The Plan
Vaness POV
"king ina... king ina talaga! piste linte!" sabi ko at naglakad lakad paikot ikot
"tol huminahon ka..." sabi ni John
"kakausapin ko si kuya kung may alam siya rito" sabi naman ni Cy
nandito ako ngayon sa Condo ni John dahil pagkatapos ng balita ay tumawag si John na may linuluto raw siyang Lasagna then pumunta ako doon at nagkwento sakanila kung ano yung nakita ko sa tv kanina
"nakakainis lang kasi! bakit pa ako ikakasal? at kay kuya pa talaga?! King ina why naman ganon hindi na ba ako pwedeng ikasal sa mahal ko?!" sabi ko at sunod sunod na sumubo ng lasagna
"tol easy! mabulunan ka niyan" sabi ni Cy
"sige tol ikain mo lang yan" sabi naman ni John
"wag mo nang kunstintihin" sabi ni Cy at binatukan si John
"di ko naman kinukunsinti ihh" sabi ni John habang hinihimas ang batok
kumain nalang kami at walang nagsalita hanggang sa...
*Ding Dong*
at lumapit naman si John sa pintuan at sumilip sa door hole
"sino yon tol?" takang tanong ko
"fianćee mo" sabi niya at binuksan yung pintuan pagkakita kong pumasok si kuya ay tumayo ako at umalis ng Condo ni John...
bwisit! bakit kailangan mangyari to?!
***
isang buwan na ang nakalipas pero di ko pa rin pinapansin si kuya
dahil inis na inis talaga ako kay kuya baka masapak ko siya ng wala sa orasnakausap ko na rin sila mama last week at ang sabi nila ay wala na akong choice dahil kung hindi raw ako ikakasal iiwan nila ako doon sa probinsya at doon maghihirap! grr
nandito ako ngayon punta sa Condo ni Cy dahil di na kami masyadong nagkakausap dahil busy na kami sa kanya kanya naming studies
sabi rin ni John ay pupunta rin siya dito dahil may grahams raw siyang ginawa yum!
ng magdoorbell ako ay agad naman binuksan iyon ni Cy na may hawak na law book at nakaglasses
"tol mukha kang nerd" sabi ko
"aysus hayaan mo na kailangan kong magpakanerd dahil kung hindi babagsak talaga ako" sabi ni Cy at pumasok na ako ng Condo niya
"nandito na ako!" sabi ni john at dala dala yung limang topperware na may lamang grahams
"yun ohh! pahingi!" sabi ko at kumuha ng isang topperware at kumuha na rin ng isang kutsara sa kusina
"takaw! may graham balls rin dito!" tawag ni John saakin
"talaga? tara na kain na tayo!" sabi ko
at kumain nga kami syempre hindi parin mawawala ang kwentuhan maganda ang topic namin nung una hanggang sa..
"tol anong plano mo?" tanong ni Cy at sumubo ng pagkain
"plano about saan?" takang tanong ko
"Engagement niyo ni kuya kong tukmol" sabi ni Cy
"ewan..." sabi ko at kumuha ulit ng graham balls ng may biglang pumasok sa isip ko "tol need ko support niyo! may naisip ako"
"ano naman yon gaga ka?" sabi ni Cy
"lalayas ako pupunta ako ng France" sagot ko
"pano yan ei hawak ng parents mo halos lahat ng Airport dito sa bansa" sabi ni John
"hindi lahat..." sagot ni Cy "ang hawak lang ng parents niya ay ang mga Airport na pangmayaman"
"eh pano pagaaral mo dito?" tanong ni John
"I think hindi ko muna itutuloy doon nalang siguro ako sa France magaaral" sabi ko
"anong matutulong namin?" tanong uli ni John
"I need money malamang sa malamang hindi ako pwedeng magdala ng kahit anong Bank Cards kasi madali akong matratrace ni daddy" sabi ko
"sige sige magkano ba kailangan mo?" sabi ni Cy
"Kahit magkanong iabot niyo and I need to leave here as soon sa possible" sabi ko
"sure ka ba diyan?" si Cy
"sayang pagaaral mo dito" si John
"hayst ok lang yon, basta wag niyo akong ibubuking ah? please?" sabi ko
"wag kang magalala di ka namin ibubuking" sabi nila
"salamat tol" sabi ko
"oh eto pera 10k lang kaya kong ibigay ngayon eh" sabi ni Cy at kinuha yung pera niya sa wallet niya
"eto naman akin" sabi ni John at abot saakin ng.... PISO!
"kailan mo balak magseryoso?" sabi ko habang napahapas sa noo
"hindi biro lang eto na nga ohh, maghihingi na nga lang ei magrereklamo pa tsk!" pabiro niyang sabi at inabot saakin ang limang libo niya
"gago! HAHAHA salamat" sabi ko at yinakap ko sila
nagusap pa kami ng nagusap ng mapagdesesiyonan na naming umuwi dahil may kanya kanya pa kaming gawain
~kinabukasan~
nandito kami ngayon sa sasakyan ni John dahil papasok na kami ngayon sa UST
"tol kalian mo balak umalis?" tanong ni Cy
"grabe ka pinapaalis mo na ako dito" pabiro kong sabi
"tanga nagtatanong lang ihh" sabi niya at umirap at natawa naman ako
"bilhan mo ako ng chocolates ah?" sabi ni John
"penge pera" sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kanya
"di ba pwedeng libre mo nalang?" tanong pa niya
"luh asa ka penge perapambili ng chocolates"
"di pa ba sapat binigay ko sayo?" sabi niya kahit nagdridrive siya ay nakita ko parin siyang nakapout
"tanga pera niya yon para gastusin sa pang araw araw niya doon sa France" sabi ni Cy "ah.. by the way Vaness... kalian mo nga balak umalis?"
"bukas sana ihh" sabi ko
"at hanggang kailan ka naman doon baka magtampo say parents mo" sabi ni John
"di ko alam siguro hanggang ipacancel nalang nila an marriage?" patanong kong sagot
"pano kung hindi nila ipacancelang marriage?" sabay na tanong nila at natawa naman ako dahil don
"edi don't" sabi ko habang nakatawa "hindi charot lang..edi ano... mananaili ako doon hanggang mamatay ako" sabi ko at medyo sumeryoso na ako
"eh?" sabi ni Cy
"parang imposible naman iyon tol... paano kung nahanap kanila" sabi naman ni John
"edi nahanap nila.. tol wag na tanong ng tanong kung may mangyayari man ay yun ang kapalaran ko" sagot ko
"tss bahala ka" sabi ni John at patuloy na sa pagdridrive
nang makarating kami ng UST ay nakita namin si... Agustin na parang may hinihintay
"KUYA!" sigaw ni Cy pero ang tingin niya ay nasaakin tinignan ko naman ang mata niya
sundutin ko yan ei
"we need to talk" sabi niya at naglakad papalayo...
Enjoy Reading
Don't forget to comment and vote thanks ❤
BINABASA MO ANG
Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)
RomanceBFF series no. 1: Vaness Dela Cruz si Vaness Dela Cruz ay isang aspiring flight attendant at anak ng founder ng Dela Cruz corp. maganda, sexy, matalino, at jolly pero masungit siya sa taong hindi niya close. 'forever single' ang kanyang motto dahil...