Vaness POVnagbibihis kami ngayon dahil may hiking raw na magaganap! at di manlang nila ako ininform!
lumabas ako ng kwarto nang matapos akong magbihis "jusme sana naman pinatulog niyo pa ako" ani ko
"wow nahiya naman kaming walang tulog!" angal ni kuya Rhem
"sino ba kasing nagsabing wag kang matulog?" tanong ko.
"yung hinayupak mong fiancé! nagkabati lang kami inabuso niya na agad yung kagwapuhan ko" ani ni kuya nang biglang dumating si ate Lex bigla ring lumambot ang kuya natawa naman ako dahil itong loko ay hulog na hulog kay ate lex.
"lahat na raw ba nakapagbihis?" tanong ni ate nang biglang lumabas sa isang silid si Agustin
"oo lahat na"
"nasaan yung iba?" tanong ko
"nauna na bagal niyo ei" ani ni ate lex "tara na!" sabay sabay kaming tumango at lumabas
habang naglalakad kami ay nakahawak sa aking kamay si Agustin habang si kuya naman ay nakikipag asaran kay ate Alex. nasa likod nila kami kaya't kitang kita namin ang kaharutan nila
"naks naman sweet couple" ani ni Agustin at itinaas lang ni kuya ang kanyang gitnang daliri "ganyan sila kasama saakin, iniiwanan nila ako sa likod tas maglalambingan ang mga hinayupak" nagsusumbong na ani niya
"hayaan mo na yan kasama mo naman ako ei" ani ko at ngumiti siya saka huminto sa paglakad napahinto rin ako "bakit—"
bigla niyang pinisil ang mukha ko "ang cute mo" hinalikan niya ako sa pisngi at naglakad uli. napatulala ako pero agad namang bumalik ako sa wisyo
"nandito na tayo. argh bakit ba kasi kailangan umakyat sa bundok" ani ko nang maka-akyat kami sa tuktok ng bundok
"ewan ko diyan sa tatay mo ang lakas ng trip" ani ni kuya habang pinupunasan ang pawis ni ate lex. kinuha ni ate lex ang pamunas at sila na ang nagpunas sa sarili niya.
"sino gusto tubig?" tanong ni Agustin at nagbukas ng isang bote at ibinigay saakin. ininom ko naman ito "nasa dulo na tayo nasaan na sila?"
biglang tumunog ang phone ni kuya binuksan niya ito "sabi ni mom nasa baba raw sila kanina pa nag-aantay saatin"
"nag aantay?" tanong ni ate Lex
"baka nagkamali ka lang ng pag intindi" ani ni Agustin at lumapit kay kuya upang tignan ang message lumapit rin ako
From: Most beautiful mom <3
Message: hey! we're waiting for you guys dito may loob ng forest kanina pa!"message mo sabihin mo nasa tuktok tayo ng bundok" ani ko at tumingin sa malayo. ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat
"hindi ko kaya out of coverage area tong tuktok ng bundok" ani ni kuya
"bababa ba tayo?"
"tanga malamang hindi alas singko na oh aabutin tayo ng gabi niyan"
"paano to?" tanong ni ate lex
"dala mo ba yung tent?" tanong ni kuya kay Agustin tumango ito
"oo para sana saamin ni Van—"
"gago!" ani ni kuya akmang susugurin si Agustin pero may binulong si ate lex upang pigilan ito "tama tama" huminga ng malalim si kuya at tumingin kay Agustin "ilan dala mo?"
"isa lang" ani nito at ngumiti ng malapad "si Van at si Lex nalang patulugin sa tent"
"saan kayo?" sabay naming tanong ni ate lex
"dito sa labas" ani ni kuya at naglakad papunta sa bag ni agustin "magipon nalang kayo ng mga sanga at bato para sa apoy ako na bahala sa tent"
naglakad si ate lex papalayo habang ako naman ay nakatunga nga lang. paano sila mommy sa baba?
"hoy! van tumulong ka aba" ani ni kuya at dali dali na akong kumilos.
habang naghahanap ng bato at mga sanga ay may pawang dumaan na kung ano. hindi ko ito pinansin nung una hanggang sa umulit uli. nilibot ng mga mata ko ang buong lugar at wala akong makita kundi mga puno lamang at halaman
pinulot ko ang huling sangang nakita ko nang may marinig akong kaluskos.
lumalapit siya...
palakas ng palakas ang kaluskos
palapit siya ng palapit
habang naririnig ko ang paglakas ng kaluskos ay umaatras ako
akmang aatras pa sana ako nang
"WAAAH!" sigaw ko nang tumalon galing kung saan si Agustin "GAGO KA! GINULAT MO AKO!" ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko na napakabilis. lumapit sila saakin alalang alala ang mukha
"sorry baby hinahanap kita ei"
"hinahanap?! nasa likod ka ng halaman tas— MUKHA BA AKONG NANDOON?!"
"sorry na kanina pa tayo tinatawag ni Rhem ei nagaalala lang ako sayo" ani niya at kumamot sa kanyang batok
"heh!" ani ko at muling bumalik kung saan kami nanggaling
"van kanina pa kita hinahanap buti nahanap ka ni Agustin" ani ni ate lex ngunit dinaanan ko lamang siya "naano yan?" rinig kong bulong ni ate. umupo lang ako sa isang malaking trunk ng puno at kinuha ang cp ni kuya
"nagulat ko kasi"
"nagulat o ginulat?" tumawa ng mahina si Agustin "tsk ano ba yan agustin 22 ka na pero napaka childish mo parin!" rinig kong ani ni ate
"aray! masakit!" ani ni Agustin tinignan ko sila at nakita ko na pinipingot siya sa tenga siya ni ate lex. hindi ko na sila pinansin at naglaro nalang sa cp ni kuya
nang maayos ang lahat ay nakita ko na maapit na mag low-batt si kuya kaya't binitawan ko na ito. nasa kabilang trunk si kuya at si Agustin habang si Ate lex naman ay nasa loob ng tent.
akmang papasok ko ng tent upang natulog nang marinig ko ang pangalan ko
"mahal mo ba talaga si Vaness?" rinig kong tanong ni kuya. umupo lamang ako sa may pinto ng tent upang makinig sa usapan "wag mong lolokohin ang kapatid ko ah! bubuhulin kita!"
"di na di na ako manloloko noh! dati lang yun nung imatture pa ako"
"eh hanggang ngayon immature ka parin naman ei"
"edi.. dati lang yun. nung nag aaral pa tayo. alam mo.."
"oh?"
"sa tingin ko nagbago ako dahil sa kanya..." ani ni Agustin napatingin ako sa baba ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya
"mukha mo! sinabi mo na rin yan sa mga dati mong girlfriend. sus kilala na kita Agustin" naairap ako nang sabihin iyon ni kuya
epal naman to si kuya!
"hindi.. I really meant it simula nung nakilala ko siya I deleted all my dating apps"
"g-ginawa niya yun?" rinig kong bulong ni ate sa likod ko.
"bakit?"
"hindi niya denedelete ang mga dating apps niya kahit nung may gf siya" ani ni ate. itatanong ko pa sana kung bakit ngunit biglang nagsalita si Agustin
"I'm once a cheater. but not always I'ved changed a lot since i found her. she taught me how to be a good— no a BETTER person. that's why I love her" ani niya. tinatabig tabig ni ate ng balikat ko ngunit wala ako sa wisyo upang pigilan siya
I love him too very much
Enjoy Reading ❤
BINABASA MO ANG
Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)
RomanceBFF series no. 1: Vaness Dela Cruz si Vaness Dela Cruz ay isang aspiring flight attendant at anak ng founder ng Dela Cruz corp. maganda, sexy, matalino, at jolly pero masungit siya sa taong hindi niya close. 'forever single' ang kanyang motto dahil...