Chapter 42: My best friend!

27 7 0
                                    

Angel's POV

Kailangan parin ako ni Carl ngayon. Lalo na may problem sya na napaka hirap. Pupunta ako ngayon sa bahay nila. Gusto kong makibalita sa kanya kung kamusta na si Tito. Nakakamiss yung moments na kasama ko sya. Yung tipong hindi mo maiisip yung problema mo dahil masaya kang kasama sya. Kahit pagod kana dahil alam mong may mahal syang iba di mo iniisip yun dahil enjoy na enjoy ka kapag kasama mo sya.

(Naglalakad na syang papuntang bahay nila Carl.)

Ano kayang ginagawa ni Carl ngayon? Busy kaya sya. Or baka naman natutulog sya? Ay ayun sya! Papasok palang sya ng bahay nila. "Carl! Wait!" Sigaw ko sa kanya. Medyo malayo pa kasi ako sa kanya. "Angel? Oh napadalaw ka?" Grabe naman sya NAPADALAW talaga ang word? Di kaya ako multo hahaha. "Hahaha multo lang ang peg? Napadalaw talaga ang word?" Natatawang sabi ko. "Hahaha. Hindi naman sa ganun nagulat lang." Nice napatawa ko sya. Kala ko di ko na magagawa yun. Hay I'm so very very happy dahil nagawa ko ang impossible. "Kamusta na si Tito? Makikibalita lang ako, kasi di ako makapunta sa hospital." Sabi ko kay Carl. "Ayun Hindi na makakain ng maayos. Atsaka ang laki ng pinayat." Nakakaawa naman si Tito. Ganun na pala kalala sya. "Ay sorry. Sana gumaling pa sya." Sagot ko kay Carl. "Ayos lang yun. Sana wala naman sigurong impossible kay Lord. Hindi nya naman siguro kami papabayaan." Sabi ni Carl. "Yep, di kayo papayaan ni Lord. Tiwala lang gagaling pa si Tito." Sabi ko sa kanya. Sana kahit sa ganitong paraan mapalakas ko ang loob nya. "Sige bye na Angel. Magpapahinga na ko. Magbabantay pa kasi ako kay papa mamaya, pagbalik ko sa hospital." Sabi nya sa'kin. "Sige bye bye. Ipagp-pray ko na gumaling na si Tito."

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon