Chapter 24

31 8 0
                                    


Vaness POV

nagising ako dahil sa sobrang lamig agad kong tinignan ang nasa paligid. napaka modern ng design ng kwarto puro black and white ang kulay ng kwarto nang marealize ko na hindi akin silid ito ay agad kong tinignan ang aking damit kung kumpleto pa. nakahinga naman ako ng maluwang. tumayo ako at naglakad papuntang pinto pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Agustin na walang pang itaas at naka apron lang! agad kong sinarado ang pinto. narealize ko na nandito ako sa pinaka kwarto ni Agustin!

inikot ko muna ang piningin ko sa silid at nakita ang mga picture frame na malapit sa higaan at iyon ang picture niya ni papa at nung mama ni Cy dinampot ko iyon at tinignan ng maigi. si tita hilda ay naka Black na dress medyo maluwang ito saka nakaseryoso lang ang mukha. si papa naman ay mukhang napipilitan lang ang ngiti. at si Agustin ay napakabata pa sobrang lapad ng ngiti niya parang yun ang pinakamasayang araw niya

bat kaya lumipat ng ibang pamilya si tita? siguro napaka valuable netong pic na to para kay Agustin

biglang bumukas ang pinto kaya liningon ko kung sino ang nagbukas non at nakita ko si Agustin na naka blue na t shirt. umupo naman ako sa higaan

"siguro masaya ka nung mga panahon na ito" ani ko habang tinitignan ang picture lumapit naman siya sakin

"napaka" ani niya at umupo sa tabi ko

"if you don't mind me asking paanong may pic kayong ganto ei... may pamilya na si Mom mo?"

"that was the time na awang awa na saakin si papa kaya't ang ginawa niya ay tinawagan niya si tito na kung pwede ay payagang magkaroon ng picture kami magkakasama at kukuhain na ako ni papa at lalayuan niya na si mama"

"then?"

"ayun pumayag si tito ed haha kaso hindi pumayag si mama kalaunahan dahil nung time na yan ay buntis siya kay Cy at galit siya saakin dahil para sakanya raw ay pagkakakamali lamang ako" ani niya at nagbaba ng tingin

"cheer up Agu—" hinalikan niya ako huminga ako ng malalim at inulit ang sinabi ko

"Cheer up Hubby, Anyways anong oras na?" tanong ko

"mag aalas sais na baby"

"oh fuck!" akmang tatayo na sana ako nang biglang hinawakan niya ang kamay ko

"di mo ba tatanungin kung bakit ka nandito?"

ay oo nga noh "bakit?"

"kasi nakita kitang tinakpan ng panyo ng lalaki at nahimatay ka"

"ay totoo? hindi ko alam iyon!" pabalang kong ani

"sabihin mo nalang 'salamat hubby' para tapos na ang usapan"

"psh nahuli mo yung lalaki?"

"oo nasa police station siya ngayon"

"nandoon parin siya?"

"oo"

"ok salamat" ani ko at bumitaw sa kanya saka tumakbo palabas

kailangan malaman ito ni Dad at kuya baka makatulog

nang tumatakbo ako paakyat gamit ang hagdan ay biglang may sumagi saakin at nagsitalsikan ang kanyang mga gamit. tinulungan ko naman siyang pulutin ito. at may nakita akong mga papeles na may pangalan na Dymine Realonzo at may nakita akong picture ng babae agad kong tinanggal ang tingin dito dahil ayokong makakuha ng napakaraming impormasyon tungkol sa ibang tao

"Hala sorry—" naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Ace. Iba ang awra niya na pawang seryoso na hindi ko alam kung paano iexplain

"ok lang" ani niya at kinuha ang gamit niya sa kamay ko saka nagtuloy tuloy sa paglalakad. sinundan ko naman siya ng tingin. nang makalayo na siya ay bumalik ako sa ulirat at tumakbo uli paakyat. nasa 10th floor na ako. nakakahingal ang pag akyat kaya't nag elevator nalang ako. ang tanga ko diba?

nang makarating ako ng floor namin ay tumakbo ako papuntang condo at kumatok

"KUYAAAA!" ani ko at pagpatuloy ang pagkatok binuksan niya naman ito at binigyan ako ng blangkong tingin "M-may muntikan nang kumuha saakin... b-buti nalang tinulungan ako ni Agustin"

"so?" ani niya

sarap sapakin...

"nahuli kung sino ang muntikan nang dumakip saakin..."

"nasaan siya ngayon?" tanong ni Kuya

"nasa police station sasamahan ko na kayo" ani ni Agustin na nasa likod ko tumingin siya saakin "ang tagal mo nauna pa ako sayo" bulong niya

"manahimik ka nga" ani ko

"tara na" ani ni Agustin at hinawakan ang kamay ko sabay naglakad wala naman akong choice kundi sumunod. kahit nakikita ko ang pagkairita ni kuya sa kanya ay agad na naman niya itong sinundan

nang makarating kami sa Police station agad na namin hinanap ang lalaking nagngangalang Ricky Delubyo

"nandoon po siya sir" ani nung police at tinuro ang lalaking nakakulong sa kanan niya.

"kakausapin namin siya" ani ni kuya kaya't tinuro nung pulis ang kwarto kung saan pwedeng makipag usap. pagpasok namin ay agad kong nakita ang silid na may glass wall at mga upuan. doon kami naghintay. Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang mga pulis na may hawak hawak na lalaking nakaitim na hoodie

"ikaw ba si Ricky?" mahinahon pero puno nang galit na ani ni kuya

"di mo na ako naalala Cyrhem?" ani niya at tumawa ng nakakatakot

"paano mo nalaman ang pangalan ni kuya?!" tanong ko umangat ang sulok ng labi niya at sinabing

"Sa panahong ito sa tingin ko ay walang nakakakilala sa napakayamang pamilya na Dela Cruz, Vaness" ani niya

"di na kami magpapaligoy ligoy pa alam naming isa ka sa mga preneur de sang" ani ni kuya at tumawa lang ang lalaki "at alam rin naming isa ka sa nag hihiganti. pero tandaan mo ito hinding hindi na babalik si Dad sa organisasyon ninyo at hindi niyo muling magagawang alalay si Van! kayat tantanan niyo na yan bago pa kami mapuno!" ani ni kuya ng pasigaw

"tsk tsk tsk HAHAHA Cyrhem matagal mo na kaming kilala alam mong hinding hindi kami susuko ng basta basta lang" ani nung lalaki at tumawa ng nakakaloko

"binalalaan ko na kayo... wag na wag kayong magsisisi pag naubos kayo isa isa sa mga katarantaduhang ginagawa niyo sa pamilya namin.. tara na" ani ni kuya at tumayo tumayo na rin kami ni Agustin at nagsiuwi na kami

Enjoy Reading
Don't forget to comment and vote thankie ❤

Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon