Chapter 17

58 8 0
                                    


Vaness POV

nagising ako dahil sa napakabangong ulam na linuluto ni kuya. gumulong ako upang sundan ang amoy pero bigla akong nahulog! narealize ko sa sofa ako nakatulog.

"aray" sabi ko habang hawak ang balakang ko

"ta-tanga tanga kasi pfft" ani ni kuya na nagpipigil ng pagtawa

"Heh!" ani ko at pinagpag ang sarili ska lumapit kay kuya "ano linuluto mo kuya?"

"my special Sinigang na hipon with a secret ingredient" pinakita niya ang kamias

"hala fave ko yan kuya patikim!" sabi ko at kinuha yung kutsara at akmang hihigop na ako ng sabaw ng bigla niyang hampasin ang kamay ko "Aray!"

"Maghintay ka" sabi niya ng Mahinahon "Kuhain mo nga yung mangkok na iyon" kinuha ko naman iyon

"Kuya anong oras na?" ani ko habang kunukusot ang mata

"alas dose" sabi niya habang ilinalagay ang sinigang sa mangkok biglang nag-ting ang cp ko kaya tinignan ko kung anong meron doon

From: Cylyn Chewable
Message: Dzai punta ka dito

To: Cylyn Chewable
Message: Bakit? anyari?

From: Cylyn Chewable
Message: May bisita ako!

To: Cylyn Chewable
Message: bisita mo yan girl hindi akin

From: Cylyn Chewable
Message: pumunta ka nalang!

To: Cylyn Chewable
Message: tch... sige sige wait a minute kapeng mainit

From: Cylyn Chewable
Message: 👍

luh liker ka ghourl?

nung sinend niya iyon ay pinatay ko na ang cp ko at pumunta ng cr upang gawin ang morning routine ko pero syempre hapon na tawagin nalang natin iyong afternoon routine hehehehe

nang matapos ko nang gawin ang mga dapat kong gawin ay lumapit ako kay kuya na nasa lamesa at nakakain at ang mata niya ay nasa tv upang magpaalam

"kuya... ang gwapo mo"

"Alam ko matagal na" sabi niya at humigop ng sabaw kumuha naman ako ng kutsara at tinikman ang luto ni kuya

"Ang sarap pa magluto hmm!"

"malamang masarap talaga ako magluto nag aral ako ng culinary ei"

hangin talaga

"kaya ka favorite ni mama at pa—"

"alam ko na yang mga yan di mo na kailangan sabihin. sabihin mo nalang yung kailangan mo nagsasayang ka lang ng laway ei"

"eto naman hehehe magpapaalam lang sana ako na puntahan si—"

"Agustin??!" patanong niyang ani at lumingon saakin

may galit talaga tong mokong na to kay Agustin ei

"Hindi kuya"

"eh sino?"

"yung kapatid niya yung bestie ko" sabi ko

"sige diyan ka lang ah!" sabi niya at tinuro pa ako ng tinidor

"opo! hehehe kaya mahal kita kuya ei muaaah" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi at tumakbo papuntang pinto "Bye kuya love you!" saka sinara iyon atsaka naglakad papuntang elevator

phew buti pinayagan ako nung mokong na yun. ang tagal ko na palang di nkikita si Agustin ano? *sigh* sana nandoon si Agus— HALA VAN ANO BANG INIISIP MO?! ugh! erase erase pero sana nandoon parin si you know hehehehe

kakaisip ko di ko na namalayan na nasa elevator na ako, Walang kasama at pasara na ang pinto nang biglang may nakita akong tumakbo na lalaking naka earphones at pinahinto ang pagsara ng elevator kaya't nakapasok siya. napanunok nalang ako nang marealize ko kung sino iyon

"ehem" ani ko na parang nanghihingi ng attention

Lumingon naman siya saakin at tinanggal ang earphones niya

"ugh... h-hi baby" sa ani niyang iyon biglang nagsitalunan ang mga puso ko

waaaah mommy hinahabol ako ng puso ayoko nito huhuhuhu

"Hello bab— este Agustin" lupa pakikin na ako please! "anong floor pupuntahan mo?"

"5th bibisitahin ko lang si Cy"

"ok.. pero anong ginagawa mo sa 12th floor? eh diba sa 5th floor ka?" tanong ko bigla naman siyang nagiwas ng tingin

"um.... binabantayanka ehem.. by the way ikaw saan ka pupunta?"

"5th floor pupuntahan ko rin si Cy" ani ko at tumahimik kaming dalawa ilang segundo ng nakakabinging katahimikan ay binasag niya ito

"ugh.. Van.. gusto mong ano"

"ano?"


"baka gusto mong pindutin yung number 5" sabi niya kaya bigla kong pinindot yung number 5

sobra sobrang kahihiyan na to pakshet

"ugh.. sorry" sabi ko gusto ko siyang kausapin huhuhu pero anong sasabihin ko? kamusta ka? eh alam ko namang mabuti lang siya how about nasaan si daddy mo? ay hindi ay ayoko ano namang konek non bwisit

dahil sa kalutangan ko ay di ko na namalayang nagbukas na pala ang pinto ng elevator "Van tara na nagbukas na yung elevator" ani niya at hinawakan ang kamay ko upang sabay kaming lumabas ng elevator hinayaan ko naman iyon hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ng condo ni Cy. kumatok naman siya habang hawak parin ng kamay ko

"SAGLIT LANG" sabi ni Cy

"Ang lambot ng kamay mo... may ginagawa ka pa ba sa condo mo?" tanong ni Agustin habang naghihintay kaming buksan ni Cy ang pinto

"oo naman atsaka—" ani ko habang pinipilit tanggalin ang kamay ko sa kanya pero ayaw niyang parin itong bitawan

"ngayon lang please" sabi niya inirapan ko nalang sita at hinayaan ko na hanggang sa buksan na ni Cy ang pinto

"What is the meaning of this?" sabi ni Cy habang nakatingin sa kamay namin ni Agustin naginit naman ang pisngi ko

"Manahimik ka nga Cylyn" sabi ko at nagiwas tingin

"Anong meron Cy? bakit mo pinapunta si Van?" sabi ni Agustin

"May bisita kasi ako... pasok kayo" sabi niya at pinapasok kami pagkapasok namin ay nakita ko si John kasama ang Gf niya

"sinong bisita dai?" tanong ko

"Hello!" tawag ng lalaki sa likod ko

"Ace? Ace!" gulat na ani ko nang makita ko si Ace kurth Montero our friend since highschool nagulat ako dahil alam ko na nasa Canada siya at nag aaral akmang lalapit na sana ako sa kanya ng hawakan ni Agustin ng kamay ko ng mahigpit habang masama ang tingin kay Ace "aray!" asik ko bigla niya naman niya akong liningon

hinalikan ang kamay ko "hala sorry, ok ka lang baby?" tumango naman ako "sorry"

"ok lang" ani ko at bumaling kay ace "by the way Ace! what are you doing here? akala ko sa Canada ka na?" ani ko pero hindi parin ako makawala sa kamay ni Agustin

"um.. yes nasa Canada ako nag aral pero its summer na naman doon saamin kaya umuwi na muna ako dito sa pinas by the way lets take a seat? lets talk miss ko na kayong tatlo ei" sabi niya at umupo kami sa sofa



A/N: I uupdate ko yung chapter 18 sa Monday or Tuesday di ko siya nasama ngayon kasi may mga scene doon na pinagiisipan ko kung itutuloy ko ba kasi parang lumalayo ang plot ng story ko so ayun.

Enjoy Reading
Don't forget to comment and vote thanks ❤

Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon