Chapter 14: Raining!

66 12 1
                                    

Angel's POV

Hala sya?! Bakit ngayon pa umulan? Paano kaya 'to uuwi si John. Alam ko na paguwi ko sa bahay papahiramin ko nalang sya ng payong ko. "Hoy ano ba umuulan oh!" Hinila kasi ako ni John para tumakbo. Habang hinihila nya ako natawa sya. Sa totoo lang ngayon lang ako nakaligo sa ulan hindi kasi ako pinapayagan ng nanay ko. Tumigil kami sa gitna ng kalsada. Natalon kaming parang mga bata, kinalimutan muna namin yung eksena bago umulan.

Natapos na yung ulan pumunta na kami sa bahay namin. Pumunta muna ako sa cabinet nila mama at papa. Hiniram ko muna yung pantalon at T-shirt nya. "John, ito muna ang isuot mo." Syempre binigyan ko na rin sya ng tuwalya. "Thanks Angel. Bukas ko nalang 'to ibabalik." Pagkatapos nyang magbihis. Nagsabi na syang uuwi na sya, inabot ko sa kanya yung payong ko. Ano ba yan ako na naman ang magisa dito sa bahay wala pa si mama.

John's POV

Pauwi na ako galing sa bahay nila Angel. Naiisip ko parin yung nangyari kanina. Medyo umi-echo pa sa tenga ko yung sinabi nya kanina.

Throwback...

*hilinila ko si Angel * "hoy John ano ba umuulan oh!" Sa totoo lang kaya ko sya hinila kanina kasi hindi ko na mapigilang umiyak. Ayaw ko lang makita nya na umiiyak ako. Kahit mukhang ini-enjoy ko yung oras na yun, hindi nya alam na kasabay ng ulan ang pagpatak ng aking mga luha.

End of throwback..

Sakto talaga yung pag-ulan haa. Ayaw ko sa lahat ng kinakaawayaan ako. Sabihin nyo na namataas ang pride ko. Eh anong gagawin nyo yun ako eh.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon