Chapter 46: The Night! <3

40 8 0
                                    

Angel's POV

Tumawag sa'kin si John kanina. Ano kayang plano nya, kailangan daw nakaayos ako mamayang gabi then susunduin nya ko. Wala si mama ngayon dito, umalis sya kaninang umaga. May note syang iniwan sa lumesa.

Anak pagka gising mo kumain kana ah. Kung may gala ka, kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom.

Yan ang nakalagay sa note. San kaya nagpunta yun? Hahaha grabeng makabilin eh, Kaya mahal ko yun masyadong maalalahanin.

John's POV

Kasama ko si tita ngayon, kasi gusto ko ng itanong kay Angel kung pwede ng maging kami. Syempre nakausap ko na si tita about dun, may permission na ko ng mama nya kaya wala akong problema.

Nagr-ready ako dito sa restaurant namin ngayon. Syempre ipinasara ko muna 'to para talagang special. Then ipapahanda ko ang pinakamasarap na pagkain hahaha. Syempre special sya sa'kin eh. Pati ang araw na 'to.

Angel's POV

Gabi na wala parin si mama. Il-lock ko na tong pinto. Dun nalang din ako sa labas maghihintay.

(After a minutes dumating na si Carl.)

Grabe nakakainlove ang kagwapuhan nya. Naka formal sya, then grabe syang makasmile. Para kaming magj-JS ulit kasi ako naka dress sya naman formal. "So Angel let's go?" Sabi nya sa'kin. "Formal na formal ka ah. San ba tayo pupunta?" Sabi ko sa kanya. "Syempre ako pa. Secret kung saan. Then kailangan kong takpan yang mata mo." Grabe naman 'to. I think may surprise na naman 'to.

John's POV

Nakatakip na ang mata nya. 15 mins lang naman ang layo ng restaurant namin sa bahay nila. Kaya tinakpan ko na ang mata nya. I'm so excited na grabe hahaha.

Nakadating na sila sa restaurant nila John. Nagmamadali na syang bumababa ng kotse sa sobrang excited.

Inaalalayan ko si Angel baka kasi kung anong mangyari sa kanya hahaha. Then nung nakapasok na kami sa restaurant, tinanggal ko na ang panyo sa mata nya. Nanlaki pa ang mata nya dahil na surprise nandun din kasi ang mama nya. "Ma dito ka lang pala nagpunta, makabilin ka naman po parang napakalayo ng pupuntahan mo." Natatawang sabi ni Angel Kay tita. "May sasabihin si John ngayon. Moment nyo 'to kaya di ako e-extra hahaha." Sabi ni tita. "Thanks po tita. Marami po talagang thank you." Sabi ko sa mama ni Angel. "BTW angel mamaya ko na sasabihin ang gusto kong sabihin kumain muna tayo." Pahabol na sabi ko.

Kumain na sila. Then pagkatapos nun ay tumayo si John.

"Angel gusto ko sanang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Kaya kong gawin ang lahat mapasaya ka lang. Sana this time pumayag ka na maging official na tayo." Sabi ko kay Angel. "Wait paano ang mama ko baka pagalitan ako nun." Sabi nya sa'kin. Then tumingin ako kay tita, at kumindat sya sa'kin. "Nasabi ko na kay tita yun. Alam nya ang plano ko. Kaya kung sagutin mo ko ngayon, ay ayos na sa kanya. So now payag kana?" Sagot ko kay Angel. "Hmmm. Yup." Sa sobrang tuwa ko napatalon ako. Grabe di ko malilimutan ang gabing ito.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon