya.
"Maligayang Pasko, Betty."
Nakatayo ang siya sa balcony at tumatanaw sa fireworks sa kalangitan. Ang liwa-liwanag ng kalawakan. Pasko, pero amoy new year.
Sandali pa silang nagbatian ni Betty. Habang nag-iisip siya na sana nandito ang asawa niya. Yakap siya sa likod at bumubulong ng mga matatamis na salita sa kanya, masaya pa sana siya.
Naisipan niyang dito magdaos ng pasko para naman kahit papano ay hindi naman mabalewala ang bahay na ito.
Nagtama ang mata nila ni Drake. Magkatapat sila ng bahay. Walang emosyon ang mata ni Drake at nakatutok lang sa kanya. Nakunot tuloy ang noo niya.
Ininow muna niya tsaa bago pumasok ng kwarto ulit. Nasa harap ng kanyang kama ang mesang pinaglagyan niya ng konting pagkain.
And then her door bell rang. Apat na beses iyon kaya dali-dali siyang bumaba. Pagbukas niya ng pinto ay wala namang tao pero mayroong paper bag sa labas ng pinto.
Kumakabog ang kanyang puso habang nakatingin sa paper bag. May tag pa iyon at sealed.
"A gift?" Aniya. Malaking paper bag yun at napalinga sa paligid. Kita niyang nakatayo parin si Drake sa kanyang balcony at tinitignan siya.
Napalunok tuloy siya at kinuha ang paper bag. Mabilis niyang isinara ang pinto at tinungo ang kanyang kwarto.
Sino naman kaya ang nagbigay ng regalo sa kanya. Sabagay, pasko naman.
"Ano naman ito?" Tanong niya sa sarili ng makitang naka-wrap ng chirstmas wrapper ang box na nasa loon ng paper bag. Hindi naman magaan, hindi rin naman mabigat.
Nang matanggal niya ang wrapper, isang silver na metal na lalagyan ang bumungad sa kanya. Nang buksan niya yun ay isang set ng alahas mula sa mamahaling jewelry line.
Napasinghap siya sa ganda ng mga ito. They are shining perfectly. Silver and lace ng necklace at black ivory diamond ang bato. Ganun din ang singsing.
Naantig naman siya sa ganda ng bracelet. Silver din yun at madaming maliliit na bato na nagsilbing disenyo niya.
Binaliktad niya ang lalagyan at may note na naka-grave doon.
'Merry Christmas, wife.'
Nanlambot ang ekspresyon niya. Her husband never forget about her. He always remember her wife. What a thoughtful husband.
"Merry Christmas, hubby." She said.
* * * * *
KINAUMAGAHAN, maingay na ang kalye at ang buong village. Madaming nakakalat na tao sa lansangan at mga bisita sa mga kapitbahay niya.
Puno naman ng christmas light ang gate niya at may lights din naman ang balcony niya pero mag-isa naman niya.
Parang itong katapat ng bahay niya. Ang kapitbahay niya. Ang kaibigan niya kuno.
"Hello!" Bati ni Amanda sa lalaki. Naka-winter jacket naman si Drake habang may bitbit na coffee mug. Umupo si Drake sa bench na nasa gilid ng kalsada.
Itinaas niya ang mug niya ba para bang inaalok siya nitobg magkape. Lumapit naman siya sa lalaki at umupo sa tabi niya.
"Why celebrating chirtsmas alone?" Hindi niya maiwasang itanong yung sa lalaki. Simula kasi noong lumipat ito ay wala namang dumadalaw ng kaibigan na nakikita ni Amanda.
BINABASA MO ANG
Marrying Amanda Salazar
RomanceMarrying Series #1 : Marrying Amanda Salazar [COMPLETED] Amanda was married to a man she don't know anything about him but his name. Timothy Salazar is a young billionaire and his company is the highest company of all. Even the man isn't by her side...