Chapter 10

100 10 2
                                    

Makipag ano?

Vaness POV

Nagising ako dahil sa alarm ng aking cellphone "bwisit" antok na ani ko at pinatay ang alarm ng cellphone ko

"good morning baby" sabi ng isang familiar na boses naatingin ako sa kanya at nakita ko siyang naka sandal sa pintuan agad naman akong napaupo sa higaan

"Agustin...p-paano ka nakapunta dito? diba-- oh my.." putol na sabi ko nung narealize kong hindi ko pala kwarto ito kundi ang kwartong tinulugan ko noong nasira ang elevator "fuck shit!"

"ang dumi talaga niyang bunganga mo eh noh?" sabi niya

"ano lilinisin mo rin katulad ng mga nababasa kong 'one profanity one kiss'? eww ayoko nga-- ugh!" sabi ko nung maramdaman ang sakit ng ulo ko

"weh ayaw mo ba talaga? baby?" sabi niya at unti unting lumapit saakin

"h-hoy! lumayo ka nga!" utal kong ani nung malapit na siya saakin. bigla naman siyang tumigil

"amoy alak ka maligo ka muna" sabi niya at lumayo

phew... buti naman lumayo na siya baka ipatikim ko sa kanya ang bagsik ng kamao ko pag hinalikan niya ako

"h-hindi na aalis na ako dito wala akong dalang damit atsaka hindi ako pwedeng makiligo dito" sabi ko

"bakit naman? mapapangasawa naman kita anong problema?" sabi niya at biglang naningkit ang mata ko

"oo magiging asawa kita but its only for a while maghihiwalay rin tayo" sabi ko at tumayo "ok na ako salamat sa pag papatulog mo saakin dito sa condo mo" at tumakbo na ako palabas

"Van--" sigaw ni Agustin pero di ko na pinansin

nang makapasok ako sa Condo ko ay hinanap ko kaagad ang pain reliever dahil ang sakit ng ulo ko. uminom ako ng gamot at naglinis ng katawan. nang matapos akong maglinis ay umiglip ako

buti nalang sunday ngayon walang pasok

ilang oras ang lumipas at nagising ako dahil sa vibration ng celphone ko. pagkacheck ko niyon ay nakita ko ang message nila Cy sa Gc namin at isang message galing kay PestengStalker. binuksan ko muna ang kanila Cy dahil mukhang importante iyon

Crazy Squad

Cylyn chewable: hi everyone

John the Baptist: kmusta n kyo?

Vaness Santiago: Hoy bakit Santiago alpilyedo ko dito?!

John the Baptist: 4ba m4ly k b4 dyan na22log lng 4ko ei pgkabuks ku gnyan n yn

Cylyn Chewable: jeje mo magtype John. by the way hindi ko rin alam kung sinong nagpalit ei

Vaness Santiago: there's an impostor among us 🙂

Cylyn Chewable: umm... bhie kamusta ka pala masakit ba ulo mo? ko kasi oo ei

iniiba ang topic ng loko

John the Baptist: bkt msakt 4ng ulo?

Cylyn Chewable: uminom kasi kami kagabi. eh busy ka doon sa bebe mo kaya di na kita yinaya hehehehe

John the Baptist: 👍

Vaness Santiago: out muna me guys may need pa akong tapusin bye

pagkasabi ko non ay inopen ko yung message ni PestengStalker

From: PestengStalker
Message: Ay wrong send btw hi!
11:23 p.m.

From: PestengStalker
Message: bored ako

From: PestengStalker
Message: kausapin mo ako fleece

From: PestengStalker
Message: sunshine?
11:54 p.m.

From: PestengStalker
Message: yow ok ka lang? bakit hindi ka nagrereply?
12:30 a.m.

From: PestengStalker
Message: gising ka pa?
1:02 a.m.

From: PestengStalker
Message: alam kong gising ka pa sunshine. lagi kang gising ng gantong oras para magwattpad
1:05 a.m.

From: PestengStalker
Message: baka tulog ka na nga
1:05 p.m.

From: PestengStalker
Message: sigi na nga tulog na ako goodnight este good morning
2:00 a.m.

From: PestengStalker
Message: good morning
10:00 a.m.

From: PestengStalker
Message: ayun nagseen ka na rin! anong pinagagawa mo kagabi hmm? 😾
just now

To: PestengStalker
Message: natulog? tsk bakit ba ako nag eexplain? 🙄

yun lang ang sinabi ko at binaba ko na ang cp ko. narinig kong nagvibrate iyon pero di ko na pinansin dahil may kailangan pa akong tapusin

ilang minuto pa ay may kumatok sa pintuan ko. pumunta ako sa pintuan upang pagbuksan sino man ang nandoon

"tsk ano ba ya--" natigil ang pagsasalita nang makita ko si Agustin nakasuot ng blue tshirt na may design na tinidor at partner ng blue na riped jeans

"oh ano natulala ka sa kwagwapuhan ko noh?" sabi niya at nagpapogi sign pa

"wala akong pake sa lintik na kagwapuhan na iyan na hindi ko manlang makita kita. umalis ka na nga nagaaral ako ei" sabi ko at sinaraduhan siya pero hinarang niya naman ang paa niya binuksan ko naman ang pinto

"ugh! ang sakit!" sabi niya at hawak hawak ang paa

"tss kasalanan mo rin naman iyan ei" sabi ko at sinaraduhan uli siya ng pinto

ng gawin ko iyon ay kinain na naman ako ng lintik na konsensya "hoy lalaki pumasok ka na baka mapaano yang paa mo" sabi ko nung buksan ko ang pintuan. hindi ako makatingin sa kanya dahil feeling ko ay mag-aasar na naman ang lintek

"sabi ko na nga ba di mo ako matitiis ei" sabi niya at kumindat

di matiis your face! kinain lang ako pakening kosensya ko no!

"tss" yun lang ang nasabi ki at pinaupo siya

"Tourism ka pala? hula ko... Flight Attendant?" sabi niya habang tinitignan ang mga paper works ko

"bakit ka napunta dito? eh diba magkasama lang tayo kanina?" tanong ko habang sinasara ng pintuan. pinagcrus ko ang kamay ko nang humarap siya saakin

"Um... y-yayayain sana kitang..." sabi niya at numunok

hoy huminahon ka ako lang to oh!

"yayayaing mag ano?"

"makipag... ugm.. date" sabi niya sabay ubo napatawa naman ako dahil sobrang pula ng pisngi niya

"ayaw ko nga" pabiro kong sabi at biglang lumukot ang mukha niya "char sige. kailan?" tanong ko at bigla siyang ngumiti. ewan ko kung bakit pero may kaunting akong excitement na nararamdaman

"next saturday alas nuebe ng umaga susunduin kita" sabi niya at um-ok nalang ako "aalis na ako yun lang bye" sabi niya at mabilis na naglakad paalis sa Condo ko

nang makalabas siya ng pinto ay sinilip ko siya paalis. nakita ko siyang sumusuntok sa ere at parang baliw na natawa

pfft ang cute

A/N: awiee malapit na ang first date ng- hm... ano bang pwedeng itawag sa loveteam nila? 🤔 btw yun na nga malapit na ang first date nila awieeee see you next chap! ❤

Enjoy Reading
Don't forget to comment and vote thanks ❤

Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon