Chapter 35: I'm Coming Home!

38 10 0
                                    

Carl's POV

Nandito na ako sa airport. D-deretso na ako sa hospital. Nagmamadali akong sumakay ng taxi. Sa pagmamadali ko hindi ko na pansin ang dami ng taong nakapaligid sa'kin. Kaya halos marami akong na bunggo. Grabe naman 'tong feeling ko. Grabe hindi ko alam kung mae-excite ba ako dahil makikita ko ang kaibigan ko or iiyak ako dahil sa papa ko. Bahala na basta for now ang papa ko ang pinaka importante sa'kin.

(Nakasakay na sya ng taxi..)

Bubuksan ko na 'tong phone ko. Grabe ang daming messages 300+ parang sa pagkakaalam ko 2 months palang akong di nagbubukas ng phone. Hay naku halos salamat GM. Wait t-text ko na si mama, na malapit na ako sa hospital.

Ma, minutes to go nandyan na po ako.

After 20 mins. Nandun na ako sa hospital. Sinalubong agad ako ni mama. Namumugto na ang mata nya, tapos parang wala pa syang pahinga. "Ma, ano bang nangyari kay papa? Bakit sya nandito sa hospital?" Naiiyak kong sinabi sa mama ko. "Kasi nung nakaraang araw bigla syang umubo na may kasamang dugo. Pagkatapos ng ilang minuto bigla syang na himatay." Hala? Jusko po! Hindi ko alam ang gagawin ko. "Ma, anong sakit ni papa?" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko, nagtuloy-tuloy na ang luha ko habang tinatanong ko ang sakit ng tatay ko. "May stage 4 lung cancer ang papa mo. Sabi ng doctor hindi na daw maaagapan ang sakit ng papa mo. Baka weeks na lang ang itagal nya." Ha? Weeks? Nage-echo sa tenga ko ang sinabi ng mama ko. Hindi ko na kaya 'to. "Ma, hintayin mo ko. Iu-uwi ko lang ang mga gamit ko. Then bibilan kita ng pagkain mo." Aalis muna ako dahil hindi ko kinakaya ang sitwasyon ko ngayon. Di pa nga ako move-on kay Carla ito naman ang sumunod.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon