Vaness POValas singko na ng hapon nang mapag isipan namin nila Cy na sulitin ang aming pagbobonding dahil two days nalang ang natitira at uuwi na kami
ngayon ay nakaupo kami sa ibaba ng payong at nakaharap sa upuan habang nag uusap usap
"so kamusta ka na John? di ka na namin masyado nakakausp ah?" ani ko. kasama namin siya ngayon dahil tulog ang jowa niya
"Ok naman. sinusulit ko lang yung mga panahon na kasama ko siya"
"what do you mean?" tanong ni Cy
"alam niyo naman ang trabaho ng girlfriend ko. kaagaw ko ang media sa attention niya" he said looking down
"I don't have any perfect advice for you but we're here for you always" Cy said
"oo nga nandito kami pag may problema ka" pag singit ko ngumiti naman siya
"thankyou, kamusta na kayo ni Agustin?"
"ayun tao parin" ani ko parehas naman nila akong binatukan "hoy ang sakit non ah!"
"umayos kasi!" ani ni Cy
"ok lang nga! ganun parin naman kami"
"mahal mo na ba si kuya?" ani ni Cy at lumaki ang mata ko
"hoy yawa ka kung ano anong pinagsasabi mo pasabugin ko yang bunganga mo ei"
"sagutin mo nalang kase van" ani ni John
"hindi, hindi naman kasi siya bilihin— aray gago"
"mura ka ng mura tangina mo" ani ni Cy at inirapan ko lang siya "sagutin mo—"
"oo— hindi— hindi ko nga kase alam at ayokong malaman. gusto ko maging single forever as long na wala akong nararamdaman doon sa lalaking iyon mas malaki ang chansa kong maging single"
"pwede ka naman maging fa van kahit hindi ka na single ei" ani ni Cy
"di ninyo naiintindihan, anyways ang tatanda niyo na HAHAHA puro na love life problema natin" ani ko
"sanaol nga may love life ei"
"eh sino si Mr. Luc—"
"wala akong kilalang ganoon! sino yon? may kilala ba akong ganun? LALALAALALA" ani niya at nagtakip siya ng tainga
"oo nga sino kaya yun?" tanong ni John at lalo naman linakasan ang pagiingay ni Cy
"manahimik na kayo may iba na yung gago— este yung unggoy na nagkatawang tao"
"di mo sure" sabay naming asik ni John
"sure ako" ani niya at umirap tumawa naman kami
"sows" tumawa kami saka tumitig sa palubog na araw
"so anong balak mo bukas?" tanong ni John
"anong meron bukas?" tanong ko
"birthday mo" ani ni Cy
"wala naman kasi akong balak magcelebrate"
"tamad mo talaga" ani ni John
"sayang pag punta namin dito kung wala naman palang handa" ani ni Cy
"aba sino ba kasing nagsabi na pumunta kayo dito?" ani ko
"parents mo"
"edi sila hingian ninyo ng pagkain" ani ko at nag kwentohan pa kami
ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam ako sa kanila na aalis muna dahil naiihi na ako. ngayon ay narito ako palabas na ng comfort room dahil tapos na akong maglabas ng sama ng loob. naglalakad na ako pabalik nang may yumakap sa likod ko at isinandal ang baba niya sa balikat ko
"baby, hm... ang bango mo talaga" ani ni Agustin. amoy alak siya
"hoy na-ano ka?" I asked saka humarap sa kanya. isa itong malaking pagkakamali dahil lumapat ang labi ko sa labi niya
akmang lalayo na sana ako nang hawakan niya ang batok ko at linaliman ang halik. unti unti siyang kumawala dito at bumagsak muntikan nang sumubsob ang mukha niya sa lupa ngunit na salo ko siya
"uy gagi" ani ko at ibinaba siya sa lupa ng mabagal. lumapit ako sa kanya saka sinampal ng mahina ang pisngi niya "hoy gumising ka diyan!"
palingon lingon ako dahil baka may tao na pwedeng tumulong saakin. tumakbo ang isang security palapit saakin at tinulungan ako sa pag buhat kay Agustin
dinala namin ni manong guard si Agustin sa kwarto niya. nang maihiga namin siya ng maayos ay umalis na si kuya guard nagpasalamat naman ako rito
tinitigan ko si Agustin ng may halong pag-aalala.
bakit naman kaya nito naisipang maglasing?
akmang aalis na sana ako nang mag salita siya
"Mahal kita Van" ani niya na ikinabilis ng puso ko. lumingon ako sa kanya at nakita kong tulog pa ito
"bakit ba hindi mo ako kayang mahalin pabalik?" tanong niya pero nakapikit parin ang mata
parang sasabig ang puso ko lumapit ako sa kanya at hinawakan ang buhok niya "mahal kita pero hindi ko pa tanggap" hinalikan ko siya sa noo bago umalis
bumalik ako sa cottage at nandoon parin sila Cy pero kasama na si Alec
umupo ako sa tabi ni Cy "oh bakit ang tagal mo? akala ko ba mag ccr ka lang?" tanong niya
"mayroon lang akong tinulungan.. anyways ano na pinaguusapan ninyo?" tanong ko at nagkwe-kwentuhan na kami hanggang sa mag dilim
alas siete nang pumunta na sila sa kanilang mga silid upang magpahinga. at ako naman ay nagpaiwan dahil hindi ko parin maisip na mahal na talaga ako ni Agustin
alas dose na pero nandito parin ako at nakatitig sa dalampasigan at nagiisip nang napagdesisyunan ko na pumunta sa 'The Big Screen" kung saan doon nanonood ang mga tao ng movies.
umupo ako sa sand at nanood ng Possessive series the movie adoption
"Van?" tanong ng isang pamilyar na boses lumingon ako at laking gulat ko nang makita ko si Jay!
"Jay! woi anong ginagawa mo dito?" I asked then he smirked
"meant to be talaga tayong magkita" ani niya at nagwink itinaas ko ang kilay ko at umirap. umupo siya sa tabi ko "joke lang ano ka ba" tatawa tawa niyang ani
"ano ginagawa mo nga rito?"
"I'm here kasama yung liniligawan ko" ani niya na ikinagulat ko
"omg! may liniligawan ka? kailan pa?"
"last week ko palang siya liniligawan he's from DLSU"
"naks, pakilala mo ah?"
"sige sige— ayan na showing na" ani niya at nanood na kami.
Enjoy Reading
BINABASA MO ANG
Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)
RomanceBFF series no. 1: Vaness Dela Cruz si Vaness Dela Cruz ay isang aspiring flight attendant at anak ng founder ng Dela Cruz corp. maganda, sexy, matalino, at jolly pero masungit siya sa taong hindi niya close. 'forever single' ang kanyang motto dahil...