CHAPTER 21 | DEEPLY FALLEN

531 24 6
                                    

Chapter 21: Deeply Fallen

"ANDA! LABAS na diyan. Wag kang magkulong." Kinakatok ni Myi ang kwarto ni Anda. Sigaw siya ng sigaw kahit alam niyang may tiyansang hindi siya naririnig ni Anda sa loob.

"Hoy, Anda. Labas na diyan kung ayaw mo balagbagin kita diyan sa loob." Banta niya. Napakamot sa noo si Myi. Hindi talaga nagbago ang anak niya. Noong dalaga pa man ito ay ganito na talaga ang ugali niya.

Ugaling bingi-bingihan kapag tinatawag. Kapag tinatamad, nawawala ang lahat ng senses niya. Mula pandinig hanggang pagkilos. Patay ang dugo kapag kinakatok.

"Anda. Isang katok ko pa, talagang hahampasin kita."

"Mama. Sa intercom ka magsalita, katok lang naririnig ko." Mula sa speaker na malapit sa pinto. Napatampal siya sa noo. Sayang naman ang napakagandang boses niya sa pagtawag sa anak at mga nakamamatay niyang banta. Hindi nga pala siya maririnig ni Anda mula sa loob.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at tumambad sa harap niya ang anak niyang mas matangkad na sa kanya. Nakasalamin at naka-messy bun pa. Nakahawak si Anda sa kanyang tenga.

"Ano na, Ma? May trabaho ako." Kita ni Myi ang naka-open na PC ni Anda sa working table niya. Kalat din ang mga folder niya sa kanyang malawak na kama.

"May bisita ka, sa baba. Mag-ayos ka at para kang nakipag-away sa pusa." Tinalikuran niya ang anak niya. Napabuntong hininga siya sa style ng anak niya ngayong araw. Buhok na messy bun, para namang nakipaglampungan sa pusa. Nakasalamin nga't mas malaki naman kaysa sa mukha.

"Pababa na. Pinag-ayos ko lang." Imporma niya sa lalaking may hawak na kape.

"Hmm. Nag-almusal na po ba kayo, Tita?" Sinundan ni Drake si Myi sa kusina. Inilapag niya ang tatlong kape at tinapay.

"Nakahain na ang agahan, si Anda nalang talaga ang hinihintay kong magising. Kinakatok ko nga't akala ko'y tulog pa. Yun naman pala at nagta-trabaho na."

"Ayos lang po yun."

"Tita Myi?" Chelzey entered the kitchen.

"Grace!"

"Tita, it's Chelzey." Angal niya.

* * * * *

TAKHA NAMANG BUMABABA si Amanda sa grand staircase ng maliit niyang mansiyon. Nakaririnig siya ng tawanan sa gawing kusina kaya't doon siya dumaretso. Bukas din ang front door.

"Mabuti naman at nagbago na ang isip mo." Anang Mama niya habang kausap ang dalawang kapitbahay niya.

"Oh, Amanda. Mag-almusal na muna tayo." Aniya ng mabalingan ang anak na nagtatakang nakatingin sa dalawang bisita nila.

"Aga-aga naman yata niyong mamasyal?" Aniya.

"Anda." Suway ni Myi.

"Hmm? Because I wanna see you early, babe." Chelzey chuckled. Nasamid si Amanda. Nanlalaki ang mata niyang bumaling kay Drake.

"Bunganga mo!" Di niya mapigilang pagtaasan ng boses ang kumag. Ang iritasyon ay bakas sa kanyang mukha. Hindi alam ni Drake kung dahil ba sa kilig kung bakit namumula si Amanda o sa prustrasyon pero alinman sa dalawa, ang mahalaga, ang cute ni Amanda.

"Cute."

"Ehem. Alis na ako, Tita. Nakikain lang talaga ako ng isang hotdog. Bye!"

Nakatitig parin silang dalawa sa isa't isa. She never left Drake's eyes, and Drake do the same. Myi exited the kitchen also. Nakakailang tumitig ang dalawa.

Marrying Amanda SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon