Vaness POV"ay weh? liniligawan ka ni kuya?!" tumango naman ako "OMG! totoo ba? di ka nagbibiro? liligawan ka ni kuya?"
"oo nga ang kulit" irita kong ani
"Di lang ako makapaniwala"
"bakit?"
"hindi nanliligaw yun si kuya"
h-huh? so meaning ako palang yung una?
"B-baka a-ano lang... hindi niya sinabi sainyo"
"tanga hindi, lahat ng naging jowa ni kuya tinanong ko kung linigawan sila ni kuya pero ni isa wala well tatlo lang naman silang naging jowa ni kuya at iba... um.. flings lang ata.." ani niya di ko alam pero bigla nalang akong nairita ng walang dahilan
"psh"
"bakit selos ka? wag kang mag-alala yung kuya kong yun mabilis yung makamove on"
"ah so meaning pag naghiwalay kami hindi niya na ako babalikan?!"
"kayo na ba?" tanong ni Cy at napahinto naman ako saka nagiwas ng tingin
"H-Hindi p-pa"
"iba ka sa mga ex ni kuya bebe wag kang mag alala"
"tss di nga kami"
"not now but soon" ani niya at ngumiti ng nakakaloko
"psh"
"osige na nag message siya mamaya na tayo mag usap pupunta muna ako ng kwarto. serve your self little bitch"
"tss sige sanaol na lang sainyo. ipasipa ko yang mga jowa at manliligaw niyo sa ibang planeta ei" ani ko at kinapa ang plastik ng chips at napansin kong wala na itong laman "kuhaan mo nga ako ng chips" utos ko kay Cy
"Aba ikaw na nga lang nang istorbo-"
gamitin na natin ang pinagbabawal na technique
"Labyu"
"hindi mo na ako magaganyan Vaness kuhain mo yung chips mo doon wala kang yaya dito" sabi niya at pumunta ng kwarto
ano ba yan
biglang bumukas ang kwarto ni Cy at sumilip siya doon "sabi ko na nga ba di mo ako matitiis ei"
"tanga sasabihin ko lang sayo na pag may kumatok sabihin mo tulog ako ah?" ani niya
"hala dont tell me" napatakip ako ng bibig "may tinatakasan kang bumbay Cy?" sabi ko at kunyaring nagulat
"gaga hindi! wala akong utang pero manliligaw meron dami ko kasing manliligaw ei sa ganda ko ba namang ito"
"dzai gising na!" ani ko at tumawa siya saka pinagsarahan ako ng pinto
ilang minuto ang lumipas ay bigla kong naalala ang sinabi ni Agustin kanina
"pumunta ka ng alas tres kailangan ka doon"
bakit kaya?
agad ko naman tinignan ang orasan at nakita kong two fifty o'clock na
agad naman akong pumunta ng kwarto ni Cy at kumatok
"Cy?" katok ko "Hoy babaitang tukmol aalis na ako ah? nasa condo lang ako ni Kuya mo maglock ka dito ah? baka pasukan ka" ani ko hindi niya parin ako pinagbubuksan
BINABASA MO ANG
Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)
RomanceBFF series no. 1: Vaness Dela Cruz si Vaness Dela Cruz ay isang aspiring flight attendant at anak ng founder ng Dela Cruz corp. maganda, sexy, matalino, at jolly pero masungit siya sa taong hindi niya close. 'forever single' ang kanyang motto dahil...