Vaness POV"a-ano?" tanong ko.
oo narinig ko na yun nung tulog siya pero iba na ngayon!
"mahal kita... sana alam mo" ani niya at bumalik ang tingin sa dagat. napakagat ako ng labi dahil pakiramdam ko na tutulo ang luha ko sa dami ng nararamdaman ko
I'm being too fucking emotional. lumingon ako sa kanya at napatingin naman siya saakin "naano ka?" mahina siyang tumawa pinalingon niya ako sa kanya at tinignan ang mukha ko
"wala, bitawan mo nga ako" timanggal ko ang kamay niya sa balikat ko saka huminga ng malalim "a-ano... Agustin" lumingon siya saakin at kabadong tumingin saakin
"galit ka ba sa sinabi ko? shit dapat di ko nalang-"
"ano kasi... paano ko ba to sasabihin?" I asked myself ang hirap sagutin niyon! para akong kinorner
"you don't need to answer that. pero galit ka ba?" tanong niya umiling ako "ok as long as you're not mad to me Its fine"
"thankyou"
"kailangan ko bang sabihing you're welcome?" tanong niya umiling nalang ako. ilang minuto ang lumipas ay napagod na ako kaya't umiglip muna ako
minulat ko ang mata ko at laking gulat ko nang nakita ko ang kwartong kinasusuklaman ko. ang kwartong ilang beses akong pinahirap at sinaktan. ang kwarto na hinihiling ko na hindi ako muling nakabalik pa. nakaharap ako sa pintuan at unti unti itong binuksan
napatakip ako ng bibig nang makita ang batang hinuhubaran nila ng walang kamalay malay. di ko alam ang gagawin nang biglang tumingin saakin ang lalaki na naghuhubad sa batng babae saka ngumisi
napabalilwas ako ng tayo. napatingin ako sa buong lugar at narito parin ako sa kwarto ng floating house. tumulo ang luha ko nang bumalik ang ala alang hindi na dapat binabalikan pa. inayos ko muna ang higaan bago lumabas ng kwarto. nakita ko doon si Ate Lex na lumabas lang rin ng kanyang silid. bihis na bihis siya na para bang may pupuntahan na ball
"oh Van gising ka na pala! magbihis ka na" pumunta siya sa closet at kinuha ang light pink na dress at sapatos na kulay pink
"anong gagawin ko diyan?"
"susuotin malamag bili magpalit ka na!" ani niya at tinulak ako papasok sa changing room Anong meron?
nang maisuot ko ang dress ay lumabas ako akmang tatanungin si ate nang piringan ako "ate ano bang nangyayari?"
"mamaya makikita mo.. sundan mo lang ako" ani niya at pinahawakan niya ako sa balikat noya at naglakad na kami "a-ate?"
"sus wag kang matakot" ani niya. naglakad lang kami nang naglakad hanggang sa maramdaman ko na parang medyo malubak ang dinadaanan namin. parang mabato ba
tinanggal ni ate ang kamay ko sa balikat niya "ate?" di ko na alam kung nasaan siya kaya't tinanggal ko na ang piring. pamilyar ang lugar na ito para saakin linibot ng mata ko ang lugar at maraming butterflies! tama nandito ako sa butterfly garden ang paborito kong lugar dito
biglang bumukas ang mga fairy lights na parang gumagawa ng daan napangiti ako "anong pakulo to?" tatawa tawa kong tanong sa aking sarili. baka nababaliw na ako, hindi pala "baka" nababaliw na talaga ako
dumaan ako doon sa daan at sa dulo nito ay nakita ko si Dad naka suit. tumakbo ako sa kanya at yinakap siya "anong meron dad?" binigyan niya lang ako ng isang pirasong rosas at biglang may tumugtog. inilahad ni dad ang kamay niya saakin at isinayaw ako
BINABASA MO ANG
Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)
Roman d'amourBFF series no. 1: Vaness Dela Cruz si Vaness Dela Cruz ay isang aspiring flight attendant at anak ng founder ng Dela Cruz corp. maganda, sexy, matalino, at jolly pero masungit siya sa taong hindi niya close. 'forever single' ang kanyang motto dahil...