Vaness POV
nang matapos kaming manood ni Jay ay naglakad lakad kami ala una na ng madaling araw at hindi pa kami makatulog. parehas kasi kami na pinagiisipan ang nararamdaman namin sa mga gusto namin I mean hindi gusto peri parang ganun.
feeling niya raw kasi ay mas malalim ang nararamdaman niya kaysa sa simpleng "gusto" ganoon rin ako. kaya't heto kami naguusap tungkol rito
"tsk alam mo yung gustong gusto ko siya kaya ko nang ibigay sa kanya ang mundo? ugh! nababaliw ako!"
"haha same pala tayo" ani ko habang naglalakad kami sa dalampasigan
may nakita akong mama na naka-sumbrero at parang may binebenta na bracelet. "Jay tara bili tayo nun!" ani ko saka hinila siya roon.
lumapit kami sa mama at tinignan ang bracelet na nakalatag sa pawang carpet
makukulay ng bawat bracelet gawa ito sa kahoy pero iba't iba ang desenyo. may pa bilog, oblong, at mayroon ring bracelet roon na linalagyan ng sulat
"anong bibilhin mo Van?" tanong ni Jay saakin habang ako ay nakayuko at naghahanap ng magandang disenyo. maganda naman ang lahat pero hinahanap ko ang pinaka gusto ko
"di ko alam ei... upo ka" igiya ko ang tabi ko tumingin ako sa mama na may pagka-matanda na puti ang buhok at sungki sungki ang ngipin saka ngumiti "kuya kung ikaw po bibili ano pong maganda rito?"
"para kanino ba ang bibilhin mo ineng?" he asked smiling. sa hindi ko alam na dahilan ay biglang nag pop sa utak ko ang pangalang Agustin
napailing naman ako "sa.... sa kanya po" turo ko kay Jay nagulat siya
"hindi po para saakin kuya para po sa pinapakamamahal niyang Agust—" tinakpan ko agad ang bibig niya
"hehe basta po para sa lalaki"
"ah eto ineng.. perpekto ito ibigay sa iyong mahal" ipinakita niya saakin ang bracelet na kulay brown at may malaking bilog sa gitna na pawang may butas "ayang butas sa gitna ay mayroong ibat ibang lengwahe na iisa lang ang ibig sabihin kundi "mahal kita""
"k-kuya hindi ko po alam kung mahal—" naputol ang sasabihin ko nang
"magkano po?" tanong ni Jay at inilabas ang wallet niya
"singkwenta y singko" ani ng lalaki ibinigay ni Jay ang five hundred niya
"keep the change po" ani niya at kinuha ang bracelet sa kamay ko at sinilip ang nakalagay sa loob at ngumiti siya
"salamat. malaking tulong ito sa pamilya ko.. matutuwa ang pagbibigyan mo niyan" ani ng mama
"opo sigurado po iyon" ani ni Jay ns nakasilip parin
"eh ako po kuya ano pong suggestion mo para saakin?—" naputol ang tanong ko nang may kumuha ng attention kopinulot ko ito at tinignan ang bracelet na may disenyong mayroong letra sa mga beads at saktong nakalagay roon ang pangalan ni Agustin.
"magkano po ito?" tanong ko
"ganoon rin" ani niya kinuha ko ang wallet ko at ibinigay ang bayad sa kanya
"salamat po" ani ko at tumayo
"nawa'y maging masaya ang mahal ninyong pagbibigyan niyo niyan" he said and smiled tumango ako at nagpasalamat naman ni Jay atsaka kami umalis
kinabukasan ay pumunta kami ni Agustin sa rest house namin. noong bata ako ay dito talaga kami nakatira kung kaya't halos lahat ng litrato, gamit, at mga alala-ala nung bata ako ay halos narito lahat.
BINABASA MO ANG
Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)
RomanceBFF series no. 1: Vaness Dela Cruz si Vaness Dela Cruz ay isang aspiring flight attendant at anak ng founder ng Dela Cruz corp. maganda, sexy, matalino, at jolly pero masungit siya sa taong hindi niya close. 'forever single' ang kanyang motto dahil...